"IVY!!!" hay naku, tawag nanaman ako ng nanay ko. Nakakainis, nagbabasa pa ako ng story ni joyablessed eh, nasa kilig part pa naman ako. (para di obvious, nagpropromote din ako ng ibang story/author) ^_^
"PO!!", sagot ko rin naman kay mama na nakikipagsabayan sa pagsigaw kahit nasa sala lang naman ako..
"Ayusin mo nga mukha mo Ivy! Nakasambakol nanaman yang nguso mo. Ikaw muna magbantay ng tindahan, mag-gro-grocery na ako, konti nalang tong mga paninda natin. Saka magloload na rin ako wala na ata laman ung loading natin. Ikaw na bahala jan." tango nalang ako ng tango para umalis na si mommy. Napakarami pang binibilin, ang point lang naman nya eh pagbantayin ako.
Grabe ewan ko ba sa nanay ko at ginusto pa nyang magtindahan/magsari-sari store eh nasa subdivision naman kami. Kokonti lang naman ang mga taong bumibili sa ganitong lugar. Hay nako, pag may saltik nga naman ang mga magulang eh noh, kala mo di nag-aral ng economics.
"Ayyy! Aso ka! Ayyy bwisit!!"nakakainis naman, muntik na mahulog ung cellphone ko! Bat naman kasi paglingon ko sa labas biglang may sumulpot na lalaki naman na sa harap ng tindahan, di ko namalayan ung pagdating nya, di ko rin alam kung kanina pa ba sya dun.
"Ay sorry ate. *smile* Paload nga po TM."
"Ha? Ahh,ehh, teka, load ba?" haha natataranta ako bigla ah.. Kacute naman talaga kasi magsmile ng taong to, natulala ata ako. Mukha siyang kasing edad ko lang, halatang rich kid at saktong sakto ang pagkacute niya para maging prince charming ko. Hahaha *halo*
Nyaaa!! Ano ba yan. Wala na nga palang pangload. Chi-neck ko agad ung cellphone na pang load para tignan kung dumatin na pero.... Sayang, wala pa. *DISAPOINTED* kala ko makakausap ko na tong lalaking to.
"Ayy wala na eh. Sorry. *smile*" napangiti nalang ako, nakakahiya kasi baka nahalata niyang natataranta ako kanina pa.
"Sayang talaga"nasabi ko nalang sa sarili ko. Napaka wrong timing naman ng pag load ni Mommy, kung kelan wala na mr.cute-smile eh saka dumating.
Dati ko pa nakikita ung lalaking 'yon. Ang alam ko lang eh, lagi talaga siya nagpapalaod samin. At dahil lagi rin akong busy/addict sa pagbabasa ng mga stories sa phone ko, di ko siya masyado pinapansin.
Ngayon ko lang napansing cute pala siya pagnaka-smile. Haha
Hala! Di ko na natuloy ung binabasa ko.
Kung sino sino naman na iniisip ko. Ni hindi ko pa nga alam pangalan nun eh!
"Magpapaload pa kaya ulet un?"bulong ko sa sarili ko. hmm, hala! Tama na nga yan. Magbabasa na talaga ako.
Di tuloy ako makapagconcentrate. Kainisss..
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Pag may nagcomment at nag vote, ipopost ko agad ung kasunod neto.. :D