**dedicated kay ate glim.. kasi idol ko sya, sabi nya kasi kung magde-dedicate sa kanya ay sa maikling prologue lang, kaya ito ^_^v.. di ko ini-expect na magugustuhan mo po ito pero dine-dedicate ko pa rin :Dv sana lang po mag-update na kayo miss ko na si ANDRES wahaha.. more power to you and to your stories J**
PROLOGUE
Ang sarap mainlove. Yung feeling na para kang nasa ulap pag kasama mo sya. Yung feeling na parang kang nakatira ng limang gramo dahil sa mga bibibigay nyang mga ngiti sa’yo. Pero bakit sa lahat pa ng taong mamahalin, bakit sa BESTFRIEND mo pa? Sa bestfriend mong TOMBOY? Walang wala na bang babae sa mundo at sa isang tomboy ka pa nagkagusto?
Hello? Are you okay? Bukod sa bestfriend mo sya TOMBOY sya? At pareho kayo ng tipo. BABAE rin. Ang saklap napakalaking EKIS. Buhay nga naman parang life. Life is so unfair, isn’t it?
Pero paano kung gawin mo syang tunay na babae? Pwede naman siguro yun? Ang tanong? Kaya mo naman kaya? Paano kung pagtawanan ka lang? batukan at sabihing ‘bakla ka ba?di tayo talo oy,tumigil ka kadiri’.
Pero ang pinakakatakot sa lahat na pwedeng mangyari..
..ang mawala ang pagkakaibigan nyo dahil sa gagawin mo? halos kapatid na nga ang turingan nyo. Na dahil sa pesteng nararamdaman mo eh guguho ang pinakaiingatan mo, SIYA.
SIYA na laging nandyan kapag kailangan mo ng kalaro sa basketball at soccer.
SIYA na lagi mong kasama sa tuwing mamimili ka ng damit.
SIYA na kasama mo sa banda.
SIYA na nagtuturo sa’yo ng diskarte sa mga chicks (na kahit SIYA naman talaga ana gusto mo).
SIYA na handang makipagbasag ulo kapag may umaway sa’yo.
SIYA na nagluluto ng paborito mong pochero at champorado.
SIYA na taga masahe ng mabaho mong paa.
SIYA na taga hilot ng sintido mo kapag inaatake ka ng mind grain mo.
SIYA na naging sandalan mo sa mga problema mo lalo na sa ‘pamilya’ mo.
SIYA na side-kick mo.
SIYA na wini-wish mong maging soul mate mo.
SIYA na kabiyak ng puso mo.
SIYA na dahilan kung bakit ka humihinga.
In short…
SIYA na B-U-H-A-Y mo wala nang IBA.
** haha pasensya na po sa prologue na ito. Hahaha parang shonga lang. IBOTO kung Okay. Comment po libre ang Okray ^o^**
**again sorry hahaha. Pero sana magustuhan nyo parin solomot ^^.)**
BINABASA MO ANG
LOVE KO SI TOL
Teen Fiction"Oh, yes kaibigan mo 'ko. Kaibigan mo LANG ako. And that's all I ever was to you, Ned.. your bestfriend. Takbuhan mo kapag may problema ka. Tagasunod, tagabigay ng advice. Taga-enroll, taga-gawa ng assignment. Taga-pagpatawa sa iyo kapag nalulungkot...