3: First

10 0 0
                                    

Dismissal na. I arranged my things na nasa arm chair ko and put it inside my bag. I stretch my arms dahil nangangalay na ako sa maghapong pagkakaupo. Some of my classmates approach me and tried to talk to me, may nagpaturo nang lesson kanina na hindi nila naintindihan. So I oblige, tinuruan ko sila. Nasa kalagitnaan ako nang pag-eexplain nang biglang bumukas ang pintuan ng room namin at nakita ko ang mga kaibigan ko na kumakaway.

"Ohh well, I gotta go. Teach you guys tomorrow." hindi ko na inaantay na sumagot sila at dali-dali ko nang kinuha ang bag ko.

Lumabas na ako nang room at sabay-sabay na kaming pumunta ng locker area para maglagay ng gamit. And ayun. Naamoy ko na naman siya. I know where his locker is, paglingon ko ay nandun nga siya. Nilalagay niya sa loob ang mga books niya at kinuha niya yung jersey niya and rubber shoes. I guess may practise sila. Odd, wala ata si Kendra. Parang slow mo naman na biglang lumingon ito sa kanya. Ngumiti na naman ito at kumaway pa. O.O 

Napakunot ang noo ko, siguro nasa likuran ko na naman ang girlfriend niya. Hindi ko na lang pinansin kung anong nakita ko at inayos ko na ang mga gamit ko. Ang bango talaga niya. Tsk. Nang matapos na ako sa pag-aayos ay sinara ko na ang locker ko. Tatawagin ko na sana ang mga kaibigan ko pero bakit parang iniwan nila ako? Great. -.-

Aalis na sana ako pero...

"Autumn?" napatigil ako nang paglalakad at lumingon sa tumawag sa akin. Si Marco. Lumapit siya sa akin.

"Kilala mo ako?" parang tangang tanong ko.

"Hahaha. Lahat naman ata ng estudyante dito kilala ka." Sabi niya na nakingiti. Ohhh, perfect set of white teeth. 

"Ahh. Err. Hindi naman." Sabi ko na lang, ang awkward lang kasi, luminga-linga ako. Wala si Kendra sa paligid? O.o 

"Sinong hinahanap mo?" Tanong niya sa akin.

"Ahh ehh, yung girlfriend mo?"

"Huh? Wala naman akong girlfriend ehh."

"Meron 'di ba si Kendra? Yung babaeng laging nakapulupot sa'yo" di ko napigilang sabi. Huwaaaaaay?! Bakit ko nasabi yun? I sound like a jealous girlfriend. Me and my big mouth. Napakamot naman siya nang batok.

"Hmmm, nauna na siya ehh, kasama niya yung mga friends niya magmo-mall pa kasi sila." Ayun lang, hindi ko na alam ang isasagot ko. 

"Sorry, Marco Paulo Esteves nga pala." inilahad niya pa ang kamay niya sa akin. Tinanggap ko naman iyon.

"Autumn Fate Delgado." Pakilala ko din. Hindi ko alam pero parang ayoko na siyang kausapin. Ang weird ko talaga. Parang ayoko kasing may girlfriend siya. Naiinis ako dahil hindi ko alam kung bakit ako naiinis.

"Pwede ba kitang maimbitahan-"

"Ahh mag-aaral pa kasi ako." Putol ko sa sasabihin niya. Para namang nalungkot siya bigla. Ayoko sumama, bakit ako sasama? May girlfriend siya. Edi imbitahan niya yung girlfriend niya.

"Ahh ganun ba? Sige okay lang. Next time siguro. Friends na tayo 'di ba?" tapos ngayon para siyang bata na naghihintay kung papayag ang nanay niya na bilhan siya nang laruan. Napatango na lang ako. Lumiwanag lalo ang mukha niya. Then he asked for my number, and I don't know why I gave mine.

Nagpaalam na ako sa kanya at pumayag siya dahil baka malate na din daw siya sa basketball practise nila.

Naglalakad na ako sa corridor nang biglang may humila sa akin. Ang magagaling kong kaibigan na nang iwan sa akin. -.- Inusisa lang nila kung anong pinag-usapan namin. At oo sinadya nila akong iwan para daw may solo moment kami ni Marco. As if naman. Kinwento ko na lang lahat sa kanila dahil alam ko namang hindi nila ako titigilan. 

"Uwaaaaaaaaaaaaaaaaah! :">" Tili ni Bea at Lianne. At binuhat naman ako ni Greg. 

Haaays. Parang mga tanga.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 07, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

His Scent ~ short story ~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon