Volume 1

135 13 4
                                    

Volume 1: Chasing Bad Boys

/Charlemagne Garioch /

Buwan pa lang ng Hunyo ay maririnig na sa iba't ibang sulok ng buong St. Damn Academy ang mga himutok ng mga estudyante.

Hindi na kasi naawa ang mga Propesor sa amin. Hello! Monthly test plus Calculus plus Research Paper. Kaya kaliwa't kanan ang mga sakit ng mga estudyante. Lagnat dito, sakit doon.

Wala pa naman kaming klase at vacant pa lang namin kaya naman naisipan kong maupo muna sa isang wooden bench kung saan nasa likod ko nakalagay ang malaking fountain ng school.

Akmang kukunin ko na sana sa aking bag ang libro ko sa Physical Science ng makita mismo ng aking mga mata ang ABCD gang, kasama siyempre roon si kuya Daedalus.

Ang grupo ng ABCD gang ay binubuo nila Aethan, Chediston, si kuya Daedalus at ang kanilang lider na si Bleu.

Kahit miyembro ng gang ang aking kuya ay never niya akong pinapalapit sa kanyang mga ka gangmates, dahil sa obvious na kadahilanan. Ayaw niya akong madawit sa gulo- Sa landas na pinili niya.

Ulila na kaming apat na magkakapatid sa ama at pilit na itinataguyod at binubuhay ni Mama at ate. Ang panganay sa amin na si ate Helen ay isang call center agent. Sumunod naman sa kanya si kuya Daedalus na kasalukuyang third year college na at nag-aaral din sa St. Damn Academy. Sumunod ako na isang Grade 11 student at ang bunso namin na si Perseus na limang taong gulang pa lamang.

Kahit na obvious ay sasabihin ko pa rin na hindi kami mayaman. Ako, nakakapag-aral lang ako rito sa pribadong paaralan na ito ng dahil sa Educational plan na naipamana at napag-ipunan pa ni Papa bago sumakabilang buhay. Gayon din si kuya Dae.

Balik tayo sa realidad. Halata namang iniiwasan ng mga lalaki mapa mga binabae ang grupo ng ABCD, wala namang babaeng iiwas sa grupong ito sapagkat exclusive all boys school ang St. Damn. Samakatuwid. Mga binabae lang ang mga nandito.

Tulad ko. Pero hindi ako iyung tipong ladlad. Hindi naman po kasi ako sanay atsaka mas komportable ako sa kung paano ako kumilos. Although halata namang malambot ako ay hindi ako todo bigay at makulay. Iyung tipong tama lang. Pero sabagay, nasa atin naman iyon kung paano natin dalhin ang sarili natin. Wala namang masama kung ladlad tayo o hindi as long as hindi tayo lumilikha ng pekeng personalidad at nabubuhay sa mundo ng kasinungaling na mismong sarili na natin ang ating niloloko.

Matapos ngang dumaan ang nasabing grupo ay agad ko ng itinuon ang aking pansin sa hawak kong libro. Mahabagin. Sabay hilot ng sentido ko. Ilang kanin pa ba ang kailangan kong kainin para matapos na ito. Torture talaga.




















Hindi nga nagtagal ay parang usok lang ng jeep na dumaan ang buong araw. Agad kong kinuha ang aking backpack na kulay itim ng tumunog na ang bell hudyat na tapos na ang araw ng klase. Sa wakas!

Akmang iha-hakbang ko na ang aking paa paalis sa room ng tawagin ako ng gwapo naming guro sa Piling larang na si Propesor Jules. Bakit? Bakla lang. Sumisimple rin kung may oras.

"Bakit po Sir? " aniko na medyo nahihiya pa.

" Kung hindi sana nakakaistorbo sa'yo ay maari ba kitang mautusan na ibalik ang librong ito kay Ms. Elena sa silid aklatan? " aniya habang inaayos ang kanyang eyeglass. Hindi talaga maitatanggi ang kakisigan ni Sir. Ba't kaya siya nag take ng teacher kung pwede namang model o ano.

" Wala pong kaso sa akin Sir. " aniko. Na medyo kinikimkim pa ang kilig sa katawan. Mabuti ng nag-iingat at baka mabigwasan pa ako.

Iniabot na ni Sir. ang libro at kinuha ko naman ito at nagpaalam na.

Pero hindi ko naman alam na sa utos sa akin ni sir ay mapapasubo ako sapagkat anong oras ng dumating ang librarian ng school. Kaya ito. Ginabi ako ng uwi at kasalukuyang naglalakad sa isang madilim na eskenita.

Bigla naman akong napayakap sa aking sarili dahil sa hindi pamilyar na sensasyon. Iyung pakiramdam na may nagmamasid sa'yo kahit wala kang makita. Para akong manginginig sa pinagsamang hilakbot at lamig.

Kaya hindi ko maiwasan na mapayakap sa sarili. Ba't ba kasi ako ginabi ng ganito?

Pero hindi e. Ramdam na ramdam kong may kung sino ang sumusunod sa akin. Na may parang nakamasid sa akin that send me shivers on my spine. Ayaw kong magpanic pero instinct says that I should kept ayaw from any harm.

Mabilis akong naglakad. At ganoon din ang sumusunod sa akin na rinig ko pa ang bawat pagtapak ng kanyang sapatos sa kalye.

Namalayan ko na lang na tumatakbo na pala ako at malapit na sa highway kung saan may ilaw na.

Pero halos matuod ako sa kinalalagyan ko ng muntikan akong mahagip ng isang rumaragasang kotse. Mabuti na lang at may kung sino ang humila sa akin at napayakap ako sa kanya.

"Hindi kas nag-iingat. Tatanga tanga" ani ng isang baritoning boses na nagpatindig ng aking balahibo.

"Bleu? " hindi makapaniwala kong tanong. Paano? E?

" Huwag mong bigyan ng kahulugan ang ginawa kong iyon. Ayaw ko lang na paglamayan ni Dae ang kapatid niyang lampa. " maangas nitong wika sa akin. Hindi naman ako umangal. Baka masapak lang ako nito kung nagkataon. Instead. I should be thankful. Dahil kung hindi niya ako niligtas sa bingit ng kamatayan ay malamang sa malamang ay six feet underground na siguro ako.

" By the way..... amoy tsokolate ka pa rin pala. " makahulugan nitong sambit atsaka niya ako iniwan.

May kung anong kumiliti sa akin. Kyuryosidad? Ewan.

Ang isang Bleu Montavos. Ang kilalang siga at basag ulo na isa ring lider ng gang ang sumagip sa aking buhay. Bakit?

Bakit nga ba?

Ps. Favorite ko ang Chocolate. Anong problema niya?

















Lucky Blue Smith as Bleu Montavos.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Chasing Bad Boys (Boyxboy) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon