Part 5: Rising Sun High!?

10 0 0
                                    

Ace's POV

Dumating na ang Principal...

"Kamusta mga bata? Ahahahaha!!" sabi ng matandang Principal.

"Ako nga pala si Mr. Ernest Moonlight." pagpapakilala niya.

"Magsimula tayo sa pagpapakilala.. ng school na ito.. ng mga miyembro ng faculty.. at ng rules and regulations.." dagdag niya.

"Teka, hindi nyo man lang ba sasabihin sa amin kung bakit nyo kami dinala dito???" mariin kong tanong.

"Ahh.. Salamat at pinaalala mo sa akin iyan... tumatanda na talaga ako... Naalala nyo ba ang ilaw na nakita nyo para makarating dito?" tanong niya sa amin.

"Ah oo nga.. yung nakita ko sa gate namin." pag-iisip ko.

"Tama. Iyon nga. Nagpadala kami ng mga magic beacon para magsilbing guide ninyo para makarating dito sa Magic Mastery High School." pagpapaliwanag ng school principal.

"Kayo lang ang makakakita nun. Tanging ang mga taong may Magical DNA sa katawan nila ang makakakita nun." dagdag na pagpapaliwanag ng Head Teacher.

Kaya pala.. Ang galing.. Ngunit..

"Pano pong nangyari na meron kaming Magical DNA???" tanong ko.

"Nagmula yan sa mga magulang nyo.. Sa mga magulang ng magulang nyo.. Sa madaling salita, namana nyo yan sa mga ninuno nyo." sagot ng principal.

"Eh di pati mga magulang namin may mga Magic?" tanong ng isa sa amin.

"Oo naman, at karamihan sa kanila eh dito rin nag-aral" sagot ng principal.

Agad namang sumunod ang marami pang mga tanong...

"Eh bakit hindi namin nakikitang nagcacast ng magic??"

"Ano po bang powers ng mom ko??"

"Magaling po ba ang mga parents ko??"

"Sandali, sandali bakit hindi nyo na lang itanong yan sa parents nyo?? At isa pa, malalaman nyo rin yan sa tamang panahon... dito...

.

.

.

.

.

.

sa Rising Sun High!! Ang inyong Magic Mastery School!

END OF PART 5

Rising Sun High - Magic Mastery SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon