바다

56 7 5
                                    

"Sino ka?"

"Di ako sinuka."

"Di mo ko kilala?"

"Bakit? Sikat ka ba?"

"Uh.. no."

"Di naman pala eh."

"Pano mo natuklasan tong lugar na to?"

"Hehe naligaw lang. Pero ang ganda dito. Dito na lang kaya ako?"

"BAWAL! PROPERTY KO TO! UMUWI KA NA!"

"Damot naman. Hmmp."

It's been 2 years since Wanna One disbanded kaya naman itong si Jinyoung ay pinili nalang na maging ordinaryong tao sa korea. He's already 22 years old.Being an idol is being hard. Madaming sasaengs. Hanggang ngayon di parin siya nilulubayan ng mga ito. Kaya naman napagkamalan nyang sasaeng ang babaeng nasa harap nya.

Halata na high school student ito dahil nakauniform ito. Tiningnan siya ng masama ni Jinyoung ngunit nginingitian lang siya ng babae. Inosente. Yan agad ang naisip ni Jinyoung. Halatang inosente ang babae. Hindi man lang niya kilala ang binatang nasa harapan niya. Hindi nya lang man alam na minsan ay isa itong myembro na pinakasikat na grupo.

"Di ko alam kung paano umuwi." Nakangusong sabi ng babae. Kaya naman napasabunot nalang si Jinyoung sa kanyang buhok

"Sumunod ka sakin!" Inis na utos ni Jinyoung sa dalaga. Sumunod naman ang dalaga. Nakita niya ang binata na sumakay ng kotse kaya napatitig siya dito.

"Tutunganga ka pa? Sakay! Para makalayas ka na dito." Masungit na sumbat ng binata.

"Pwede po ba akong pumunta ulit dito?"

"BAWAL!" Napanguso na naman ang dalaga. Sumakay ito sa kotse ng binata.

"Saan ka ba nakatira?" Tanong ni Jinyoung.

"Daegu" Napatingin ng masama ang binata. Medyo malayo din ang dinayo ng dalaga. Ihahatid lang sana nya ito sa subway station ngunit napatingin ang binata sa dalaga.

Sa mukha nito na napakainosente baka may gumawa ng masama dito lalo na at gabi na.

"Address mo?"

"Daegu, Joong-gu Namsan-3 Dong 190-1"

Hinanap ako ni Jinyoung ang address sa navigation at sinundan ang pagpunta dito. 2:00 am. Apat na oras silang nasa biyahe dahil trapik kaya naman napansin nyang nakatulog na pala ang dalaga.

Pagkadating niya sa address napatingin siya sa paligid. Iisa lang bahay dito. Ngunit hindi talaga siya mukhang bahay. Malaki ito at may malalaking bakod.

White lily orphanage?

Napatingin ang binata sa dalaga. Ginising niya na ito.

"Nandito ka na sa bahay mo." Napakamot lang nang mata ang dalaga. Bumaba agad ito ng kotse.

Kumatok ito sa bintana ni Jinyoung.

"Thank you po hehe babalik po ulit ako dun hehe." Sinamaan lang siya ng tingin ni Jinyoung. Nagstay lang si Jinyoung doon.

Nakita nyang nagring ng doorbell ang dalaga at may lumabas naman na isang matandang babae. Galit ito at may hawak na makapal na stick. Nanlaki ang mata ni Jinyoung ng makita niyang piningot ng matanda ang dalaga habang hinahampas ito ng stick. Bababa na dapat siya ng nakita nyang nagsign ang dalaga na umalis na siya ngunit... nakangiti siya.

Sea | B.JY One-shotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon