Ikalawa
March 26, 2018 10:03am
PATULOY ang buhay ko sa eskwelahan, patuloy din ang ibat ibang ginagawa ng mga kaklase ko. Nasa loob kami ng gym gayundin ang iba pang section.
Nanunuod lang ako sa mga kaklase ni Ate Jamella na naglalaro ng Volleyball. Malalakas ang hiyawan ng mga kalalakihan lalo na kapag si Ate ang nakakahataw sa bola. Makurbang humahapit sa katawan nito ang suot nitong navy blue short at tshirt na kapareha ng pang P.E namin. Labas lalo ang mapuputi at mahahabang biyas. Mahigpit ang pagkakatali ng makintab at mahabang buhok nito. Kumikinang din ang pawis nito. Wala yatang tapon pagdating kay Ate Jamella.
Nang makatapos ang set ni Ate ay lumapit si Zenith inabutan nya ito ng tubig at towel na sya mismo ang nagpunas.
Nakakainggit din maging kasing ganda ni Ate Jamella, yung tipong walang tatanggi sa lahat ng gusto nya. Maganda na may K pa. Lahat yata ng kalalakihan sya ang tinitingala.
Patuloy lang ang panunuod ko sa paligid lalo na at di naman ako makakasali sa Pangpalakasan Edukasyon dahil wala akong tamang uniporme at higit sa lahat bawal sa akin ang aktibong laro makakasama sa akin lalo na at hindi pa nabubunot ang bala sa mukha ko. Masama ang maalog o mabangga ang mukha ko dahil baka umepekto iyon sa loob.
"To all Grade Nine students na narito, alam nyo naman na ang nalalapit ng Promenade. Grade Nine at Grade Ten lang ang maaring umattend. Ayun lang at bahala na ang inyong mga guro para sabihin sa inyo ang ilang detalye sa para sa gaganapin na prom! Dismiss all grade nine." Announce ni Misis Del Mundo na isang Mapeh teacher.
Naglakad na pabalik sa mga room ang ilang estudyante napuno ng kanikanilang plano at kung ano ano pang usapin.
"Nasabi naman na sa inyo ni Ginang Del Mundo ang darating na Promenade sa katapusan ng Pebrero. Formal Dress ang susuotin nyo at kaylangan may eskorte kayo sa bawat pagpasok. Miss Delflora bumalik ka ulit sa gym makikisuyo sayo si Miss Delmundo."
Pagkatapos ng anunsyo ni Adviser namin ay dumiretso nga ako pabalik sa gym. Ipinakiayos nya sa akin ang mga naghalo halong bola. Iniisa isa kong damputin at sineperate sa naayon nitong laki at uri.
Itinulak ko ng buong lakas ang malaking cart kung saan nandoon lahat ng bola para maibalik ko na sa stock room.
"Sinasagot mo na ba ako?" Punong puno ng pagsusumamo ang boses ng lalaki, kilala ko yung boses na yon! Dahilan upang ako ay mapahinto sa akin sa muli kong pag usog ng cart.
"Yes Zen. Girlfriend mo na ako." It was Ate Jamella's voice malambing ang boses nito na tila ba ay kinakapos sa paghinga. Malakas ang tawanan nilaa t biglang tumahimik kaya hindi ko alam kung anong gagawin ko kung ipagpapatuloy ko ba ang pagtulak o aatras na lang?
Humakbang muna ako papunta locker room ng lalaki kasunod noon ay ang stock room kung saan ko ilalagak ang cart na may laman bola.
Kakaibang tunog ang naririnig ko paramg hirap na umuungol si ate kasabay ng kung anong kiskis ng balat ang naririnig ko yung tipong kapag babasain mo ng laway ang labi mo sabay ipo-pop pero kakaiba dahil sa ungol ni Ate. Pinahihirapan ba sya ni Zen?
Mula sa dilim na kinalalagyan ko ay kitang kita ko si Zen at Ate Jamella na nakasandal sa tiles habang hinahalikan sya ng buong alab. Nakayakap ang dalawang braso ni Ate sa mga braso nito habang si Zen ay nakahawak sa baywang ni Ate.Nag iinit ang pisngi ko sa ganitong tawanin, parang kinakapos ako ng hininga, nakakahiya yata na manuod ng ganitong eksena lalo na at may nararamdaman din ako para kay Zen. Kumikirot ang puso ko lalo na sa tuwing detalyadong bumabalik sa akin kung paano nya halikan si Ate buong alab at buong intensidad.
Bahagya akong umatras at inumpisahan na maglakad palabas hinila ko sa tabi ang cart babalikan ko na lang siguro mamaya kapag wala na sila.
Masakit pa rin talaga na maging karibal ang kapatid mo lalo na at alam kong dehado ako malaking ekis ang ikumpara ang sarili ko kaysa kay Ate wala pa yata sa bente pursyento ang ibubuga ko laban sa kanya.
BINABASA MO ANG
Sweet Stolen Beauty (Abusado SERIES 2)
RomanceUmibig hanggan sa may iniibig. Aasa hanggang pinapaasa. Masaktan hanggang sinasaktan ka. pagkatapos ng lahat, pagkatapos ng pighati. Magiiwan ng sugat. Marka na kahit kailan man ay di mo kayang makalimutan. Sana nga sumama na lang lahat ng emosyon s...