Chapter 2

12 0 0
                                    

"Nasaan ka na ba?!" Galit na tanong ni Kiara sa akin.

"Uhm.."

"Don't tell me nasa bahay ka pa?! I'm telling you Jane, susunduin kita dyan pag hindi ka pumunta dito!" sigaw niya kaya naman nailayo ko sa tainga ko ang phone.

"Fine, fine. Eto na mag-aayos na ako,wag mo na akong sunduin." sabi ko at tumayo na. In-end call ko na ang tawagan namin dalawa. I really don't want to go because of that guy. I do not know him and I'm not interested.

Kinuha ko ang black cocktail dress ko. Off-shoulder siya na fitted sa akin, halata ang curves ko at
yung palda niya ay parang skater skirt. Maikli sa unahan pero mahaba sa baba and of course my 4 inch heels.

Naglagay na rin ako ng make-up sa mukha ko ng very very light lang. Neutral colors at red lipstick. I look like an elegant bitch today but who cares, right?

Nagsuot na rin ako ng accesories at kinuha ko na ang purse ko. Tumingin muna ako ng isang beses sa salamin at lumabas na ng kwarto.

Wala sila mom at dad sa bahay dahil nasa work sila. Also, my kuya's are gone too. Siguro nag-happy t na naman sila. Kaya in the end nag-pahatid na lang ako sa driver namin na si Kuya Juan.

Tinignan ko ang phone ko at nakita kong todo-text na sa akin si Kiara. Tadtad na tadtad na ng mga messages niya saying kung nasaan na ba ako kaya no choice ako kundi tawagan siya para makasigurado siyang makakapunta ako.

"WHERE THE HELL ARE YOU?!" pambungad niya sa akin.

"2 blocks away from the venue." I said in a calm voice kahit na hindi ko talaga alam kung gaano pa ba kalayo o ano.

"Hindi kami makapagsimula dahil hinihintay ka namin."

"Are you crazy? Party mo yan, you should start but anyway... I feel flattered. Thanks." sabi ko at tumawa.

"You're making me angry, Jane!"

I laughed. "Chill, I'm coming." I said and ended the call.

"Kuya Juan, malapit na ba tayo?" tanong ko.

"Yes, ma'am." sagot naman nito sa akin kaya tumahimik na lang ako.

Maya-maya pa ay hininto na ni Kuya Juan ang kotse sa tapat ng isang place. There's a party lights and may mga pumapasok pa na bisita na naka-pastel dress and suit. The motif is pastel but I wore black, such a cute lil bitch. Anyways, si Kiara din naman ang pumili so okay lang.

Bumaba na ako ng kotse at pumasok sa venue. Open space siya, it's like a garden at ang ganda ng pagkaka-decorate. All of the things are pastel color and such. Ang cute lang.

Habang naglalakad ako namataan ko na si Kiara na inip na inip na. She's wearing maroon dress, ewan ko ba dito. Gusto niya pastel but then yung suot niya kabaliktaran. Gusto niya kasi palaging center of attraction. Kaya siguro nagkakasundo kami sa lahat kasi pareho kaming maarte.

"There you are! Napaka-tagal mo!" aniya at hinila ako.

"Where's tita and tito?" tanong ko. "Pumunta muna tayo sa kanila." I said and she nodded at hinila na ako.

I saw the two love birds laughing with their business partners. "Hello po, tito and tita." sabi ko at nagmano ako.

"Oh, Prescilla! You look gorgeous tonight!" sabi ni tita at napatayo at nakipag-beso ako.

"Thank you po!"

"Oh guys, this is Prescilla Jane S. Glenn, daughter of Jamia and Charles Glenn. She's my daughter's best friend." giit ni tita at napa-awkward smile na lang ako.

Me, You and the UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon