Petsa ng Pagsulat: July 17,2017
Kategorya: |Teen Fiction| Spiritual|
Lengwahe: FilipinoPHOBIA By AR Ramos
Tanaw na tanaw ni Alicia ang bawat pagpatak ng butil ng ulan mula sa bintana na malapit lang sa pwesto niya.Nasa ikaunang bilang sa unahan ito.
Maaga pa kaya naman nag-iisa pa lamang siya.
Ayaw niyang nahuhuli sa klase lalo pa at ayaw niya ang ulan. Sa tuwing umuulan kasi ay hindi niya nagagawa ang paborito niyang laro --- ang paglangoy.
Dumudumi kasi ang languyan na nasa itaas na palapag ng gusali ng eskwelahan nila dahil na rin walang bubong ito. Bukod pa doon, malamig din ang tubig nito.
Ang tunog lamang ng orasan sa itaas na bahagi ng pisara ang naririnig mula sa kwarto at ang mahinang pagpatak ng ulan na nanggagaling sa labas ng kwarto.
Ilang minuto lang ang nagtagal at nagsipasukan na ang kanyang mga kaklase matapos marinig ang malakas na pagtunog ng kalimbang.
Pumasok na rin ang kanilang guro na si Ginoong Bryan. Umayos na umupo si Alicia nang makita ang guro at saka nito kinuha ang libro na para sa asignaturang ituturo ng guro --- ang kasaysayan.
"Magandang umaga sa inyong lahat!" Ang bati ng maginoong guro.
Mas paborable itong gamitin ang sariling wika dahil ayon dito. Ang paggamit ng sariling wika ay sumisimbolo ng pagmamahal nito sa sariling bayan.
"Magandang umaga rin po Ginoong Isidro!" Magkakapanabay na sabi ng buong klase ng Molave.
Tatlong linggo na simula nang magpasukan pero naninibago parin ito sa presensya ng mga bagong kaklase.
Pangatlong ulit niya na sa ikasampung baitang. Lagi kasing may nangyayaring masama rito kaya naman kinakailangan niyang tumigil.
"Alicia!" Untag ng guro nito sa malalim niyang pag-iisip.
"Hah?" Ang nagtatanong nitong sagot. Tila ba nagulat sa pagtawag ng guro.
"Shiela, samahan mo sa pagamutan ang iyong kaklaseng si Alicia." Ang utos ng guro namin sa kalapit nitong si Shiela.
Wala itong kaibigan kahit pa tatlong linggo na ang nakalilipas simula nang magpasukan.
"Tara na." Ang yakag ng kaklaseng si Shiela. Bigla na lamang nitong kinuha ang panyo ng kaklase at biglang ibinigay ito kay Alicia.
"Itakip mo sa ilong mo. Tumingin ka rin sa itaas para mapigilan ang pagdurugo ng ilong mo!" Ang patuloy pa nito.
Sinunod iyon ni Alicia, sinimulan na nitong tumayo at maglakad palabas ng kwarto.
Isa pang dahilan ang pagdudugo ng ilong nito sa tuwing umuulan. Sinisisi niya ang ulan sa lahat ng nangyayari sa kanya dahil ayon kay Alicia, walang magandang naidudulot ang ulan.
Nagdiretso siya sa maliit at malinis na pagamutan ng kanilang eskwelahan.
"Alicia, sinabi ko naman sa iyo na sa bahay ka na lamang mag-aral. Kaya naman ng mga magulang mong kumuha ng sarili mong guro." Ang turan ng butihing doktora --- si Dok. Chanel Trinidad.
Matagal na ito sa eskwelahan at kilalang kilala na nito si Alicia dahil sa paulit ulit at pabalik balik na pagpunta nito sa maliit na pagamutan ng eskwelahan.
"Alam niyo naman po dok na hindi ko gusto ang mag-isa sa bahay kasama ang kahit na sinong guro. Alam niyo naman po siguro kung bakit." Ang turan nito habang patuloy parin sa pagtingala.
Noong huli kasi itong nagkaroon ng guro sa bahay ay katakot takot na sermon ang inabot niya sa kanyang mama at papa.
Kung sinu-sino kasing mga kakilala ang dinala ng naging guro nito.
"Oo alam ko pero kasi Alicia, isipin mo nalang kung ipagpapatuloy mo pa ang pag-aaral dito maraming pwedeng mangyari." mahihimigan ang pag-alala sa boses ng butihing doktora.
Hindi na umimik pa si Alicia. Alam niya ang bagay na iyon. Hindi kasi malakas ang pangangatawan nito. Ilang beses na itong nagpabalik balik sa kung saan saang pagamutan sa ibang bansa at maging sa Pilipinas, ngunit pare-pareho lamang ang nagiging sagot ng mga ito.
"Maaari kang magpahinga sa room 105 kung napapagod ka na." Ang sabi ng doktora nang mapansing hindi na umimik pa si Alicia.
Dahang dahang isinampa ni Alicia ang sarili sa kama kung saan lagi siyang nagpapahinga.
Kinuha nito ang telepono sa bulsa at tinignan ang isang litrato.
Ang litrato niya at nang buong grupo nang mga manlalangoy na naging mga tunay niyang kaibigan.
Kung hindi dahil sa nangyaring bagyo noon ay hindi masasawi ang mga kaibigan. Ang mga kaibigan niyang kay tagal niyang binuo at pinakisamahan.
"Alicia, umiiyak ka nanaman. Alam mo naman na hindi mo kasalanan ang nangyari kina Melvin, Dale at Stephanie." Ang sabi ng bagong pasok na guro at ang tagapagsanay ng grupo nila noong lumalaban pa sila sa mga larong pambansa.
"Ginoong Salve," halos mawasak ang buong boses ni Alicia nang sabihin nito ang pangalan ng guro.
"Kapalaran ang nagdala sa kanila sa aksidente. Kailangan mo na iyong kalimutan at huwag na huwag mo na ulit sisisihin pa ang sarili mo." Sabing muli ni Ginoong Salve.
"Kung narito lang sila, masigla at maayos pa ang grupo namin hanggang ngayon. Kung hindi ko sana sila iniwanan sa gitna ng bagyo ay nailigtas ko pa sila." Ang patuloy na sabi ni Alicia habang patuloy parin ito sa pag-iyak.
"Ginawa mo ang lahat pero hanggang doon na lamang talaga." Sandaling huminto ito at saka tumingin sa bintana at muling nagsalita.
"Dalawang taon na rin ang nakararaan, Alicia. Kailangan mo na rin sigurong paghilumin ang sugat ng puso mo sa mga naging kaibigan mo. Kailangan mo nang tumuntong sa susunod na lebel ng iyong buhay." Sabi pa nito.
"Pero.." hindi na naituloy ni Alicia ang sasabihin nang nagsalitang muli si Ginoong Salve.
"Naging mahina ka na ng ilang taon. Panahon na siguro para maging malakas ka uli. Hindi ganitong Alicia ang kilala ko. Malakas ang pananalig sa Diyos at hindi marunong sumuko ang Alicia na kilala ko." Ang patuloy ni Ginoong Salve. Ipinostura pa nito ng bahagya ang kamay habang nagsasalita.
"Ginoong Salve..." ito lamang ang nabanggit ni Alicia matapos sabihin ng guro ang mga salitang lalong nagpabasag sa puso niya.
Hindi niya alam kung papaano lilisanin ang eskwelahang minahal niya dahil sa mga taong naging parte ng kanyang pagkatao. Hindi niya alam kung papaano magsisimula. Tama ang guro naging mahina ito simula ng mawala ang lahat ng kaibigan niya.
Napaisip si Alicia sa mga sinabi nito.
"Siguro nga ay panahon na rin para iwanan ang mga bagay sa nakaraan at harapin ang bagong kinabukasan kasama Siya." Ang sabi ni Alicia at bahagyang tinignan ang langit na patuloy parin sa pagpatak ng ulan.
-The End-

BINABASA MO ANG
Short Stories
Random#4 alumni Short Story Compilation All Right Reserved Copyright 2017 Written By AR Ramos