Si John at Ellen ay matagal ng magkasintahan at mahal nilang ang isat-isa, kulang nalang na mangako sila sa altar dahil sa kanilang ka sweet-an. Pero yan talaga ang plano nila pagkatapos ng pag-aaral ng koleheyo.
Halos magkasama sila palagi at walang humpay na ka sweet-an, pero masasabi mo bang 'perfect couple' sila? Based sa kinikilos nila 'OO' pero dadating din pala ang panahong hindi nila inaasahan na dadating. Sila pa ba hangang sa huli? May forever ba talaga o wala? Perfect couple nga ba sila?
Maraming katanongan ang nasa isip, pero iisa lang talaga ang nanalaytay.... Ano ba ang nangyari sa kanila?
Nagising si Ellen namay ngiti sa mga labi, panibagong araw nanaman at salamat sa diyos akoy ipinamulat pa niya. Masaya siyang bumangon at kinuha ang cellphone saka tenext si John at binati ng 'magandang araw' ang kasintahan.
Mag dadalawang taon na sila ni John sa susunod na buwan at masaya siya para sa kanilang relasyon, at nag papasalamat na rin na I manor sila ng ganon ka tagal at sana mag tagal pa sila at hanggang sa huling hininga.
Nagbihis na ang dalaga at nagayos. Mahigit sampong minuto din ang ginugul nito sa pag-ayos, ng matapos nagpaalam na siya sa kanyang ina at masayang nag tungo sa paaralan.
Nang makarating siya sa paaralan nakita niya kaagad ang pinakamamahal niyang nobyo na si John na papunta sa kanya at may naka plaster na ngiti sa mga labi. Ngiting pagmamahal. Ang swerte talaga niya sa nobyo, hindi na siya mag hahanap pa ng iba maliban lang sa lalaking kaharap na niya ngayon. Wala na siyang hihingin pa kundi ang maging girlfriend nito o soon to be wife.
"Hi hon, I miss you." sabi ni John sabay halik nito sa mga rosas niyang mga labi...
Hindi parin pala nawawalang ang elektresedad na nanalaytay kapag hinalikan siya nito. Everything is just the same. "Hello, aw... Ang sweet mo talaga hon kahit kaylan." Nangigil na sabi nito sa nobyo. E kasi ang cuteeeee.Mahinang natawa si John dahil sa ginawa nito, tsaka siya masuyong hinawakan sa kamay at naglakad papuntang room nila. Engineering ang kinuha nilang kurso dahil noon paman ito na ang ambition nila. Masaya siya dahil hindi sila mag hihiwalay dahil pareho sila halos lahat ng schedule na kinuha.
Nang makapasuk sila sa silid, hindi parin nag bago ang mga tinginan ng mga kalase nila, ganyan naman palagi eh kaya hinahayaan nalang nila ang mga ito.
Walang masyadong ginawa sa klase ngayong araw kaya maaga silang natapos.
"Hon, date tayo?" Walang pag-alinlangang sabi ni John sa kanya.
Aw... Sweet talaga nitong si John. Sabi pa niya sa sarili bago sinagot ang tanong ng nobyo.
"Saan naman?" Ang gusto sana ni Ellen ay duon lang sa hindi mamahalin, baka maubos ang pera ni John hindi naman sa minamaliit niya ito pero di'ba? Wala naman yan sa sosyalan kon'di sa pagkain kong masarap ba ito o hindi, ang importante makakain sila at masaya sila.
"Sa Restaurant ng tito ko, hon? Masarap ang mga pagkain nila don." Magiliw na sabi nito.
"Hon... Mukhang mahal doon, ayaw kong magasto gusto ko simple lang, hon. Sa tabi-tabi nalang tayo."
"Sige, ikaw, gusto ko rin naman doon... Sa tabingdagat tayo ha?" May pakindat-kindat na sabi pa nito. Hahaha ang cuteeee.
"Sige tayo na? Nagugutom na kasi ako eh." Natatawang sabi nito.
Masayang kumain silang dalawa, agaw pansin panga dahil sa kanilang ka sweet-an pero hindi nila ito pinapansin.
Ng matapos silang kumain umuwi na kaagad sila, hinatid ni John si Ellen sa bahay nito at sumonod naman siyang umuwi sa bahay nila.
Unedited.
YOU ARE READING
The Painful Goodbye
Short StorySi John at Ellen ay matagal ng magkasintahan, sweet, caring at lalo sa lahat loving silang dalawa. Halos nga hindi sila makapag hiwalay. Ganyan nila ka mahal ang isat-isa. At ang mas nakakatindi pa hindi nila pinapansin ang mga tao sa paligid nila k...