1.2 IFs (Part 2)

816 34 32
                                    


A/N: Readers, if you wanted to ask BO in general or specific member about anything (personal or private questions), feel free to comment here or you can directly message me your questions. BO will answer the questions as honest and humble? as they can. *wink*  


-----


GANDANGSORA: I'm back! Give me a warm welcome, guys. \(^_^)/

BO: *look at her with bored eyes and clap slowly*

GANDANGSORA: *sarcastic grin* Wow. Damang-dama ko ang pag-welcome n'yo sa 'kin. 

NIC: Para maramdaman mo rin kung gaano namin kagusto ang interview na ito. Kaso, manhid ka nga pala.

GANDANGSORA: *glares at him* May sinasabi ka ba, Nicanor Mijares? Pwede kong tawagan si Lou---

NIC: I'm telling you to start already. Sino na ba ang tatanungin mo? Ako? 

GANDANGSORA: Maghintay ka. Nahintay mo nga ng ilang taon si Lou, ano ba namang maghintay ka ng ilang minuto para sa turn mo? Psh! *looks at Deus* Ikaw naman ang tatanungin ko. If Sam have already boyfriend before you transferred in the university, would you still pursue her? 

DEUS: Well---

NATHAN: Sandali nga. Parang nakakahalata ako sa 'yo, GSM.  Yung tanong mo sa dalawa, may kinalaman sa mga babae nila. Pero, yung tanong mo sa 'kin ay hindi gano'n. 

GANDANGSORA: Sa gusto ko eh. Bleh!  *sabay irap kay Nathan* Go, Deus. Don't mind your Captain. Inggit lang 'yan.

NATHAN: Brat! Tsk.

DEUS: Yes, I would still pursue her.

GANDANGSORA: Why?

AARON: Is it really required to explain the answer every time you'll ask?


*dead air*

*everyone look at Aaron's direction*


LEONNE: *shocked* *takip-bibig* Takte! Is that you, Pareng A? Umi-english lang ang peg? I didn't expect that from you! 

JAIDEN: *looks at Leonne* Mas lalo kaming magugulat kung bigla kang magsasalita nang seryoso. 

KENT: Right. Iyon ang kailanman na hindi namin maaasahan sa 'yo.

GANDANGSORA: Don't worry, Aaron. Kapag ikaw naman ang tinanong ko kung pangit ka ba, hindi ko na ipapa-explain sa 'yo ang sagot mo.

AARON: Na-ah. Ibang usapan na 'yan. If it's about my gorgeousness, I'll give you enough reasons to explain my answer. *wink*

CYPRUS: Kapangitan mo ang sinasabi. Huwag kang ano diyan.

NIC: Dami namang gagong nagsa-side comment dito.

JUICE: Atat ka lang. 

DEUS: Like I said, I would still pursue Samantha. Naniniwala kasi ako na kapag mahal mo, hindi mo basta-basta susukuan.

JAIDEN: Akala ko ang sasabihin mo, naniniwala ka na ang mag-asawa nga naghihiwalay pa, ang magkasintahan pa kaya? *grin*

KENT: Ikaw ang naniniwala do'n, di ba?

Blue Orions' InterviewTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon