Para Kang Webster Dictionary

379 14 12
                                        

PARA KANG WEBSTER DICTIONARY

BY

ExpeliamusVeraverto

            May mga taong tanging panlabas lamang na anyo ang batayan kung paano ka ituturing dito sa mundo ngunit may mga tao talaga na sa hindi inaasahang pagkakataon, siya pa yung mabibiktima ng kalawanging palaso ni mr. kupido. Kung iisipin mo, talagang mababangag ka. Sino ba naman sa panahon ngayon ang naghahanap ng mukhang palakang prinsipe na kapag hinalikan ay magta-transform into a handsome guy. Oh come on guys… hindi na uso ang fairytale, tanga na lang ang naniniwala sa ganyan at yung mga taong mahilig mag-imagine, mga pelingera kasi.

“Dapat yang si Kino eh dinidispatya na dito sa ampunan… aba naman, halos labing 18 taon na yang namamalagi dito matapos mamatay ang kanyang ina at iwan yang si Kino dito ng kanyang napakawalang-hiyang australianong ama.”

“Yan talagang mga foreigner na iyan, bubuntis-buntisin tapos iiwanan lamang pag nakatikim na ng masaganang luto ng panginoon… ay sa pagkakawalang hiya talaga.

“oh… eh ano ng balak natin… aba, eh kahit papayat payat yan eh ang laki ng naku-kunsumo niyan sa pagkaen. Ano bang uri ng bulate meron yan sa katawan.”

“baka bulateng foreigner din… mga malalaki…”

KINOS POV--à

Dinig na dinig ko ang mga mala-halimaw na tawanan ng mga babae sa labas ng pinto.

Akala mo naman kung sino silang napapa-kyemeng kumaen… eh halos sila na nga tong ini-sponsoran ng taga-labas para sa pagkaen at hindi na kaming mga bata sa bahay-ampunan. Ay!!! mali pala, binata na pala ako. Binatang walang alam sa mundo kung hindi magkiskis ng libag sa leeg at singit habang nagluluto, nangungulangot at pagkatapos ay ipupunas sa kung saan saan, pag nasa trip, sa katabi pa at mag-alis ng tinga pag walang magawa. That’s my daily routine… ang saya kaya, try nyo!

Kung ayaw mong ma-bad mood o ma-negative vibes sa buhay, hindi para sayo ang kwentong ito. Ano pa ba naman ang aasahan mo sa isang KINO na katulad ko. Hindi ko kailangan kung marami ba ang makakabasa ng kwento ko. Aba naman, hindi ko naman kayo pinipilit di ba. pero alam kong ganyan tayong mga Pilipino… magaling maki-alam ng buhay ng may buhay.

Kahit mismong pag-dighay at pag-utot… kelangan may label.???! Ano to joke.

O sige na, eto na. mag introduce na ako.

Ako si KINO . wag ng magtanong ng surname… hindi uso sa akin yun… makaen nga… wala… birth certificate pa kaya.

Oo na, half Filipino… half Australian ang bida sa kwentong ito. Hala… hala… nag-iimagine agad sila.

Para sa akin… SALAMIN ang sobra kong kinatatakutan. Hindi ka ba magsasawa sa mukha mong tinutubuan ng kulugo. AH MALI PALA… SIGURO SABIHIN NA NATING… KULUGO NA TINUBUAN NG MUKHA. Magtaka… bahay ampunan toh… hindi beauty salon. Hindi uso ang magpa-gwapo… ang mahalaga nakakakaen.

Mga naglalakihang eyeglass ang tumatakip sa skyblue kong mata habang nagkakapalang kilay ang madalas tumataas sa tuwing ako ay magagalit.

Tumungo tayo sa bandang ngipin. Aminado akong kapag ipapasok ako bilang model ng colgate… bebenta kaagad dahil sa pantay pantay kung ngipin. Pero masyadong strict ako sa sarili, kelangan bakudan.

Yep yep yow… may braces ako. Ang weird noh…

Akala niyo na yung may mga panget lang ng ngipin ang nagpapa-brace. Dyan kayo nagkakamali.

Para Kang Webster DictionaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon