Prologue

10 0 0
                                    

"Uniberso"

Sisimulan ko ito
kung saan una tayong nagkakilala
Hindi inaasahan na sayo'y liligaya
Dahil una pa lang ayoko naman talaga.

Puro ako tanggi
sa kaibigan ko na kung anu-ano ang sinasabi
Kesyo di daw ako magsisisi
pero heto ako ngayon, nagdadalamhati.

Sinta, nasaan ka na?
Sabi mo tayong dalawa,
Walang hanggan ang pagsasama
Pero bakit ikaw mismo ang nagsabing ayoko na?

Naalala mo pa ba kung saan tayo nagsimula?
Naalala mo pa ba kung gaano tayo kasaya?
Naalala mo pa ba yung ngiti nating dalawa?
Naalala mo pa ba... Naalala mo pa ba, sinta?

Mga panahong pinagluto kita ng paborito mong putahe.
Mga panahong nanood tayo ng sine.
Mga panahong tuwa-tuwang tayo sa mga bagay na simple.
Lahat ng yan ay nasa iisang imahe.

Pero mahal, sinta. Sinta ko.
Naalala mo yung nakatingala tayo sa tala.
Sinabi kong ikaw ang aking uniberso.
Dahil kahit anong lawak nito, pagtatagpuin at pagtatagpuin tayo.

Kaya sinta,
Nasaan ka na?
Babalik ka pa... diba?
Nandito ako, naghihintay sayo.

Para na nga akong sundalo
dahil kahit anong gawin nila o ako.
Hinding-hindi ako susuko.
Na kahit ikaw mismo ang unang sumuko.

Pero mahal ko, tandaan mo.
Na darating ang panahon
Na sasaya na ako
Na wala ka sa piling ko

Ngunit malakas pa rin ang kutob
Na ang sansinukob
ay liliit at pagtatagpuin tayong dalawa.

Dahil ako, ikaw at ang uniberso ang magkasangga sa mundong ito.Mananatili ka sa puso ko.

Me, You and the UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon