Nakakakaba kasi one more step na lang pasok na kami sa finals! Yeah bah! Wag naman sanang pumalpak ang mga binting ito kundi ako na mismo ang puputol dito. OA lang hahaha. Alam ko namang mananalo kami. Andito ata ang ‘ace player’ (ako yun hahaha) syempre ang aming ‘captain’ sino pa ba di ang mahal kong si tol. Lumapit sa akin si tol. Pucha lalo akong kinabahan.
Nabigla ako kasi..
** O_O **
Niyakap niya ako. Ibang klase yung yakap na yun. Sobrang ramdam ko sya ewan ko ba pero paminsan minsan nagkakayakapan naman kami pero, this is different. Siguro dahil pareho kami ng nararamdaman. I can feel her heart beats at napakabilis nito.
If only our hearts beat as one. I sigh. Bigla na syang kumalas sa pagkakaakap. Tapos..
“Aray. Pucha ka tol bakit mo ko binatukan?” ansakit ng pagkakabatok nya as in wagas. Ang weird nya huh aakap sya tapos biglang mambabatok? What the?
“Wahahaha. Gago ka!! Bakit parang sarap na sarap ka sa pagkakaakap ko huh? Bakla ka talaga!!” tapos tumawa sya ng wagas ano daw yun? Anong nakakatawa? Nakita nya kaya ang reaction ng mukha ko? Oh hindi, patay na ang naglason.
“Anong pinagsasabi mo? Eh ikaw tong umakap, sino sa’tin ang bakla? Tapos tatawa ka. Kala mo, masakit yun.” Hinampas ko sya ng bahagya sa braso, kahit brutal yun sa’kin eh mahina lang ako kung gumanti.
“Aray ko. Hahaha. Honestly tol, niyakap kita kasi halatang kinakabahan ka. Pero napansin ko parang mas kinabahan ka nung inaakap kita, kaya ayon batok na lang. eh mas effective pala yung batok eh niyayakap yakap pa kita nagmukha tuloy tayong lovers. Ewww!!!”
Ayon na, napansin nya pala yon. Tsk! Nak nang putakte. Hooh bumalik ulit yung kaba sa dibdib ko, kasi naman eh. Ano ba yan. Batok nga ulit tol. Naku naman, hindi pa ako handang umamin. Chill lang Third ok? Breath in, breath out.
Plok!
“Oh ayan isa pa, mukhang nagrerequest ka pa eh. Umayos ka huh. Pag ikaw di nakaiscore mamaya dahil kabang yan naku tol sandamakmak na batok aabutin mo.”
“Aray naman Tol tama na, wala na yung kaba ko ok? Baka lalong hindi ako makapaglaro nyan kakabatok mo naku, lagot ka kay coach.”
Speaking of..
“Okay guys, ready? Nakapagwarm-up na ba kayong lahat?” tanong ni coach
“Opo.” We said in chorus.
“Ok team. Let’s go and defeat them.”
“God, let us win. Ok boys. FIGHT!” -- Captain
“FIGHT!!!”
Ang lakas ng hiyawan ng mga tao. Kailangan naming ipapanalo ang game na ‘to so we can have a chance for the finals. This is our last chance para ibalik sa school namin ang trophy na matagal nang naagaw sa amin. Huling taon na kasi namin ni tol kaya dapat bago man lang kami umalis eh maialay naman namin ang panalong ninanais ng buong school at syempre sa mga pamilya namin.
“And that’s another goal by Smith! Whoa! What a victory.” Said by the announcer
Thank you Lord. We made it! Yahoo!
“Sabi naman sa inyo eh. Ahahaha ang galing natin. Hooh naman kailangang magpakain ni Coach.” -- Tol
“Oo nga naman. YellowCab! YellowCab!” -- ako
“YellowCab! YellowCab!”
“YellowCab! YellowCab!”
BINABASA MO ANG
LOVE KO SI TOL
Roman pour Adolescents"Oh, yes kaibigan mo 'ko. Kaibigan mo LANG ako. And that's all I ever was to you, Ned.. your bestfriend. Takbuhan mo kapag may problema ka. Tagasunod, tagabigay ng advice. Taga-enroll, taga-gawa ng assignment. Taga-pagpatawa sa iyo kapag nalulungkot...