Chapter 17

18 2 0
                                    

Chapter 17

“Ang Swerte mo Ate MJ, si Papa Seiji yun!” ngumiti lang ako sa member ko na bumati nun sakin, wala pa rin ako sa sarili ko, nagpunta ako sa field napaupo lang ako sa lilim nung puno I see the sunset, tas inisip yung kanina, bakit parang pati yun namiss ko? 2weeks pa na kaming Cool Off at ang hirap hirap para sakin pero this week lalong ako nahirapan, all things about him, I MISS IT! The whole Seiji Sinichi, ang mas masakit pa para sakin Next week Semestrial Break na pero hindi pa rin kami okay, hanggang kailan kami ba ganito? >:(((

I close my Eyes, and I remember the things in the Play Just a Hour a Ago.

*FLASHBACK*

NagStart na yung Play namin, mabuti at nawala na rin yung kaba ko, tuloy-tuloy yung play, halatang yung mga tao Concentrate sa pinapanood nila, hindi ko na napansin yung dami ng tao dahil sa sobrang galing nga lalaking nasa harapan ko na umaarte at nadadala nya ako, no wonder kung bakit sya naging artista at sikat ngayon.

Nung nasa mga Huling Part na kami ng Play dun ko na binigay lahat lahat Iyak kung Iyak, at sya Emosyon kung Emosyon, aakalain mo na totoo na yung nangyayari sa stage.

“KASAL? (Hinawakan nya ako sa braso at sobrang galit yung mukha nya, nakatinggin lang ako sa kanya habang umiiyak) NANG NALAMAN KO NA PUMAYAG KA MAGPAKASAL! AAMININ KO! NANG BABAE AKO! PARA KALIMUTAN KA! DAHIL SAKIT! ANG SAKIT SAKIT NITO! (binitawan nya yung pagkahawak nya sakin at tinuro yung kung san yung puso nya) MASAKIT MALAMAN NA IKAKASAL NA YUNG BABAENG MAHAL MO!”

“puma...ma...yag ako magpa...kasal dahil---“

“NAGPAKASAL KA DAHIL SA PERA (uminom sya sa baso na kunwari ay alak at tinapon ito sa tabi) NGAYON MAYAMAN NA AKO! AT ITO DAHIL SA SAYO! DAHIL ILANG BESES MO AKO PINATAY AT GUSTO KO IPAMU---“ 

“NANG NAKITA KITANG MAY IBANG MGA BABAE NA KASAMA AT UMIINOM, YUN YUNG ARAW NA PUMAYAG AKO MAGPAKASAL! ANG SAKIT SAKIN NA PAGTAKSILAN KA NG IISANG LALAKI NA MAHAL MO NA SINUBUKAN MO IPAGLABAN! PERO ANO? (sinusuntok ko na sya sa Chest nya habang umiiyak) INIWAN MO KO! MAHAL NA MAHAL NA KITA! PERO GIN*G* MO LANG AKO!” napaluhod kaming dalawa at yakap yakap nya lang ako habnag umiiyak

“Patawarin mo ako, ang sinabi sakin ng ama mo na hindi mo ko mahala talaga at pumayag ka na magpakasal sa iba, Patawad at hindi ako nagtiwala sayo” umiiyak na rin sya, hindi ko nakikita dahil nakayakap pa rin ako sa kanya pero naririnig ko sa mga boses nya, at yung mga huli nyang sinabi lalo ako umiyak, naalala ko na naman kung bakit kami nagCool Off, hindi sya nagtiwala sakin at naniwala sa iba.

“Ikaw lang (Unti unti nyang inaangat yung ulo ko, and our teary eyes met) ang babaeng Mahal, Minamahal at Mamahalin ko habang buhay”

And last thing I know na hindi naman kasama sa Ending is the KISS.

*END OF FLASHBACK*

Tama kayo! Naging Successful yung performance namin, pero after nun bigla naman nawala si Seiji, gusto ko sana ng take two! Hahaha JOKE LANG! Hindi naman po ako manyak! Back what I’m saying gusto ko sana sya makausap at makipag ayos sana.

“Hayyyyyy” napabuntong hininga na lang ako, at napatinggin sa langit wala na yung araw yung langit medyo red orange na, and I find it peaceful sana, ganito kami ni seiji,sana ganito buhay ko, tahimik at masasabi mong...

 “Everything Is Fi---”

“hoy!” napahawak ako sa dibdib ko, sinabi ko bang Peaceful at Fine! Hell no! Kung may bigla ba naman may sumulpot sa harap mo na bakulaw, syempre ang mahal ko pong kapatid.

“May balak ka bang patayin? Aatakihin ako sayo sa Puso walangjo ka!” umupo sya sa tabi ko na may napakalaki ng ngiti, bwisit! Tuwang tuwa pa ang loko!

“Congrats! Ang galing nyo kanina” tinatap nya yung shoulder ko. Problema nito?

“sya lang yun, dinala nya lang ako” tuminggin na ako sa Field.

“ mabuti naman alam mo” at binigyan ko sya ng Instant na Batok! Akala ko sa Side ko, hindi naman pala!

Hinawakan nya lang yung ulo nya na nabatokan ko, napalakas ata. Pero maya maya humarap na rin sya sa field, at yung ulo nya nilagay nya sa shoulders ko.

“Mac, Pabalikin ko na ba?”

“Ano ba sabi nyan?” tinuro nya yung part kung nasan yung puso ko.

“namimiss ko na sya, ay hindi pala, MISS NA MISS KO NA SYA  L” hinawakan nya yung kamay ko, at kinaladkad ako papuntang Gym, Fail! Sabi ko nga di pa naIinLove Lil Bro, wag ko na tanungin e.

Sa Gym naman, nakipagsiksikan pa kami papuntang unahan siguro 3rows before the stage pero sa left side kami, sobrang daming tao, lahat ng estudyante naka porama, last day na rin naman for this sa school at sem break na. Ako naman simple lang, White Shirt na may Butterfly yung design tas Bitin pants and Gray Toms. Pero yung kapatid ko ang Gwapo sa suot nya, Kapatid ko ba talaga toh? Ang HOT! Baka ampon toh? Hahaha . joke! Andun naman ako nung pinanganak yan.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Follow me @Paulasheartbeat & Add me Up in Joanna landig

Vote! Like! Fan! Thank you po ^_^V

-Paulasheartbeat :)

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

RunAway  ♥ (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon