1|Nishimiga

402 8 0
                                    

"A friend is someone who knows you as you are, understands where you have been, accepts what you have become, and still, gently allows you to grow."

-William Shakespeare

***

"Hello po Lord Kairo, Nasaan po si Akemi? Susunduin po sana namin siya para maglaro" Wika ni Naem habang nasa likod niya sina Yuzu, Hera, Kura, at Daiki.

Matapos ang ilang minuto ay lumabas ang napakagandang bata na si Akemi.

"Mga bata mag-iingat kayo ha?" Wika ni Lord Kairo.

"Sige po, paalam ama" wika ni Akemi habang kumakaway.

***

"Anong hindi niyo alam kung nasaan ang anak ko!?"

"Pasensya na po, masaya po kaming naglalaro kanina pero namalayan nalang po namin noong pauwi na kami ay nawawala na siya." Wika ni Hera habang mangiyak-ngiyak samantalang si Kura at Naem ay walang tigil sa pag-iyak at si Yuzu at Daik ay nananatiling tahimik ngunit mararamdaman mo ang kalungkutan dahil sa nawawala nilang kaibigan. Pinauwi na ni Lord Kairo ang mga kaibigan ng kanyang anak at pinagutos niya sa lahat na hanapin ang kanyang nawawalang anak.

"Bakit ngayon ka lang Yuna?" Wika ni Lord Kairo

"May kinailangan lang akong asikasuhin aking kapatid. Ako'y tutungo muna sa aking silid."

***

6 years later

"Okay, guys may bago kayong kaklase" wika ni Mr. Villa pagpasok na pagpasok pa lamang niya.

Matapos ang ilang segundong katahimikan. Pumasok ang isang babaeng balingkinitan, mapupungay ang kanyang mga mata, mapupula ang kanyang mga labi, katamtaman ang kanyang tangkad, at abot hanggang bewang ang kanyang buhok. Nahihiyang naglakad ito at tumungo sa kinaroroonan ni Mr. Villa.

"Parang nakita ko na siya dati" sabi ni Hera.
"Ako din" sabi ni Kura.
"Familiar, huh?" Sabi ni Daik.

Lahat kami nakatangin sa babaeng nasa tabi ni Mr. Villa ngayon. Tinignan ko ang reaksyon ni Yuzu at aba! Parang ngayon lang nakakita ng babae 'to hah. Naku mabatukan nga 'to.

"Aray! Ansakit nun hah. Alam mo kanina ka pa. Kunting kunti nalang malilintikan ka sak-"

"Introduce yourself, iha" hindi niya natapos ang sinasabi niya dahil biglang nagsalita si Mr. Villa.

"Mmm. Hi! Ako si Reign at ikinagagalak kong mapabilang sa inyo."

"Anong alternative name mo?" Tanong ni Daik habang nakapikit at menamasahe ang kanyang sentido.

"Akemi"

"Akemi!?" Napatayo at napasigaw kami nina Kura at Yuzu samantalang si Daik at Hera naman ay nanatiling kalmado at parang inaasahan ng mangyayari ito.

***


Matapos ng pagpapakilala ni Reign kanina ay bigla na lamang naglaho si Mr. Villa at naiwan ang isang liham sa lamesa na nagsasabing hindi tuloy ang klase dahil kailangan naming asikasuhin si Reign.

Hindi na kami nagtataka kung palagi nalang siyang lulubog o lilitaw dahil iyon ang sixth sense niya. Invisibility and he can passed through walls.

Pinagmamasdan ko ang ginagawa ng iba habang naglalaro kami ng Scrabble nina Hera at Reign.

Nishimiga [FF]Where stories live. Discover now