BeMyself#011: Learn How to Appreciate (Blessings)

17 1 0
                                    

Isa ka sa mga masuswerteng tao. Alam mo kung baket? Dahil isa ka sa creations ni Lord at buhay ka ngayon. Sa ngayon dapat alam mo ang mga kahaharapin mo,pinanganak ka mang gwapo,maganda,panget,payat,matabagangster,nakadroga asahan mo na hindi lahat ng masisilyan mo ay perpekto. Ihanda mo ang sarili mo sa tunay na mundo. Mundo na maraming problema,pasakit,paghihirap pero sana hwag mo ito tignan bilang isang pasakit pero sana tignan mo din yung positive side nito. God created everything not as punishment but for us to learn how to appreciate worse things as a challenge for us to earn our blessings.

Dont you get it guys? everything we've been going through was just a challenge. We're living in a game full of challenges and to earn the grand prize we must not compete each other thus, we must cooperate with them in order to win.(nosebleed,wrong grammar?:p)

Kung manonood ka ng balita,makikita mo talaga na mapalad ka dahil ikaw nakakapag-aral, nakakain ng tatlong beses sa isang araw, nakakatulog. Kasi yung iba namamatay,may iba hindi pa sinisilang pinapatay na,hindi makapag-aral dahil walang pera,isang beses lang kumakain dahil nagtitipid,hindi natutulog dahil nagtatrabaho. Hindi ko to sinasabe para kaawaan sila pero sana maging dahilan sila para kahit paano ay maappreciate mo ang buhay mo at ang mga pagkakataon na meron ka na wala ang iba. Hindi lahat nabibigyan ng pagkakataon kaya kung ako sayo papahalagahan ko ang lahat ng biyayang natatanggap ko, maliit man o malaki.

Akalain mo damay damay lahat pag nawala sayo ang isa. Wala kayong pera kaya hindi ka nag-aral at nagtrabaho ka na lang kaya naghihirap kayo.

Pero sana kung ikaw man ay walang tiwala sa sarili,sa nakikita o nararamdaman mo ay lubog ka na at gusto mo nang sumuko, hwag mong kakalimutang di pa tapos ang lahat. Lord wont give up on us. Find strenght. Fight for something, not only for yourself but also for the sake of others. Hwag kang mabuhay sa sarili mong pangangailangan.

.....End

Appreciate.

Blessings.

Effort.

Tatlong salita na pinapahalagahan ko sa sulat ko. Tatlo lang yan pero ang laki na ng nagagawa.

Please share your opinions or suggestions.

vote/Fan/Comment ♥

-Daniee

Be Myself NoteBook [ ONhold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon