Chapter 11: Tutor

38 3 9
                                    

Chapter 11: Tutor

"Naglakwatsa ka kahapon?!" di makapaniwalang tanong ni Freya habang naglalakad kami papunta sa susunod na klase. Kakatapos ko lang kasing ikwento sakanya yung nangyari kahapon, at di ko naman ine-expect na ganito ka-OA ang reaction na matatanggap ko mula sa kanya.

"Kailan ka ba matututong hinaan 'yang boses mo?" inis kong saway sa kanya.

"Kasi naman, nakakagulat ka. 'Pag 'to nalaman ng Kuya mo, naku. Diba sinabi n'ong panget na 'yon na umiwas ka na raw." Paano naman niya nalaman? Woah. Minsan talaga di ko alam kung pano nalalaman ng lokang 'to yung mga classified information sa buhay ko e.

"Pumayag na naman si Kuya. Di nga lang raw niya maipapangako na magugustuhan niya sila."

Freya snorted. "E alam mo naman kung gaano kalaking epal 'yang kuya mo. Tingnan mo, isang araw manggugulo na lang 'yan sa inyo." Bigla naman akong kinabahan sa sinabi niya. Wag naman sanang mangyari 'yon diba. Di naman kasi sanay yung lima na may ibang kausap. Tapos si Kuya pa. Tsk, siguradong riot 'yon.

And speaking of Kuya, nakita ko siyang papalapit sa'min kaya agad kong sinenyasan si Freya na manahimik. Di pa naman mapigilan ang bunganga ng babaeng 'to minsan. Masyadong madaldal.

Inakbayan niya ako at kunyaring sinakal. "Kapatid, hindi ata tayo nagkita kahapon? Di mo tuloy nakita ang pogi kong mukha."

"Absent ako." I answered coolly. If you would ask, I'm definitely the best at telling lies. Di ko nga lang alam kung magaling talaga akong magsinungaling, o sadyang uto-uto lang talaga si Kuya.

Bigla niyang inalis yung pagkakaakbay niya sakin saka ako hinawakan sa magkabilang balikat na nanlalaki ang mga mata.

"Bakit? May sakit ka?" tanong niya at sinapo ang noo ko.

"Wala."

"May nagpaiyak sa'yo?"

Kumunot ang noo ko. "Huh? Wala."

"Tinamad kang pumasok?"

"Mga tanong mo naman. Hindi, Kuya. May pina-asikaso lang yung teacher namin."

"Hindi mo kasama 'yong 'tropa' mo?"

"Hindi," I lied.

"Buti naman." I sighed. He's still not okay with them. I guess it would really be hard to convince him to be friends with them.

"Dami mo namang tanong. Na-miss mo ba 'ko?" I asked to immediately change the focus of the topic. Baka di ko pa mapigilan ang sarili ko mamaya.

"Hindi. Asa ka. Wala lang akong maasar. Nagtiis tuloy ako dyan sa kaibigan mong saranggola," he said with a shrug as he looked at Freya.

I frowned. "Saranggola?"

"Buto't balat lumilipad! Hahaha!" saka siya tumawa ng pagkalakas-lakas. Tangina, nagda-drugs kaya ang Kuya ko?

"Hoy, gago ka ba?" Freya retorted.

"Pick-up line ba 'yan? Bakit? Kasi gago-win mo ang lahat para sa akin?"

"Lul mo, Calvin. Panira ka talaga ng araw. Dun ka na nga!" she exclaimed and tried to push him away but my pest of a brother didn't budge. Halatang nang-iinis na naman.

Outcast HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon