New found soul

76 1 0
                                    

[Author's Note:

Bago ang lahat, I want to present this short story I made for one of my subjects. The theme is DESOLATION, so you might not be confused to it as a yaoi. Lol. Some of the ideas are based on one of the Filipino Short Stories-which I forgot the title; and most are based on true-to-life experience. Characters are not real so names existing in real-life is purely coincidental. I'm not a Pro in writing kaya enjoyin n'yo nalang. Libre lait sige na. XD Sorry some words are in deep Filipino.]

May mga bagay na minsan, akala natin ay hindi totoo.

Mga bagay na hindi natin inaasahan,

bagay na para sa atin ay guni-guni at imahinasyon lamang.

Kagaya ng nangyari sa kwento kong ito…

Naghahanda at nag-iimpake na sina Simon at ang kanyang pamilya ng mga gamit. Ilang sandali na lamang ay aalis na sila patungo sa kanilang bahay-bakasyunan.

Hindi mayaman sila Simon, at hindi din naman sila mahirap-middle class kumbaga.

Ang kanyang ina na isang guro ay si Aling Tessa. At ang kanyang ama naman, si Mang Lucio, ay nagtatrabaho sa isang malaking kumpanya.

Dalawa silang magkapatid-si Simon, ang panganay, at si Isabelle, ang bunso. Minsan na din niyang narinig na pinag-uusapan ng kanyang magulang ang tungkol sa isa pang bata. Kung sino, ay hindi niya alam. Binalak na niyang itanong sa kanyang mga magulang kung sino iyon, ngunit wala siyang lakas ng loob.

Masaya at maayos naman ang buhay ni Simon sa piling ng kanyang pamilya.. hanggang sa tumira sila sa kanilang bahay-bakasyunan.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Naglilibot-libot siya sa buong lugar. Matagal-tagal na rin nang huli siyang tumira dito.

Ang dami na palang pagbabago.

Naglalakad siya nang bigla siyang makarinig ng isang ingay na pamilyar-pamilyar na tunog na kung kalian niya narinig ay hindi niya alam. Sinundan niya ang ingay at natuklasan niya na ito ay hindi ingay kundi tunog - tunog na gitara at may kumakanta pa!

Sino kaya ‘yon? At bakit alam niya ang kantang 'yon?

Gusto pa sana niya itong sundan ngunit narinig niya ang kanyang pangalan na isinisigaw ni Aling Tessa. Agad siyang umuwi upang mananghalian.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Habang kumakain ay hindi maalis sa kanyang isip ang narinig na tunog.

“Ang dami na palang nakatira ngayon dito, ano? Kilala n’yo ba ang ilan sa kanila?”

Usisa niya sa kanyang ina.

“Oo. Dati na namin silang kakilala, anak. Lumipat lamang sila ng bahay pagkatapos mong ipanganak.”

Tugon ni Aling Tessa. Hindi na umimik si Simon bilang pagsang-ayon. Ngunit hindi pa din maalis ang bagabag sa kanyang kalooban.

Sumapit ang hapon at muling hinanap ni Simon ang tunog.

Buti na lang at nandiyan pa din ito-patuloy na dumadaloy,

nakikisabay sa ihip ng hangin.

Sinundan niya muli ito at napadpad siya sa hindi kalayuan pero liblib na lugar. Hindi gaanong maluwag ang daan at sapat ang isang tao upang magkasyang dumaan dito. Mataas ang mga damo, halatang hindi napuputol, matatanda na ang mga puno. Tamang-tama kung naglalaro kayo ng taguan ng mga kaibigan mo.

Sa dakong ito, malakas na ang tunog. Nagmumula ito sa mataas na puno. Sapat ang lapad at taas upang gawing tree house, at mukhang iyon nga ito. Umakyat siya sa hagdan at sinilip ang lalakeng tumutugtog at kumakanta. Sa kaba ay hindi niya maiwasang makagawa ng ingay.

“Sino ‘yan?”

Napatigil ang lalaki sa kanyang ginagawa at napuno ng tension ang kapaligiran. Naglakas ng loob si Simon. Ipinakita at ipinakilala ang kanyang sarili.

“Kayo ba ‘yon? Akala ko kasi hindi na pinupuntahan ng may-ari ‘yung bahay eh”

“Oo, kami nga. Matagal din kasi kaming nakatira sa Maynila. Hindi ko alam, marami na palang ibang nakatira dito. No’ng huli kasi naming bisita, kakaunti palang.”

“Ah!” sabi ng lalaki. “ako nga pala si Allen. Pasensya na sa inasal ko kanina. Nagulat lang talaga ako.”

Patuloy sa pag-uusap ang dalawa hanggang abutin sila ng dapit-hapon.

“Oh, sige. Nice meeting you, Allen. Kailangan ko nang umuwi at baka hinahanap na ako sa amin.”

“Sige. Mag-iingat ka ha.” Sagot ni Allen kay Simon.

“Magkikita pa ba tayo?”

Ang mahinang tanong ni Allen. Ngunit hindi ito napansin ni Simon dahil malayo na ang kanyang nalakad.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Pagkatapos maghapunan ay naghanda na ng damit pampalit si Simon. Bubuksan na sana niya ang kanyang aparador ng mapaharap siya sa salamin.

Nakita ko na itong taong ito ah. Saan? Kalian? Bakit sobrang pamilyar?

Bumalik muli ang kaba sa kanyang dibdib.Habang naglilinis ng katawan ay patuloy pa din siya sa pag-iisip. At bigla niyang naalala ang nakita niya kanina-si Allen.

Oo, siya nga!

Dali-dali siyang lumabas ng banyo, nagbihis at pinuntahan ang magulang.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

“Siya! Siya ‘yung lalaki sa tree house, ‘no?! Siya ‘yung pinag-uusapan niyo, siya ‘yung kakambal ko! Bakit? Bakit niyo sinikreto sa ‘kin? Sarili kong kapatid?! Bakit, ha?! BAKIIIT?!”

Hindi napansin ni Simon na tumutulo na pala ang kanyang luha. Sa sobrang sakit na kanyang nararamdaman ay bumalik na lamang siya sa kanyang kwarto at doon pinalipas ang gabi. Sinubukang kausapin at pakalmahin ng kanyang mga magulang pero sadyang napakasakit ng nagawa ng mga ito sa kanya.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Kinaumagahan ay hindi na siya nag-almusal. Dumiretso siya sa tree house kung saan sila nagkakilala ni Allen, ang kanyang kakambal. Ngunit laking gulat na lamang niya na wala ito doon. Hinanap niya ito, ngunit sadyang napakailap nito sa kanya. Hindi niya alam kung saan siya pupunta, saan maghahanap. Litong-lito siya.

Habang nakatalungko ay biglang may kamay na tumapik sa kanyang balikat-si Allen. Tumayo si Simon at kasabay nito ay bigla siyang niyakap ni Allen...

Mahigpit,

mahirap huminga,

pero ramdam ang pagmamahal,

ang pananabik.

Sa wakas ay bumitiw na siya.

“Ikaw, ikaw nga. Ang kakambal ko. Ang nawawala kong kapatid. Ilang taon din akong nagtiis sa pakiramdam ng pagiging kulang. Kaya ngayon na nandito ka, saya. Ang saya…”

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Bumalik na ang dalawa sa kanilang bahay-ang bahay nina Simon. Ipinaliwanag ng kani-kanyang mga magulang ang buong pangyayari. Napagkasunduan na din nila na hindi na sila aalis sa bahay na iyon at ibebenta nalang ang kanilang bahay sa Maynila. Lumipat na din ng pinagtatrabahuan ang kanyang ama at ina. Pati ang eskwelahan na pinapasukan ng magkakapatid ay iisa nalang din. Masayang namuhay ang pamilya.. ANG BUONG PAMILYA.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 07, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

New found soulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon