Naranasan mo na bang magka-crush?
Well, ang sagot dyan, OO! Aba! Abnormal na lang ang hindi pa nagkakaroon ng crush sa panahon ba natin ngayon noh. Well, haha, kasi ano eh, crush ko nga pala si Drew Supliano. Kilala mo siya? Weh, di nga? Si Drew? Supliano? Hindi mo kilala?
Magkaugali at magkamukha sila ni Tripp sa Seducing Drake Palma. Kasing hot siya ni Red sa Talk Back And Your Dead, and lastly, kasing sweet siya ni Stephen sa Break The Cassanova's Heart Operation.
Well, Drew Supliano is the best Ideal Boyfriend dito sa Adamson Louise University / ALU! Lagi siyang nananalo bilang Mr. HeartThrob dito. Pagkakaalam ko, 3 years na niyang hawak ang trono!
Oo, ganun siyang kalupit! Ahihihi :"> Kaya, crush na crush, as in super mega duper uper uper crush ko siya! Haha!
*poink*
Napatigil ako sa pagdedaydream para kay Drew ng may sumapok sa ulo ko. (TToTT)
"Oh my gee! My precious braincells! Who do you think you are to have the right to—-" napuputol ang nakakanosebleed kong sentence ng makita ko kung sino ang bumatok sa akin. Waaah! Si Ms. Cruz, ang terror teacher ng buong ALU!
"I am Ms. Cruz, your one and only adviser here at 4-Cheverlu! The English teacher at 4-Cheverness and 4-Chevergolly! Now, since that I have already answered your question, mind explaining your reason for daydreaming and drooling here in my class?" halos pumutok ang ulo ko sa hinaba haba ba naman ng sentence ni Ma'am, it makes my braincells make sabog sabog!
"A-ahh, e-ehh—-" hindi na ako pinatapos ni Ma'am dahil tinitigan niya ako ng matalim at sabay turo ng kamay niya sa pintuan. Isa lang ang meaning nun, it means that I should make labas na so that I can make bayad of my kapabayaan chuchu. Kaya kinuha ko ang shoulder bag ko at padabog na lumabas.
Oh hello there! I'm Maxxine Rica Hudson, nakatatandang kapatid ni Brent Hudson ng Diary ni Assumera. I'm 16 years old, beautiful, sexy, wonderful, wow, fantastic baby, BOOM SHAKALAKA~! Haha, so tinignan ko muna ang precious watch ko and shocks!
=^w^=
Meron pa akong 1 hour bago maguwian. Last period kasi namin si Ms. Cruz. At kung sinuswerte nga naman ako, napalabas pa ako. Panigurado, tutuksuhin na naman ako ni Annabeth mamaya. Kainis yung babaeng yun! Si Annabeth Fabier, ang bestfriend kong baliw na baliw sa Baby Brent ko! Well, sorry siya, may mahal na iba ang baby brother ko! At walang iba iyon kundi si—-
*BLARG~*
Napahawak ako sa tyan ko. Bigla ba namang tumunog! Anyway highway, makapunta nga muna sa cafe, gutom na Mr. Tummy eh. So ang peg ko ngayon ay Dora the Explorer dahil naglalakbay ako papunta sa Narnia! Joke, pupunta ako sa cafe.
===CAFE===
*sniff sniff*
Ang bango talaga sa cafe. Kaya lalong nag-ingay si Mr. Tummy. Yum yum! Food! Pumunta na ako sa counter at umorder na isang hotdog with bacon sandwich, isang chocolate cheesecake, isang chocolate shake, isang malaking pack ng tortillos, at isang mineral water. Hindi na rin naman nagtaka si Ate Cashier kasi sanay naman siya sa akin eh.
Kinuha ko na ang mga food at napansin ko na kakaunti ang taong nakain sa cafe. Isang couple na malapit sa may pintuan at isang mysterious guy na 3 tables ang layo sa couple kaya napagdesisyunan kong umupo sa katabing table ni Mr. Mysterious Guy.
As soon as nakaupo na ako, ninamnam ko muna ang amoy ng mga binili ko at sabay lantak sa kanila. Tsibug here tsibug there, tsibug everywhere. After 5 minutes, ubos ko na ang pagkain. Tsalap tsalap talaga ng pagkain dito sa cafe!