Note: Wag pong ma-green!!
Lahat tayo nagsisimula sa first time.Kaya nga tinawag na first eh,una. At ang mga bagay na first na iyon ay ang masasabi nating pinakamahalaga. Ang unang pagkakataon ay hindi ma pwedeng mapalitan di tulad ng huli pwede pang madagdagan.
Masarap sa pakiramdam,kapag first time mo gawin ang isang bagay. Sa kadahilanang inosente ka pa, stranger pa,ignorante ika nga nila kasi wala ka pang kaalam alam sa mga pwedeng mangyari, maari mong makita.Exciting di ba?
Pero ngayong first time ko,hindi ko malaman kung matutuwa ba ako o malulungkot. Matutuwa kasi naranasan ko ito at malulungkot dahil alam kong pagkatapos nito wala ng kasunod.(Sabe ng wag green eh)
Kaya masasabi kong dapat pag-isipan natin mabuti ang mga bagay na gagawin natin. Dahil kung first time mo lamang ito,siguraduhin mong sulit dahil hindi mo na pwedeng Ibalik ang pagkakataon.
......end
Yung first time po na tinutukoy ko sa third para. ay nung sumakay ako ng airplane at bangka papuntang ilo-ilo. Ugh! miss ko na agad pumunta dun. Wala eh! first timer eh.
-Daniee
BINABASA MO ANG
Be Myself NoteBook [ ONhold]
Fiksi RemajaOPEN-MINDED-NESS IS NEEDED. Hindi po ito KWENTO... Isa po itong compilation ng daily-lesson-learned ko sa buhay. Minsan lang ako maging open-minded at sa tingin ko naman po ay makakrelate ang iba sa inyo sa mga sinusulat ko. Libre ang magcomment.K...