Chapt 1:
Girlfriend is a Gangster
Smart, Nerd, always top on class and most of all DUWAG o Coward
Ako si Jacob Cualenz kilala ako bilang 'The Saviour' dahil tuwing exams and quiz ako lagi ang lagi nilang nilalapitan pero pag tapos na ng exam or quiz pagkalabas agad ng classroom todo iwas na sakin na para bang may ketong ako sa katawan.
"Jacob!!" nagulat ako ng biglang may sumigaw sa likod ko habang naglalakad ako ng corridor, napalingon naman ako at nakita ko ang kaibigan kong si Chezly "Oh?" "Anong Oh? Parang di na to nasanay, tara sa canteen"
Kaibigan ko si Chezly since we we're 2nd year high school bestfriend ko na nga to eh she's the one who always there for me pag binubully ako ng mga classmates kong tarantadows. But hindi kami laging magkasection I think 2nd and 4th year lang kami naging magclassmates kaya nga nalungkot ako nung hindi ko siya kaklase ngayon :(
"Kamusta naman ang exam? I'm sure ikaw nanaman kinapitan nung mga plastik mong classmates"
"Ha? H-hindi naman, sabi kasi nila nalimutan daw nilang magreview kaya nagpatulong lang sakin ng konti"
"Hay naku ewan ko sayo kung bakit ka nagpapaapi jan sa mga basagulero mong mga classmates"
"Eh wala naman akong magagawa kung aawayin ko pa sila diba? Tsaka It's better to give than to take"
Ganito ako mula nung High School palang ako nerd, baduy at pangit kaya siguro ako yung pinakagustong gustong pagtripan ng mga kaklase ko noon hanggang ngayon. Hinahayaan ko nalang sila dahil sanay naman na ako eh pero minsan hindi ko parin maitago yung sakit ,ano bang magagawa ko talagang ganito ako simulat sapul palang. Buti nga napaswerte ko dito kay Chezly dahil tinanggap niya ako ng BUONG-BUO di lang yan naging bestfriends pa kami ^_^
| Canteen |
"So, kamusta naman kayo ni Mike?" tanong ko kay Chezly at umupo narin sa table namin para kainin ang binili naming lunch kasi gutom na kami dahil sa madugong exam na yun
"Ayun ok lang naman, nakakainis nga eh mula nung nagtransfer siya dito andami ng malalanding lumalapit sa kanya"
"Uuuy! Nagseselos!"
"Eww! Never no tsaka wa epek yung mga haliparot na yun sa beauty ko noh. Natural yan kuya!"
"Bakit ba kasi nagtransfer siya dito sa University eh mas maganda pa nga dun sa pinapasukan niya eh"
"Para daw makasama ako" nagsmile siya ng todo halatang nagpipigil ng kilig eh a
"Ayon naman daw bespren eh! Hayaan mo nalang yung malalandi ikaw lang mahal nun premes!" itinaas ko ang kamay ko na parang nagpanatang makabayan.
Napakaswerte ni Chezly sa boyfriend niya nakakalungkot man minsan nga iniisip ko nung 12years old ako, I met this girl named K.A
Noon kasi lagi akong naglalaro mag-isa sa playground laging may isang grupo ng kabataan na pinagtripan ako I think ka-age ko sila they always bully me swerte na nga lang kung wala sila doon eh, wala kasi akong kaibigan sa itsura ko ba namang to?
One time habang naglalakad ako pauwi galing school bigla nila akong pinalibutan
*Flashback*
"Saan ka pupunta?" sabi ni Jazz na pinaka pinuno ata nila yun ewan ko ba mga feeling Gangsters tong mga to.
Wala naman akong makitang dahilan para gawin nila sakin ang pananakit, kaya siguro ako nagkaganito laging duwag -_-
"Ah eh, U-uwi na sana" save me lord !
BINABASA MO ANG
My Girlfriend is a Gangster
Random- Si Gangster girl sadista, sassy and most of all walang sense of humor, palaging galit sa mundo walang sinasanto. Ultimo tatay halos itakwil na niya dahil sa galit niya sa mga tao - Si Coward boy bully's pet, always top in class and most of all duw...