Episode 1

91 10 5
                                    

Episode 1

Kaibigan

/Charlemagne Garioch /

"Please, be seated " bungad sa amin ng Propesora ko sa Calculus kasama ang isang teacher mula sa College at math department din ata na si Sir. Genesis.

" Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa Mr. Garioch. Kilala mo naman siguro kung sino ang katabi mo" atsaka ko tiningnan si Bleu na nakatingin din sa akin ng masama. Ano na naman?

"O-opo. " may daga sa dibdib ko na wika. Pakiramdam ko kasi. Konting konti na lang ay dadambahin na ako ng bugbog ng katabi ko. Katakot kaya.

" Kilalang siga at lider ng gang pero pagdating sa simpleng business math pumapalya. " may poot na sabi ng maestro.

" Dapat kasi Mr. Montavos. Ang kayabangan. Nilalagay iyan sa pag-aaral. Hindi sa kalye at pakikipag buno. "

" I don't want to hear any fucking sermon. " simpleng sabi ng katabi ko na parang iniluwa lang sa bibig ang mga masasamag salita na 'yon. Siya na.

" Watch your tongue young man! " galit na sabi ng Propesora.

" And watch your word old bitch. " mukhang sasabog na sa galit si Mrs. Samson. Naloko na.

" Doesn't mean that you are rich and your clan were perfectly sponsored this academy ay aasta hari ka na. "

" Kayo lang ang nagsabi niyan" depensa naman ng siga. Props lang ba ako rito? Pwede na siguro akong umeskapo. Wala rin akong panahon makinig ng drama action at tongue twister na puro bad words at sumbatan ang tono. Obviously.

"Sumasakit ang ulo ko sa batang iyan. " ani Sir. Genesis.

" Now. Sa'yo Mr. Garioch. You are one of the smartest senior high when it comes academically in Mathematics. You are excellently good on it. There's no doubt. And I am hoping you can help Mr. Montavos to make it up on my subject"

Ano raw? Ako? Ba't ako. Luh si Sir. Lakas mag joke. Estudyante lang ako; hindi teacher.

"Bakit po ako? " may bahid ng pagkadisgusto kong wika. Bumulong naman sa akin ang siga.

" Just say yes to finished it all. " sabi nito na may nakakamatay na tono. Pordyos. Napalunok tuloy ako ng laway. Medyo may pagka husky kasi ang pagkakasabi niya.

But anyway! Hindi ako attracted sa kanya- okay fine! Medyo lang. Pero off limits ako sa kahit kaninong gang member. Iyan ang kabilin bilinan ng aking kuya.

"That kid was hopeless Mr. Garioch. He almost failed on everything. Tamad, balasubas at puro katarantaduhan ang ginagawa niya. No hard feelings Mr. Montavos. Just simply stating the fact. So I and Mr. Genesis thought na baka sa mga nasa millenials na tulad mo ay makikinig siya. Knowing that your brother has a business with Mr. Montavos. " mahabang salaysay ni Mrs. Samson. I sighed. This'll gonna be pretty bad. As if may magagawa pa ako e no?

" Sige po. Wala na pong kaso sa akin iyon"

"Good! Then I'll give your sched. Don't worry. May salary at extra credits ka na matatanggap bilang pakiusap ng tatay ni Mr. Montavos. " buti naman. Hindi ko isasanla ang kaluluwa ko sa demonyito na katabi ko para sa wala.

Parang binigyan ako ng misyon na mala James Bond ang dating. Nai-stress lahat ng pwedeng ma-stress sa katawan ko. Isipin ko palang ang walang kamatayan kong pagtuturo sa kanya habang siya ay may ginagawang kabalasubasan ay hindi ko na kinakaya. Sana lang talaga ay matapos ko ang pag-aaral ko ng buo at walang kulang.

"If everything was settled, then you can go. " lumabas na kami ng sabay. Actually ay hinihintay ko na siyang mauna but he glared at me at sinabi niyang.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 19, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Chasing Bad Boys (Boyxboy) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon