Part 4 Of 4

69 3 0
                                    

                                                     ♪♫♪.¸¸.♪♫♪ Part 4 Of 4 ♪♫♪.¸¸.♪♫♪

Nagising si Coby ng isang doorbell..

pagbukas niya ng pinto ay isang pink na box ang nasa paanan niya..

it was her phone..

tapos na ang 1 month at hindi na rin nagpakita si Eule after the incident with August.

inaamin din niya sa sarili na nami-miss na niya si Eule...lalo na kung umaga...nasanay siyang ginigising nito tuwing alas-kwatro ng madaling araw.

pero lagi rin niyang naalala ang dahilan kung bakit lang ginawa ni Eule ang lahat ng yun.

awa.

fuq that word. =___=

sa isip-isip niya.

sino ba naman kasing nagsabi na kailangan ni Coby ng isang taong katulad niya?!

nagshower muna si Coby bago i-check ang phone niya.

nagulat na lang si Coby nung chineck niya yung phone...

wala nang laman ang sent items at inbox niya pati ang mga pictures ni August...kahit yung nakadikit sa likod nito na C❤A

wala na rin ang number ni August.

nakita rin niya ang wallpaper nito. it says...

MOVING FORWARD.

tinignan niya ang multimedia..

isang kanta lang ang nandun..

Out Of My League By Stephen Speaks.

sa napakaraming dahilan...napangiti siya.

but what made her smile even more was his message video.

"uh...hi Coby..siguro hindi na kita pwedeng tawaging Panget dahil.." he sighed.

"tapos na ang one month."

"gusto ko lang malaman mo na...I never did all of those out of pity...you needed a friend so I gave you one.."

"hehe sorry kung pinakelaman ko ang phone mo ah.."

"but that made me realize how much you suffered. and how much you are willing to sacrifice your almost everything..for the sake of your love."

"sa isang buwan na yun ay sinikap ko na mapasaya ka para makalimutan mo ang tungkol sa nakaraan mo...yun lang talaga ang balak ko para sana after one month ay aalis ako sa buhay  mo pero maiiwan kitang may panibagong pagtingin sa mundo...but I guess I failed huh?"

"I failed kasi...hindi ko pala kayang iwan ka...hindi ko pala kayang baguhin ang tingin mo sa mundo dahil..ikaw lang mismo ang makakagawa nun. ang sarili mo."

"I failed kasi...nung una..bestfriend lang talaga ang maibibigay ko sayo..but I ended up wanting  to give you more than that..."

"It’s terrible to lose someone we love, but it’s even worse to lose ourselves while loving  them."

"sana next time na magmamahal ka...kahit hindi ako yung taong mamahalin mo...alagaan mo ang sarili mo ah?"

"fortunately EPIC FAIL ang pagtatangka mong magsuicide...WAG MO NANG UULITIN YUN AH?!"

he smiled...

She found herself playing the video over and over again...napahagulgol siya sa tuwa,lungkot at pagsisisi.

Kulang Pa Ba?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon