The Gangster and I 3

6 0 0
                                    

Nasa isang kilalang bar si Vain ngayon at naglalasing. Ang Pain No More. Kilala ito dahil maliban sa elegant ambiance nito ay pagmamay-ari ito ng anak ng isang kilalang businessman. Hindi lang iyon. Kundi pati na rin sa may malaking discount ang mga premium members. To note, isang high school student ang namamahala dito. Sa katauhan ni Pain Azonry Retlore, ang bestfriend ni Vain.

Bakit nga ba naglalasing ngayon si Vain? Simple. Dahil sa pag-ibig. Dahil sa pag-ibig na akala niya ay totoo. Pag-ibig na akala niya perpekto pero lingid sa kaalaman niya, ang pag-ibig na yun ang tumaksil at sumira sa puso niya.

"Sir, 2. Make it three bottles of original soju please." sabi ni Vain. Tumango ang bartender at kumuha ng 3 bote ng soju sa ref at binigay ito sa kanya. Binuksan ito ni Vain at nagsalin sa glass niya. Gusto niyang kalimutan ang lalaking nanloko sa kanya. Nag-aalalang tinignan ng bartender si Vain. Naka-8 bote na kasi ito. May umupo sa tabi ni Vain na siyang pumukaw sa atensyon ng bartender.

"Sir Resse." mahinang sambit ng bartender.

"Usual. Give me the whole bottle." tumango naman yung bartender at kinuha ang paboritong inumin ni John. Bumalik ito at binigay kay John. Binuksan niya ito at nagsalin sa glass niya. Linagok niya ito ng diretso. Muli siyang nagsalin. Gusto niya kasing makalimot. Hanggang ngayon, hindi pa rin niya makakalimutan ang babaeng mahal niya. Ito ang ikalawang death anniversary niya. Ito rin sana ang 3rd anniversary nila. Sariwa pa rin sa alaala niya ang mga ngiti, tawa at mukha ng kasintahan bago ito tuluyang nawala sa mundo.

"Wozly..." mahinang sambit ni John bago nilagok ng diretso ang nasa glass niya. Nilabas niya ang phone nito at in-on. Nakita niya ang nakangiting mukha ni Wozly. Inunlock niya ang phone niya at pumunta sa gallery. Nandun lahat ang pictures nilang dalawa. Mula panliligaw hanggang sa dates nila. Meron pa yung family get together nila. Ang pamilya niya at ang pamilya ni Wozly. Sunod na pinuntahan niya ay ang messages. Maikli lang ang mga ito dahil puro sila tawag o hindi kaya ay lagi silang magkasama.

I won't leave you, Xiu John. I love you that much, heart.

Napangiti ng mapait si John nang mabasa iyon. Yeah right. You won't leave me but where are you now? You left me for good.

"Bitch!" sigaw ng isang babae sa gitna nang dance floor at sinampal si Vain. Nagulat ang dalaga sa ginawa nito sa kanya. Alam niya sa sarili niyang wala itong ginawa pero nagtaka siya kung bakit ito sinampal ng babae na walang kaalam-alam sa nangyari.

"Why did you slap me?" takang tanong ni Vain sa babae. Mukhang nasa college na ito. Sa pananamit palang niya. Pinagbabawal kasi na magdamit ng revealing ang mga under age e. The lady laughed sarcastically.

"Hell, yeah. Innocent Misty. Stop acting as if you don't know why."

"Magtatanong ba ako kung alam ko? Tanga mo naman." dahil sa epekto ng alak kaya niya nasabi iyon. She respects others as long they do the same to her. Akmang sasampalin ulit siya ng babae nang inunahan ito ni Vain. Sinampal niya ang babae na ikinagulat ng lahat ng nasa dance floor. And that slap caught John's attention. Napalingon siya sa dance floor. Nakita niya ang dalawang pamilyar na bulto ng babae sa gitna. Kinusot niya ang kanyang mga mata para tignan muli. Napa-tss nalang siya. What are they both doing here? Napatingin si John sa tabi niyang bakanteng upuan. May 8 bote ng soju. Ubos lahat. May nakita siyang wallet na ang print nito ay si Pororo. Sa tabi nito ay phone. Then, he saw something that makes him realize he should stop the fight in the dance floor. Yung phone lang naman ni Vain ay tumunog kaya umilaw ang screen.

Handsome Pain
Calling...

Napa-tss nalang si John. Naglagay siya ng pera sa ibabaw ng mesa. Kinuha niya yung wallet at phone ni Vain bago pumunta sa dance floor. He needs to stop this. Naalala kasi niyang best friend pala ng barkada niya yung nakikipag-away sa gitna ng dance floor. To make things worst, kapatid pa ni Wozly ang kaaway nito. The one and only rebel elder sister ni Wozly. Si Waycrile.

The Gangster and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon