Hindi ko alam kung saan sisimulan, ang letrang gunita ng bibig na tila napipi na ng nakaraan,
Nais kong iparating ang sakit ng damdamin, mula sa hugot ng araw nung tayo'y masaya pa lamang.Ang mga araw na nagpapaalala noong tayo'y nagkakilala,
Tila ibinulong mo sa iyong sarili na, ako na iyong makakasama sa pagtanda?Ako'y sawi ng mga araw na iyon, andyan ka upang hangkan ang aking mga palad sa sakit ng nadarama,
Hanggang ngayon aking mahal ginugunita ang nakaraan nating dalawa,
Dahil sa sakit ng nadarama sa maling desisyon na aking nagawa?Hanggang ngayon ako'y napapaisip, tama ba ?
Tama bang, iniwan kita sa ere ?
Tama bang nilihim ko ang lahat simula ng nakilala ko si Adonis ?Sa Labing limang buwan na ating pinagsaluhan tila mainit na pagmamahalan,
Hindi ko na alam kung bakit biglang nagkaganoon?
Hindi ko alam kung bakit bigla kong nahanap ang tunay na depenisyon ng kaligayahan sa taong tatlong buwan ko palang nakikilala,Irog ko ? ako'y patawarin sa maling desisyon na nagawa,
Napakasakit kung ito'y iisipin,
Ngunit aking mahal ?
O sya kaibigan.
Ako'y sanang patawarin sa nagawamg pagkakamali?Nais kong iparating na ako'y nagsisisi sa nagawang pag iwan,
Ako'y lubos na nasasaktan dahil sa nagawa,Patawad sa aking pagkakamali aking kaibigan.
BINABASA MO ANG
Ang Pagkakamali
PoetryTungkol ito sa Pagsisi sa huling desisyong nagawa ng nakaraan.