Find A Cure

84.4K 1.9K 161
                                    

We went out... or rather.. I was forced to go out with them. Shopping daw muna. Sino ba namang babae ang ayaw mag-shopping? AKO. Mas gusto kong magmukmok sa condo ko. Tipid pa sa pera. Hindi pa 'ko pagod. Haaay..

--

Pagkatapos naming mag-shopping, bumalik ulet kami sa condo ko at naglinis sila. Ako nakatanga lang. Ayokong galawin ang kahit ano dun sa condo ko. HE designed it kase. Lahat ng ayos ng furniture, every nook and cranny, sya ang naglagay.

Kaya ayoko sanang galawin ang kahit ano dun kase it feels like I'm letting him go when I still can't. Hindi ko pa talaga kaya...

Kaso mapilit sila. Eh di sila na lang. Haaay..

--

After cleaning, pinagtulungan nila akong ayusan. Lalabas daw kami. TO MEET NEW FRIENDS. Naku, if I didn't know any better... Itatry lang nila akong i-hook up with some guy. Para makalimot. For sure naman hindi ko yun magagawa kase iku-compare ko lang yung mga lalaking yun sa kanya.

We went to this club na sikat daw. Hindi ko alam kase I don't usually go clubbing. Simula nung maging kami, I didn't feel the need to go out and mingle. Sa kanya lang kase umikot ang mundo ko. Tanga eh noh? Buti nga natagalan ako nina Ree kahit hindi ko na sila naiintindi.

"Ang baho naman dito." Yun ang una kong napuna. "He wouldn't like it here..." I said to myself. Hate kase nun ang amoy ng alak at sigarilyo eh. Another reason kaya hindi kami nagpupunta sa ganitong lugar.

"Eh di mabuti. No chance of running into him.." Toinks. Narinig pala ni Ree yung sinabi ko? Ganun? Ibig sabihin hindi ko sya makikita dito? Haaay... sana pala sa Starbucks na lang ako nag-aya. Dun yun lagi eh. Nakiki-wifi.

"Ganun? Uwi na lang ako." Sabi ko. Nawalan ako ng gana.

"Di pwede!" Hinila nila akong dalawa tapos nagpunta kami dun sa bar. Umorder sila ng lady's drink. I ordered something harder. Bato. Ipupukpok ko sa ulo ko. Baka sakaling makalimot.

--

After a few... err... drinks, I felt drowsy. Hot. Bothered. Nauseated. Lahat na. NAHIHILO AKO. And with the blaring music and eye-sore LED lights, lalo lang sumakit ang ulo ko.

Asan ba kase sila?

"Hey.. wanna dance?"

I looked up to see a blurry image of a guy na nakatungo sa 'kin. Nakaupo kase ako, eh matangkad sya.

"Uh.. who're you asking?"

He smiled. Wow. Perfect teeth. Naalala ko tuloy yung sungki ni ex na pinabunot namin just last month. Amp. Memories.. why can't they just go away and leave my mind at peace?

"You, silly." Naiiling nyang sabi. Hindi ko masabi kung gwapo sya kase medyo madilim yung upper side ng mukha nya. All I know is that he has perfect teeth and lips that girls would be dying to kiss.

"Me?" I pointed at myself.

He smiled again. "C'mon." He grabbed my hand and led me to the dance floor. Inilagay nya yung braso ko sa batok nya then he put his arms around my waist. Uh.. alam ko hindi slow yung song? Pero bakit ganun kami magsayaw? Parang tanga lang...

"What's your name?" He whispered. Shit ang bango nya. Amidst all these horrid smell, sya lang ang mabango. Lalo tuloy akong nahilo...

"Mira. Ikaw?"

"Kent."

"Ah..." Wow. Ka-rhyme ng name ni ex.. Brent. Takteng yan. Alis ka na sa isip ko ex. Di ka na kailangan eh.. >_<

Kent tugged me closer. "Hey.. wanna go somewhere else?" His smell was intoxicating. Ang sexy pa ng voice nya.. pang-bedroom. Very airy. Shete. Baka mamaya rapist 'to weh.

6 Letters, 2 Words.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon