RunAway ♥

166 5 0
                                    

RunAway

PaulasHeartBeat

*This Story is just made up by my Creative Mind, Any Same Place, Person etc.  is just  Coincidence.

Hindi ko po toh Kinopya sa iba, kaya wala po may karapatan ang sino man ang COPY PASTE ng aking OBRA, HAHAHA XD pwede naman po basta magpaalam sakin ng maayos, Maraming salamat po!

Any Comment, Suggestion and Violent Reaction are Free. Wrong Grammar, Misspell po dito dahil tinamad na po ako magEdit, Enjoy Readers! ^_^V *

PROLOGUE:

Sino walang PROBLEMA? Taas Paa. HAHAHA XD lahat ng tao may kanya kanyang Problema, yung ibang Problema dadaanan lang natin, yung iba hinaharap natin at yung iba TINATAKBOHAN.

Sabi nila “Lahat ng Problema pwedeng tawanan pero hinding hindi mo pwedeng TAKBOHAN.”  Pero paano kung Hinarap mo na, Tinawanan mo na, Dinaanan mo na pero lagi ka pa rin Hinuhunting ng Problema pwede ko na ba sabihing TAKBO?! Pero takot ako magIsa, sino ba naman hindi sa Bilyong tao sa mundo wala ka man lang kasama kahit isa, hayssss . IKAW? Can you RUN AWAY WITH ME?

Chapter  1:

I’m Michaela Jayne Cruz, 16 yrs Old, 5’1( matangkad na ba ako? >.< ) Morena, ayos lang katawan ko Hindi ako mataba, hindi rin naman payat, Sabi nila Cute ako and I got beautiful Eyes, aish! Who Cares! Actually wala naman sakin kung ano tiggin nila basta Masaya at buhay ako kasama ng Mama ko at ng Asungot ko na Kapatid. Currently 4th yr high school ako ngayon sa Western High School. Look Likes Private School? Definitely Yes! Oooops ! Hindi po ako mayaman, Scholar lang po ako ng may Owner ng School/ BestFriend ni mama/ Ninang naming ni Mac ang kapatid ko pero hindi naman kami mahirap we can eat 3x a day okay nay un di ba? Ang mama ko sya na lang kasi bumubuhay samin ang dami nyang trabaho lahat pinapasok nya basta alam nya na hindi Illegal, kaya kahit na hindi kami hanun kayaman, im Proud for my Mom kaya pinipilit kong palitan ito. Ang magaling ko kasing ama ay SUMAKABILANG BAHAY na iniwan nya kami ng nakakabata kong kapatid nung mag Hihigh School pa lang ako, medyo nagalit ako sa kanya nung una pero tinanggap ko na lang dahil dun sya Masaya. Ang kapatid ko naman na si Matk John ay mas matanda ako ng 3yrs. Pero parang matanda na yun kung magisip minsan pero MADALAS isip bata pero mahal ko kapatid kung yun kahit nagaasaran kami. Dahil kami lang dalawa natitira sa bahay dahil Busy si mama sa trabaho kaya syempre ang taga pag alaga AKO.

Michaela’s Point Of View:

Andito kami ni Mac sa SM bibili kasi kami ng kailangan naming sa school para sa pasukan, sya 1st  yr high school at ako 4th yr. Iniwan lang kami ni mama ng 2000php para bumili ng gamit naming, Mula pagdating naming ng SM ndi ako kinakausap ng magaling kong kapatid, NAKAKAKAIRITA ! >.< yung feeling  na may kasama ka nga tas kanina ka pa salita ng salita pero walang sumasagot sayo. Aish!  Lintek!

“Mac, ANO BA? HINDI MO BA SASABIHIN KUNG ANO GUSTO MO?” sinisigawan ko na si Mac pero tinignan nya lang ako tas binaling nya na yung tinggin nya sa iba. NICE TALKING!

“OKAY! FINE!” nilabas kung yung pera na sa pitaka ko.

 “ Bumili ka ng gusto mo, pera mo naman yan e” binigay ko sa kanya yung pera nya na 1000php at kinuwa nya naman.

“Sge, text mo na lang ako o tawagan o kaya kita na lang tayo dito” biglang umalis ang magaling kong kapatid pagkasabi nya.

“yan lang pala ang gusto, nag Mute mode pa” bulong ko sa sarili ko at nagsimula na rin ako bumili ng kailangan ko at syempre ang First Stop National Bookstore, grabetti! Ang daming tao lalo na mga teenagers ngayon sa mall, tas idagdag mo pa yung Mall show ata yun ng artista kaya dagdag populasyon, After ko sa NB na may Block Buster na pila sa may Department Store ako for my New Shoes but suddenly napanganga ako sa presyo ng mga sapatos “okay pa naman yung sapatos ko sa bahay, pwede na yun” tas labas ko ng Department. Pumunta na muna ako sa Time Zone para makapaglibang ang daming tao mostly teenagers lahat ng arcades may tao kaya tumingin tingin na lung ako at naglakad lakad palabas ng Time zone ng biglang ...

 -----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

paulasheartbeat

RunAway  ♥ (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon