-Spin The Bottle-

1.2K 36 14
                                    

-Spin The Bottle-

        Ano nga bang laro angpinaka iiwas iwasan ng mga estudyanteng malihim na kagaya ko?

"Oh Game na guys! Bumilog na kayo dyan, walang KJ ah. Last bonding na natin to kaya dapat lahat kasali"

        Ay oo nga pala, SPIN THE BOTTLE nga pala =_______-=

        Ayts, kung bakit ba kasi ako  sumali sa spin the bottle na to eh >.< eto pa naman yung game na pinakaiiwas iwasan ko eversince first year pa ako.

        Kung bakit ba kasi nauso tong laro na to sa mga estudyante eh kahit naman magDARE ka ang ipapagawa rin naman sayo ay parang Truth na din. Kahit na anong gawin mong ingat papaaminin ka pa rin nila. Lagi pang relate sa mga ipapagawa o ipapatanong nila ay yung "SINO YUNG CRUSH MO?".

"Shh..tamimik na! Oi Clarisse sayo natapat yung bote. Truth or Dare?" sabi ng president namin

"A--ano? Da-dare nalang >.<"

"Ok sabi mo eh. Guys Dare daw! Anong gusto nyong pagawa?"

        Waaaah~~! sana madali lang >.<

"Pole dancing nalang hahaXD" sabi nung isa kong kaklase

"Haha sayang wala tayong pole kung talon nalang kaya sa building? xD" dagdag pa nung isa

"Tawid nalang sa miswa o kaya magbudoy ka haha"

         Putek! Kung yun lang din yung gagawin ko aba papakamatay nalang ako parang pinatay na nila ako nun eh !

"Shhh..serious tayo, bawal mga kalokohan last day na nga natin to bago gumraduate bukas ganyan pa mga iniisip nyo"

         Waaah salamat pres *O* kaya kita best friend eh !

"Ah eto alam ko na! Clariss, punta ka sa crush mo sabay sabing "Hi Crush! oh di ba madali na yun ^__^"

        Ay shemay! ayos na sa akin yung magbudoy eh wag lang yung may kinalaman pagdating sa crush. Patay ka talaga sa akin kundi lang kita best friend eh.

        Bigla naman akong napatingin kay Marco.

         Shet! nakatingin din sya sa akin >/////<

         Teka nga bat ko ba ginagawang big deal yun eh lahat naman ng mga kaklase ko sa akin din nakatingin ngayon. Ang assumming ko lang talaga >//<

"Wa--wala akong crush dito eh"

         Oo wala talaga akong crush dito! Peksman! Wala talaga! Pero kung Mahal?? Aba meron, si ano si ma--marco >///< Crush ko siya simula First year pero ngayong fourth year na kami iba na ata eh..MAHAL KO NA ATA >////<

"Sus bawal yun! ikaw na nga lang ata sa buong klase natin ang di nagsasabi ng crush simula first year eh"

"Eh sa wala dito yung crush ko nasa Korea pa"

"Wala bawal! dapat dito ka lang mamimili ng crush mo"

"Bawal KJ!"

       Ayts sige na nga! Tutal last day na namin na magkakasama sama dito kasi bukas graduation na namin. Wala din namang mawawala kung aminin na ako ngayong huling araw tutal hindi ko na din naman siya makikita pa. Sasabihin ko na yung totoo ng hindi ako magsisi.

      Tama! Kaya ko to! Fighting! AJA!

     Nasa likudan na nya ako, sa likod kasi ako dumaan ayoko ngang face to face nakakahiya yun. Mas mabuti ng hindi ko siya nakikita mamaya kiligin pa ako hahaXD joke =//=

"A--ano....h--HI CRUSH!"

      Sinabi ko yun ng nakayoko at nakapikit >///< waaaah kahit na nakatalikod siya hindi ko pa rin kayang sabihin eh kaya ayun pumikit nalang ako nakakahiya kaya.

"Hi din"

      Te--teka??? kilala ko yung boses na yun.

     0/////////////0 Waaaaaaaaaah! si--si Marco nasa harapan ko?! shemay?! bat ba sya humarap tapos nakangiti pa siya naku naman aasarin ako nito eh >///<

     Bigla nalang akong napabalik sa pwesto. Shet kinikilig talaga ako. Mukha na ata akong nasunburn sa sobrang pula ng mukha ko.

"Oh ikaw naman Marco, Truth or Dare?"

"Dare" nakangiti nyang sabi

"Sige, ganito punta ka dun sa crush mo then sabihin mo "I LIKE YOU", oh game?"

"Sige ba yun lang pala eh" tumayo na siya saka naglakad

     Oh my Gosh! 0//0 sa akin ba siya papunta?? waaaah~~! wait nga lang mamaya yung nasa likod ko lang yung pupuntahan nya.

     Tumingin ako sa likod ko pero wala namang tao. Teka nga mamaya sa iba namang direction talaga sya pupunta?? pero hindi eh sa direction ko talaga sya pupunta >///<

"Dito siya papunta oh"

    Napatingin naman ako sa katabi ko, ay oo nga pala si Micah tong katabi ko kaya for sure sa kanya sya pupunta.

    Bakit ba kasi ako napatabi sa muse naming ubod ng ganda eh. Sa kanya siguro pupunta si Marco tutal bagay naman talaga sila, lagi nga silang magkasama at ang sweet sweet pa.

*riiiing~~*

"Ay wait lang guys natawag si mommy eh sagutin ko lang to"

         Thank God! Ganda ng timing ni mommy! ^________^ hindi ko masisilayan yun pagsasabi ni Marco ng "I like you \" kay Micah ng harap harap. Ang sakit kaya nun lalo pa rinig na rinig ko at kitang kita pa kasi katabi ko lang si Micah.

        Pagkatapos ko sagutin yung tawag ni mommy bumalik na kaagad ako. Siguro tapos ng magtapat yun pero bakit nakatingin silang lahat sa akin?

"Tapos na ba yung game guys? bakit nyo ako tinitignan ng ganyan??"

     Magtatanong pa sana ako kaso bigla nalang may nag-tap sa shoulder ko kaya napalingon ako.

Waaah binabawa ko na sana hindi nalang ako lumingon >//< kung bakit ba kasi nasa harapan ko na naman si Marco eh?! Hindi ko makayanan yung titig nya at ngiti nya, super nakakatunawa

"A-ano may kailangan ka?"

"Gagawin ko lang yung Dare ko"

"Huh?"

"I like you" nakangiti nyang sinabi

     Teka tama ba yung rinig ko?? o baka may tutuli tong tenga ko at namali yung pagkarinig ko??

"A-ano ulit yun?"

"Sabi ko I like you, ay mali pala kasi naman mali yung binigay nila eh. Sabi kasi nila sabihin ko sa crush ko "I like You" pero wala naman akong crush dito na gusto kong sabihan ng I like you"

"huh??"

"Wala akong crush dito kasi may mahal ako dito at iba yung gusto kong sabihin sa kanya"

"a-ah..."

"Ang gusto ko lang sabihin sayo, Clariss Santiago, simula ng makita kita nung pasukan ng first year gusto na kita pero ngayon para iba na, kaya naman......

   Lumapit sya sa akin tapos nag-lean siya yung mukha niya malapit na sa mukha ko then nagsmile ulit sya. waaaaah natutunaw na talaga ako.

    Tapos may binulong siya...

"ang gusto ko lang sabihin sayo, I Love You"

       Napangiti ako nung narinig ko yun....all this time yung crush ko ay pareho din pala ng feelings na nararamdaman para sa akin. What more can i ask for di ba?

"I love you too..."

--THE END--

One Shots :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon