Chapter 2

16.5K 269 11
                                    

CHAPTER 2

Broken Hearted Princess

Habang umiiyak si Moonlight sa loob ng kuwarto nito naka-tayo si Drifher at nagbabantay sa pintuan ng kuwarto ng anak, nag-aalala siya dito. Hinila ni Frey ang isang mahabang upuan malapit sa kuwarto ni Moonlight.

"Upo ka master oh." Sabi nito kay Driefher na nakatayo malapit sa nakasaradong pintuan ni Moonlight.

Nauna ng umupo si Frey na may hawak hawak na bowl na may lamang cookies. Naupo naman si Drifher ng makarinig sila ng may nabasag.

"Isa." Sabi ni Frey na binibilang ang nababasag sa kuwarto ni Moonlight, bata pa lang ito ay nagbabasag na kapag nagagalit.

Kumuha naman si Drifher ng Cookies na kinakain ni Frey, saka kinagat. Napasimangot ito.

"Dalawa, tatlo!" Sabi ni Frey na talagang binibilang ang pagbabasag ni Moonlight at tila ba sarap na sarap pa sa kinakain nitong cookies.

"Anong meron?" Si MoonShine na nakiupo sa gitna ng dalawa.

"Ayon broken hearted ang anak mo at binabasag na ang lahat." sagot ni Drifher sa asawa at nginitian pa ito. Kahit ilang taon na silang mag-asawa parang lagi parin silang bago.

"Ha?!" gulat na bulalas ni Moonshine. Akmang tatayo na ito para puntahan ang anak nang hawakan ito sa braso ni Drifher para pigilan.

"Hayaan mo muna, mas gusto niyang mapag-isa." Ani Drifher.

Hindi na tumayo si Moonshine kahit pa nag-aalala siya sa anak alam naman niyang malakas ito pagdating sa mga problema, baka mas maramdaman lang nito ang sakit kung kakausapin pa niya, kusa naman itong magsasalita.

Kumuha nalang siya ng cookies kay Frey.

Pagkagat ni Moonshine sa cookies, dumilim ang mukha nito.

"Tila sarap na sarap kayo wala naman pa lang lasa." Si Moonshine na pinilit na lang kainin ang maliit na natira sa kinagat na cookies.

"Oh? kala ko sira lang panlasa ko, kasi tignan mo si Frey sarap na sarap kaya naki-join na 'ko." Si Drifher kay Moonshine.

Ngumiti ng alanganin si Frey.

"Kanino mo ba nakuha yan?" Takang tanong ni Moonshine dito.

Inginuso ni Frey ang diretsong direksyon, sabay napatingin ang mag-asawa sa inginuso ni Frey.

Nakatayo doon si Pandora na tila naiinis at kuyom na kuyom ang mga palad dahil malamang sa malamang narinig nito ang panlalait nila sa cookies.

Sabay napalunok ang mag asawa.

"Sabi ko kasi sa 'yo Drifher matuto kang mag toothbrush ang sarap sarap kaya, pahingi pa nga." si Moonshine na alanganin na, ang taray pa naman ni Pandora baka sabunutan siya nito at iumpog sa pader.

"Ako pa sinisi mo ikaw lang may sabi ng walang lasa sarap na sarap nga kami ni Frey." Si Drifher na natatawa sa nangyayari.

"Pandy, wait!" Tawag ni Frey ng makitang papaalis na si Pandora, hinabol niya ito. Nagkangitian silang mag asawa at binantayan na labg sa labas ang anak nilang nagbabasag.

"Okay lang kaya si Moonlight?" Si Moonshine na hindi na napigil tumayo at itutulak ang pintuan, hinayaan na ito ni Drifher baka nga mas kailangan ito ng anak nila.

Itinulak ni Moonshine ang pintuan, sa tagal nilang naninirahan ni Drifher sa kastilyo naging madali narin sa kanya na buksan ang mabigat na pintuan. Agad din namang sumara ang pintuan pagkapasok niya, nakita niya ang mga basag basag na mga gamit nito pati ang bedsheet nito tila napagtripan ihagis kasama ang unan, habang ito patuloy na umiiyak at nakaupo sa lapag ng kama nakatalikod ito kaya maaaring hindi siya napansin.

Pureblood Series 2: Moonlight's Darkside ( The Cursed Twin )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon