HALOS maghahating gabi na pero hindi pa tapos ang operasyon,nasa labas sila at nakaupo sa upuan,nasa kanan niya ang lalake na panay ang pindot sa cellphone nito,samantalang nakahiga sa kanyang hita ang himbing na himbing niyang kapatid.
Yaawwwnnn!
Napatingin siya sa lalake ng humikab ito.
"Salamat nga pala sa tulong mo,hindi ko alam ang gagawin kung wala ka.!"Itinigil nito ang pag pindot sa cellphone at kunot noong inangat ang tingin sa kanya,bahagya pa itong nagulat na ipinagtaka niya,pero minabuti niyang huwag na lamang itong pansinin.
""Don't thanks me! Remember may kapalit iyon! So dont bother your self thanking me!"
Bigla siyang nagulat sa naging asal nito.Hindi parin mawala ang kunot sa makinis nitong noo,hinuha niya ay may ka text ito at mukhang nagkagalit kaya marahil ganun ito magsalita.Pero bakit ba sa kanya ito nagagalit? Antipatiko talaga! Hindi parin niya makakalimutan ang ginawa nitong paghawak sa pwetan niya.Kung wala lang siyang utang na loob dito paniguradong nasapak na niya ang lalake"Highblood mo ah!,nagpapasalamat lang yung tao!"napairap na lamang siya sa kawalan.
Krroookkk.......(sorry sa sound effect!haha)
Ginising niya ang kapatid at agad siyang tumayo ng lumabas ang doctor,hindi niya alam ang mararamdaman..kung matutuwa ba siya sa kalalabasan o kung may dapat ba siyang ipag alala? Pero isa lang ang sigurado siya napupuno ng kaba ang kanyang kalooban,Lumapit ang doctor sa kanila saka nito tinanggal ang mask.Saka ito ngumiti sa kaniya"Congrats iha! The operation is 101% succesfull!!"
"Talaga po doc?! Talaga po? Thank you po! Thank you! Maraming salamat po talaga.!!"walang paglagyan ang tuwang kaniyang nararamdaman,kulang na lamang ay yugyugin at yakapin niya ang doctor.Hindi niya alam kung pano magpapasalamat!
"Matapang ang mama mo kaya nakaya niya ang operasyon! O sya! Mauna na ako sa inyo."saka ito naglakad palayo,yinakap niya ang kapatid na nakatayo sa kanyang tabi na bakas din ang tuwa sa mukha."Narinig mo yun Lucy?magaling na si mama!"
"Yeheyy! Magaling na si mama!"
Natigil lang ang yakapan nila ng tumikhim ang lalake na nakaupo.Bumitiw sa kanya ang kapatid saka ito lumapit sa lalake,hinawakan ng kapatid niya ang kamay ng lalake"Kuya! Maraming salamat po! Hulog ka po talaga ng langit!"Bigla ay napalitan ng ngiti ang mukha nito."Its okey! Ang mabait na bata na katulad mo binibigyan talaga ng magandang blessing!."saka nito pi.nat ang ulo ng kapatid,bakit parang may kakaibang kislap sa mata nito? Parang sabik sa isang bagay,ewan niya na lamang kung ano iyon pero alam niya na may kalakip na lungkot ang kislap ng mga nito.Tumingin ito sa kanya"Now that your mom is out of danger!You should go home first,bumalik nalang kayo bukas!You both need a rest!"
"Pero gusto kung nasa tabi niya kapag nagising siya!!"pagpoprotesta ko,
Excited na kasi akong makitang gising ang mama ko,kaya dina ako makapaghihintay."Look..hindi naman papabaya an ng mga doctor ang mama mo,ililipat narin siya sa isang private room,I will hire a bodyguard! So dont worry!Tignan mo pagod ang kapatid mo baka magcollapse siya!"pangongonsensya pa nito sa kanya,tinignan niya ang kapatid at bakas nga sa mukha nito ang pagod at puyat.Napabuntong hininga siya at sinang ayunan ang lalake..
Hinawakan niya ang kapatid sa kamay at tumayo "Sige umuwi muna tayo sa ngayon lucy.."
Inakay niya ang kapatid sabay silang naglakad sa hallway,Nasa pagitan nila ng lalake ang kanyang kapatid.Tahimik na ang ospital dahil marahil ang malalim na ang gabi,may mangilan ngilang nurse naman ang mamamataan na naglalakad,Ngayon ay makakahinga na ng maluwag ang kanyang kalooban,Ligtas na ang kaniyang ina,mabuti na lang at hindi sila pinapabayaan ng diyos,tunay ngang napakabuti nito,lubos ang kaniyang kagalakan,salamat kay-
hindi niya pa pala alam ang pangalan ng lalakeng ito.
Tinignan niya ito subalit nasa sahig ang tingin ng lalake at mukhang malalim ang iniisip.Tumikhim siya para makuha ang atensyon nito.
BINABASA MO ANG
Secretly Married To A Playboy
RomanceSobrang hirap ng buhay ng pamilya ni Sheinna.Dumating sa point na lumubha ang sakit ng kanyang ina at wala siyang pera pampagamot dito ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon nakilala niya si Clade ang lalakeng bastos na tumulong sa kanya..erase it t...