Prologue

73 1 0
                                    

Nung isang araw natutukan ako ng baril, at nalaman kong isa siyang suicidal.

Kahapon nakidnap ako at nalaman ko na siya ang nagsunog sa halos kalahati ng bayan namin.

Ngayon nagbarbecue kami at sinabi niyang pabigat lang daw ako, sabay sabing layuan ko na daw siya.

Hanggang ngayon gulong-gulo parin ang utak ko. Kapag nagpumilit pa ako na manatili sa tabi niya, hindi na kahit kelan magiging normal ang buhay ko. Pero kung hindi ako ang gagawa sino? Maaring wala. Medyo mainitin ang ulo niya kaya takot sa kanya ang lahat.

Siya si Raven at ilang beses niya nang nililigtas ang buhay ko. At isa lang ang panghahawakan ko para patuloy makasama siya,

.

.

na isa siyang mabuti tao.

How To Save A Suicidal?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon