ACE’s POV
A/N: alam ko nasa isip nyo! “ahh, ACE pala name nya..” Bwahahaha!!!!!
Raniel: Pare imba naman! Asan ka na ba? Magstart na laro. DOTA na!!! wag mo kami taguan! Weak ka! WEAAK!! hahaha
ACE: Pare di ako makakapunta, darating sila Roxanne.
Sending…. Message sending FAILED.
“@#!#@@#!” kung mamalasin ka nga naman ano? (bahala na kayo mag imagine ng any bad word, di ako magaling jan ^_^)
Nakakayamot naman ‘tong araw na to. Una, di ako makakalaro ng tournament sa dota, ngayon, darating pa si Roxanne, naubos pa ung load ko. Hayyyyyy. *yamot.yamot.yamot*
Nagbihis ako.
Baka isipin nila pinapasikat ko ang napakaganda kong katawan eh. Hahaha
Magpapaload nalang ako sa tindahan.
Habang papalapit ako sa tindahan, nakita ko nanaman si ms.sungit. Ewan ko bas a babaeng to. Nakita ko pa minsan, umiiyak nalang sa loob ng tindahan nila. Palagi naman akong nagpapaload sa kanila eh, di ako pinapansin. Tapos iba-ibang emosyon ang nakikita ko tuwing hawak niya phone niya. Misan nga umiiyak, tumatawa, seryoso, at ngayon, nakangiti parang kinikilig.
Siguro katxt niya ‘yong boyfriend niya.
Sayang naman.
Hala, bat ako nanghihinyang? Baliw ba? Di ko nga to kilala.
Dinahan-dahan ko ung paglalakad ko papalapit sa tindahan para di ako mapansing nakatitig ng babaeng to. Ang cute nya pala pag naka-smile siya. Pinagmasdan ko siya, ngayon ko lang talaga siya nakitang nakangiti at ewan ko ba, ang ganda pala nya talaga.
Mejo matagal ko rin siyang pinagmamasdan nang napalingon siya sa akin.
Nagulat talaga siya. Muntikan pang mahulog ung phone niyang parang sobrang halaga sa kanya at mamamatay ako pag nasira un dahil nagulat siya sa akin.
Naaliw ako sa nakita kong pagigingalert niya pagdating sa cellphone niya kaya mejo napansin kong natataranta tuloy siya. Napangiti ako.
““Ay sorry ate. *smile* Pa..paload nga po… TM.” Natameme din ako at sana di niya un nahalata. NAging choppy pa tuloy ako. Haha minsan lang to kaya enjoy the moment. Natawa narin ako sa sarili ko.
Parang kanina lang lahat na ng kabadtripan hinaharap ko. Tapos ngayon, eto naka-SMILE ako dahil sa babaeng to.
Sayang may boyfriend na siya.
*BACK TO REALITY*
1. Wala silang pang load.
2. May boyfriend na ung cute na babae.
3. Darating parin si Roxanne.
4. Iisipin nilang WEAK ako sa Dota at nagtatago pagdating na ng Tournament.
“After all, it’s still a BAD DAY”. Pero di parin naaalis sa isip ko ung babae sa tindahan. Ngayon ko lang narealize na maganda pala siya.
“Magpapaload paba ako?” baka meron na ung pinaload ng mommy niya.
“Baka ung mommy lang din niya ung magload sakin dun. Wag nalang. Di ko narin naman ka kailangan ng load. Tapos na ung tournament.” Ewan ko ba? Bat ako nagsasalita ng pabulong? Kausap ko sarili ko? Baliw na?
Nanlaki mata ko.
“Di ako inlove no!” NO WAY!!!!
“Kuya! Ano sinasabi mo? ” sabi ni Roxanne, Oo, tama kayo ng pandinig sa narrator sa utak nyo habang nagbabasa. KUYA nga ang sinabi sa akin ni Roxanne.
She’s my cousin na 5 years younger sa akin at nasa 1st year high school na siya ngayon. At alam kong alam na niya ang love.love na yan. At makakantyawan pa ata ako dahil narinig niya ang sinabi ko.
Patay na.
“Ha? Ahh,ehh, teka, load ba……?”
Ha? Anong load tong sinasabi ko? Ohh no! Parang ito rin ung sinabi nung babae kanina nung natataranta na siya.
“Kuya???” sabi ni Roxanne habang nakatingin siya sa akin with her wala-kang-maitatago-sa-akin eyes.
“Ohh? Ano yang tingin na yan?” Alam kong may naglalaro na sa isip netong babaeng to. Kilala ko ang mga matang un. Simula palang nung mga bata kami, lahat ng gusto niya nakukuha niya kaya may gagawin tong babae na to. At alam ko na mapapahamak nanaman ako.
Kung pwede lang ikulong sa isang box na sound-proof eh. Badtrip.
Buti nalang tumahimik na tong batang to nung pinakita ko ung bago kong game sa psp na alam kong pang girl at magagamit ko talaga pangbribe sa kanya. *Thank You Lord!* :D
Maya-maya habang nag-fafacebook ako, napansin kong nawala sa pwesto niya ung pinsan ko. May kausap sa phone. Buti nalang. Akala ko may ginagawa nanaman siyang kalokohan eh.. TAPOS….
“Kuya!! Saan pinakamalapit na paloadan dito? Pasama nga? Plsssssss”
Ohh no!!! My gulay!!!
Naisip ko namang baka swertehin at makita ko ulet ung babae sa tindahan. At saka wala naman talaga akong magagawa, sinamahan ko nalang siya nang walang pilitang nangyari.
Nagulat ako dahil ung babae parin na cute ung nasa tindahan nila kahit alam ko namang anjan na ung mommy niyang talagang nagbabantay sa kanila. At ngayon, hindi niya hawak ung cellphone niya pero nakatulala siya. Panibagong dagdag sa listahan nanaman ng mga emosyong nakita ko sa kanya. Hindi ko napapansing nakatitig nalang ako sa kanya buong oras na papalapit kami sa tindahan nila. Napangiti ako *MULI*.
Parang mauulit nanaman ata ung pagkagulat netong babaeng to ah. Parang lumuwang nanaman ang pagkakangiti ko.
Mali ako. Ako ang nagulat dahil biglang tumakbo si Roxanne sa tindahan para gulatin ung babae.
Naku po!!!!! Wag Roxanne!
Buti nalang nagising na rin siya sa pagde-daydream with his boyfriend. Naku naman. Ano to nagseselos?
Napansin ko nakatitig lang siya kay Roxanne habang papalpit ito at walang kareareaksyon. Tapos biglang tumingin sa kin na para bang may kasalanan ako. Well sorry about kanina.
Di ko tuloy alam kung ngingitian ko siya o hindi. Pero sadyang napangiti nalang ako sa ginawa ni Roxanne na ikinagulat nung babae.
“Hi Ateehhhh!!!” parang nakita niya ung nawawala niyang kapatid sa pagsigaw ng wagas.
Haha
Nakakatawa rin talaga ang reaksyon nung babae.
She never fails to make me smile with her random expressions.
Di ko na alam kung ano pinagsasabi ni Roxanne sa babaeng un pero all the time nakangiti ako na di ko maintindihan tapos nakatingin sa malayo. Baliw-much na.
Pag-alis namin, nakangiti na ung girl sa aming dalawa at nakasunod parin ung tingin niya hanggang makalayo kami. Oo nahuli rin niya akong lumingon sa lugar niya nung mejo nakalayo na sa tindahan nila.
Nakakahiya.
Baka kung anong isipin nung babaeng un ah. Badtrip.
Ano kaya ung sinabi ni Roxanne? Kainis naman, isa pa tong si Roxanne abot tenga ang ngiti niya. Iba nanaman ibig sabihin neto. Tsss.
