Monday. Naaalala ko dati kung gaano ako kaexcited pumasok. Gaano ako ginaganahang pumasok. Hayst. Kung pwede sana akong maghome-school edi sana wala akong masyadong problema ngayon.
Dumeretso ako sa banyo para maligo. Malamig ngayon ah. Binuksan ko na yung shower at halos masunog ang pulsuhan ko sa sobrang hapdi. Napasigaw ako na ako lang ang makakarinig. Hindi parin magaling yung nga sugat ko. Ramdam na ramdam ko ang sakit at hapdi sa bawat pagpatak ng tubig sa pulsuhan ko. Nasanay na din akong magtiis. Wala akong magagawa eh. Hindi naman ako magician para padaliin ang paggaling ng mga sugat ko.
Pagkatapos kong maligo, dumeretso na ako sa kwarto. Kinuha ko uli yung black jacket ko. Baka makita nila yung pulsuhan ko eh. Hayst. Dati ang linis linis ng kamay ko, ngayon nabalutan na sya ng mga sugat.
Nagpaalam na ako kila mama bago maglakad papuntang school. Hindi naman ganun kalayo yung school eh, para sakin. Mas gusto ko kasing maglakad kesa sumakay sa van ni papa.
Eto na. Nandito na ako. Bukas pa yung gate ng school kaya ibig sabihin hindi pa ako late. Dali-dali rin naman akong umakyat sa room ko. Kahit na alam kong wala talagang kakausap sakin, umaasa pa rin ako.
Gaya ng dati, maingay pa rin sila nung pagpasok ko. Nababalutan ng mga ngiti ang kanilang mukha. May mga sariling mundo. May sariling grupo. Habang ako mag-isang maglalakad papunta sa upuan ko sa unahan. Well, masaya din naman maging mag-isa, kahit papano. Natuto kasi ako kung paano maglettering, natuto rin akong magdrawing. At isa pa, wala ring manggugulo at mangengealam sayo.
Kung sila may sariling mundo, pwes ako rin meron. Pero sa mundo ko, ako lang nakatira. Kapag nasawa na akong magdrawing at maglettering, tutulala na lang ako. Aantayin ko uling dumating si ma'am.
Maya-maya, dumating na sina Jazz at Nika. Nagkatagpo ang mga mata namin pero dali-dali rin naman nilang inalis ang tingin nila. Lalo tuloy sumakit yung puso ko. Nanghihinayang kasi ako eh. Halos apat na taon kaming magkaibigan tapos iiwan lang nila ako dahil sa mali nilang paniniwala. Grabe. Hindi manlang sila nakonsensya.
"Oy, balita ko nahospital ka ha" Nagulat ako nung may nagsalita. Si Ginny lang pala. Sya ang nerd ng school namin. Sya rin ang pinakamatalino sa school namin. At para sakin, sya ang pinakamabait sa room na toh.
"Oo" Yan lang sinabi ko. Umupo sya sa tabi ko at nakita nya yung mga dinrawing ko.
"Magaling ka pala magdrawing ah" Nakangiti nyang sinabi. Parang first time lang kami mag-usap. Ang awkward ko talaga kausap.
"Bakit ka pala nahospital?" Dagdag nya. Lumingon ako sa kanya at binalik ang tingin sa dinrawing ko. Nakakahiya kung sasabihin ko kung bakit.
"Uhm... Sobra kasi akong nahilo" Pagsisinungaling ko.
"Ganun ba. Eh bakit ka naka-jacket? Ang init kaya sa room" Nilibot pa nya yung mata nya. Ang dami naman nyang tanong pero at least may kausap ako.
"Wala lang. Masama ba magjacket?"
"Oo nga, sabi ko nga. Matanong ko lang, totoo bang... drug pusher ka?" Napamulat ang mga mata ko sa tanong nya. Kalat na pala. Alam na pala nila ang nangyari. Ang alam ko kasi si Jazz lang at Nika ang sinabihan nila mama ng nangyari eh.
"Hindi. Bakit naman ako gagamit ng drugs?" Nakaharap ako sa board nung sinabi ko ito. Halos sumikip yung dibdib ko dahil alam na nila at nahihiya ako sa ginawa ko. Kaya pala walang pumapansin sakin. Natatakot din kasi sila.
"Sabi kasi ng bestfri-"
"Wala na akong bestfriend dito" Ganon. Sila pala ang nagkalat. Halos masampal ko na ang sarili ko dahil sa sobrang katangahan ko. Plastik na nga, backstabber pa. Ano bang problema nila sakin?
"Naniniwala ako sayo. Alam ko namang hindi mo magagawang mag-drugs eh. Saka alam mo ba, boyfriend na ni Jazz si Ron. Alam kong wala akong business para sabihin toh sayo, pero ayoko namang maiwan ka sa mga news ng room at isa pa, kailangan mo talaga tong malaman" Paliwanag nya at mas lalo akong natulala at mas lalong sumikip yung dibdib ko. Nakalimutan kong idagdag, may pagkatsismosa din kasi si Ginny eh. Haysst. Gusto ko na talagang sabunutan at sampalin ang sarili ko. Si Ron. Ex boyfriend ko sya. Nagbreak kami dahil nalaman nyang umiinom ako at pagkatapos non, wala na kaming koneksyon. Kaya pala. Nawala na lahat ng respeto ko kay Jazz. Bwiset na bwiset na ako.
"Ayos ka lang?" Nakalimutan ko na may kausap pa pala ako. Nabwibwiset na talaga ako sa mga tao dito sa room. Hindi ko alam kung sino ang pagkakatiwalaan ko. Konti na lang. Susuko na ako. Ang gusto ko lang talagang sabihin kay Jazz ay.. Ang kapal talaga ng mukha nya.
"Geh balik na ako sa chair ko ah" Mabilis na sinabi ni Ginny nung nakita nyang pumasok na si Ms. Hernandez. Life saver ko talaga yang si ma'am eh.
Nagumpisa na si ma'am magsalita tapos ako nakatulala lang. Hindi talaga ako makapaniwala sa nangyari. Masyadong mabilis. Masyadong mabilis ang pangyayari. Parang hinahabol ako. Parang kahapon lang katabi ko sina Jazz at Nika. Nagdadaldalan. Pero ngayon, parang hindi kami magkakilala. Parang bigla na lang nawala lahat. Sobrang bagal ko sigurong tumakbo, kaya ayan naiwan ako.
Tapos biglang pumasok si Ron. Bwiset. Mas lalo lang nag-init ulo ko. Sinundan ko sya ng tingin hanggang sa makaupo sya at ang mas masakit, katabi pa nya si Jazz. Hindi ko na alam gagawin ko. Parang sasabog na ata ako. Piling ko, tinraydor nila ako. Piling ko wala na silang paki kung masasaktan ako. Hangin lang ba talaga ako?
Recess na. Sinundan ko uli ng tingin sina Jazz, Nika, at Ron. Magkasama silang tatlo. Dati kaming apat magkasama. Haysst. Bat ba ako nagiisip ng dati? Dati yon hindi ngayon. Iba na ngayon.
Balak ko sanang huwag kumain kaso gutom na gutom na talaga ako. Kagabi pa ata ako hindi kumakain. Mag-isa. Mag-isa akong bababa sa Canteen. Ewan ko kung bakit ako takot bumaba mag-isa. Siguro takot lang ako makita sila.
Pagbaba ko, bumungad sakin ang maiingay na highschool students. Kanya-kanya sila ng trip habang ako nakatungong naglalakad at mag-isa pa. Piling ko talaga, hindi ako welcome sa eskwelahang toh. Wala ngang kumakausap sakin. Lalapit lang sila, magsasalita ng onti, pagkatapos ayun na. Iiwan ka din nila. Iniwan naman ako ng lahat eh. Iniwan ako ng mga kaklase ko, bestfriends ko, at yung lintek kong ex boyfriend. Ang sakit lang isipin na matapos ko silang tatruhin na parang kapamilya ko, bigla na lang silang umalis ng walang paalam at hindi na ako kailanman pang kinausap.
Bumili ako ng burger. Yan lang ang gusto kong kainin. Wala na akong pake kung mangayayat o mamatay ako dahil sa gutom, wala namang may paki, diba? kahit nga ako wala eh.
Pagakyat ko, balik ako uli sa upuan ko na talagang nasa gitna at unahan pa. Ako lang uli ang nakaupo sa harapan at mag-isang kumakain. Nakakaawa akong tingnan.
Napapagod na talaga ako. Nakakapagod pumasok, huminga, magpanggap, magsinungaling, ngumiti, nakakapagod ng mabuhay. Sawa na ako sa paulit-ulit na ikot ng buhay ko. Sobrang SAWA.
"Marilyn" May narinig akong tumawag. Liningon ko kung sino yun. Ang swerte ko naman na si Jazz pa talaga ang lumapit sakin. Kaya ko pang magpigil. Kaya ko pa. Kaya ko pa.
"Ano?" Walang gana kong sinabi. Umupo sya sa tabi ko.
"Thank you at sorry" Binulong nya sakin bago sya tumayo at naglakad pabalik sa tabi ni Ron. Mas lalong nadadagdagan ang init ng ulo ko. Anong nangyare? Bakit parang sila pa ang nagbago. Ano daw? Thank you at Sorry? Thank you saan? Sa pagiging mabuti kong kaibigan? At sorry saan? Sa pagiiwan ba sakin o dahil sa pangaagaw sakin?
Hindi ko na ata kaya.
-x-x-x-
Halos sa Harry Potter ko kinuha yung mga name nila dito ah. Wala akong maisip eh hehe. Don't forget to vote and comment. Sana wala pong silent reader ;) Mas lalo po akong gaganahang magsulat kapag may magvovote and comment ;)
Iyon lamang at salamat sa pagbabasa x
BINABASA MO ANG
Suicidal [On-Going]
أدب المراهقينHave you ever thought of suicide? Have you ever thought about ending your life? Naranasan mo na ba na parang iniwan ka ng mundo? Naranasan mo na ba na parang walang pakialam yung mga tao sayo? Naranasan mo na ba na parang kamatayan na lang ang sagot...