Chapter Thirty

15.9K 278 22
                                    

Maraiah's pov

"good morning ma'am" pang labing limang tao na yung bumabati sa akin ng magandang umaga pero katulad sa labing-apat na unang bumati sakin ay nilagpasan ko lang ito.

Hindi ako nagbibilang ng iisnobin ko ngayon. Actually I am dead tired, wala pa akong maayos na tulog for three days. Isama mo pa na gabi gabing tumatawag ang 'boyfriend' ko daw. Kinukulit lang ako nagtatanong kung ano yung favorite color ko, food, brand ng pabango, damit etc.

Kahit yung favorite brand ng lingerie tinanong niya sa akin minsan napapa-isip ako kung lalaki ba ito o you know? Bakla, bading, beki, bayot, agi.

kaya namura ko siya ng malutong, first time yun. Baliw ba siya. Sa tingjn niya ba sasabihin ko yun? Nag confess talaga ako sa simbahan nun pag kagising ko ng umaga.

Sobrang hectic ng linggo na ito sa akin. Inaayos na kasi lahat lahat para sa isa na namang merging ng company namin sa company ng bagong second major stock holder. Yung inaanak ni tito Johnny.

Kaya ito ako muhkang zombie. Buti nalang naiintindihan ako ng mga empleyado ko. Kahit naman sila ay pagod na pagod din. Pagnatapos ko lang talaga ito magbabakasyon ako! Isama na lahat ng empleyado mag-a-outing kami.

Tama! Kailangan namin ng outing saan kaya maganda? Kailangan ko na ng mga brochure ng mga resorts. Maganda din kung mag team building kami doon. Mas lalo namin makikilala ang isa't isa at walang ilangan. After all isang pamilya na kami dito at madadagdagan pa kami. Maganda na ring pang welcome ito sakanya.

Pagka-upo ko agad na nag dial ako sa telepono. Tatawagan ko si Diana.

"Oh anong kailangan mo?" san kayo nakakita ng secretary na ganyan sumagot sa boss niya?

"Oo kuha mo ko ng mga brochure sa mga magagandang hotel." sabi ko.

"Babakasyon ka ulit?" tanong niya sa akin.

"Yeah. Buong company pagkatapos nitong hell week. Hindi ka kasama."sabi ko. Ang kulit kasi andaming tanong hindi nalang gawin.

"Ay ang mean mo best! Kahit anong sabihin mo sasama ako! Isusumbong kita kay tito hala sige." pananakot niya pa sa akin. Hindi ko na lang pinansin kasi madami pa akong gagawin ngayong araw at wala akong panahon makipagbwisitan kay Diana.

"Whatever" I told her. Ibababa ko na sana yung phone ng may maalala ako.

"Wait. What happened to your date the last time?" I ask her kasi hindi na kami nakakapag-usap. Like duh hell week nga po ngayon. Mag oot nga ako mamaya para mabilis matapos ito.

"N-nothing. B-bye." at binabaan ako ng phone. Loko yun ah!

I am a Virgin MommyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon