CHAPTER 1
KARINA
The crowded cafeteria. Ayun ang bumungad sa amin, "Agh. Disgusting, wala bang magagawa ang guidance office dito? Argh. Sistema naman" Tumawa ako sa sinabi ni Gwen.
Tinap ko siya, "Okay lang yan, Gwen. Kasama mo naman ang Levi mo" itinuro ko sa tabi niya si Levi. Nagulat doon si Gwen.
"Ano pa bang i-eexpect ko, syempre magmamakaawa na naman...Tss. Lubayan mo ako, Levi. Wala akong time sa kaartehan mo." Nilagpasan ni Gwen si Levi at naglakad tapos pumila sa line. Sumuod doon si Levi. Natawa ako at tumingin kay Jesse.
"See them? That's their daily routine. Grade eight palang sila na." Kwento ko sa kaniya, " i think we should find the other place, doon tayo sa canteen extension. Let see."
"Ex-boyriend ko yan si Levi pero fling-fling lang. Joke time lang ganon. Hahaha." dagdag ko sa sinabi ko sa kaniya kanina, "Gusto ko lang malaman mo. Syempre baka biglang idaldal sayo ni Levi, mas maganda ng alam mo hehe. Mabait naman si Levi, ayun nga lang...Mahilig mambola ng babae dito sa PHS."
Tumango-tango siya, "That's fine."
"What? Okay ka lang na ganon si Levi, I mean...as a guy kaya mong gawin yon?" agad siyang umiling nang napagtanto ang sinabi ko.
"No....no...I mean, We're just in Highschool. Normal lang yung pa-fling-fling. And I'm not into landi-landi the girls." Tumawa ako sa sinabi niya.
Conyo naman pala itong si Jesse. Nagbuntong hininga ako sa sinabi niya.
"Ang init-init tapos ang haba pa rin ng pila dito. Argh." komento ko ng nakita namin ang haba ng pila ng extension. Nagmamasid-masid lang si Jesse.
"Bakit ka pala nag-transfer dito? Okay ka naman sa dating school mo ah?" I asked, he smiled.
"Well, gusto kita makasama eh, ahaha...Ayoko na ron, ang mahal pa ng tuition sayang, e dito hindi na kailangan" Naka-smirk ako sa kaniya at tumango.
"Normal foods, I mean sa school namin dito tamang biscuit tapos sandwich, may juice dito pero andon pa sa canteen..." tinuro ko yung banda na pinagpipilahan rin ng marami, "May maruya doon tapos Banana cue, anong gusto mo?"
Pinunasan ko ang pawis ko. Alas-tres na nang hapon at masyado ng mainit. Ngumiti si Jesse sa akin, "Well, I want Banana cue and Maruya...ahm tubig nalang ako, ikaw?"
Tinapik ko siya, "Hindi maarte ah?" umiling siya, "Hmm..actually, the food menu is actually the same."
"Okay, tara don, ayun nalang rin ang buy ko then tubig!" sambit ko at inilabas ang phone ko, "Message ko na rin si Gwen na pasabay ng tubig, ikaw, Ilan bang tubig sayo?" tanong ko.
"Isa lang, " I smiled. Naglalakad kaming dalawa. Ibinalik ko ang phone ko at ngumiti kay Jesse. Naglalakad kaming dalawa ng nabangga ako ng mga grupo ng lalaki. Umiling ako. Kainis!