1

7 0 0
                                    



Love is letting go of someone you love and when it comes back its yours to keep. 

Mahal,

Mahal na mahal pa din kita. Kamusta ka na? Okay ka lang ba? Sana Oo. Maraming beses ko pinagisipan ang lahat bago kita sulatan. 

            Maraming beses kong inisip kung tama ba o mali ang gagawin ko. Kung mababasa mo to siguro sasabihin mo sakin na mali to. Pero mahal para sakin eto yung tama kasi, alam ko naman di mo naman to babasahin kaya sana kahit sa sulat lang na to masabi ko lahat di naman importante sakin kung mababasa mo o hindi.

            Ang importante sakin mailabas ko lahat. Kasi, hangang ngayon di pa din ako okay. Hangang ngayon ikaw pa din yung mahal ko kahit ano atang gawin ko ikaw at ikaw pa din. Pero wala na d ba? Tapos na. The end. Wakas. Tapos na yung salitang tayo. Masakit para sakin. Sobrang sakit.

            Kasi sa lahat ng tao ikaw yung pinka nakaintindi sa lahat ng nararamdaman ko. Ikaw yung pinakaminahal ko sa lahat. Ikaw yung kahit anong gagawin ko susuportahan ako, ichecheer ako, maniniwala sakin na kaya ko and ipupush akong tapusin yung mga nasimulan ko. Ikaw yung taong di ako iniwan sa lahat ng nararamdaman ko. 

            Pero hindi na ngayon kasi iniwan mo na ako. Kasi siguro napagod ka na? Nagsawa ka na? Nagsawa ka na ba mahal? Nagsawa ka ba sa mga kadramahan ko? Sa pagiyak ko? Sa mga nasa isip ko na sinasabi ko sayo? Napagod ka na ba makinig sakin? Napagod ka na bang pakinggan yung mga bagay na paulit-ulit kong sinasabi sayo?

            Alam mo ba ilang beses kong pinagdadasal na sana, sana tayo na lang uli. Sana akin ka na lang. Sana tayo  pa din. Ilang beses kong hiniling sa mga bituin na sana dumating yung araw na bumalik ka kasi hangang ngayon ikaw pa din talaga. Mahal naalala mo ba yung araw na nagselos ka sa bestfriend ko?

            Naalala mo ba yung araw na yun? Defense namin yun ng mga case study namin. Di ko alam na nagseselos ka na kasi sobrang busy ko. Halos di ko ginagalaw yung phone ko. Halos di ko tinitingnan yung mga messages mo kahit nagvivibrate yung phone ko.

            Naalala mo ba yun? Ako kasi oo malinaw na malinaw sa memorya ko yung araw na yun. Kasi yun yung unang beses na may pinagselosan ka. Selos na selos ka sa kanya noon kasi bestfriend kami pero alam mo bang hindi naman talaga kami bestfriends. Alam mo ba kung bakit? Kasi para sakin ikaw lang. Ikaw lang yung bestfriend ko. Tyaka alam mo namang kakakilala ko lang sa kanya. Nakalimutan mo ata na hindi ako basta basta nagtitiwala sa tao. Pero kahit ganon masaya ako. 

            Masaya ako kasi kahit sa simpleng paraan naranasan ko na magselos ka. Chill lang kasi tayo eh. Never tayo nagselos sa mga kaibigan ng isa't isa. Actually kahit almost isang taon na tayo never pa tayo nagaway. Ang galing no? Pwede pala yun. Well, nagkakatampuhan tayo pero di ko matandaan na humantong sa puntong nagaway tayo na nagmumurahan tayo ng galit tayo, nagsisihan o sinubukan na maghiwalay. Kasi sabi mo sakin dapat intindihin natin yung isa't isa di ba? 

            Kahit alam mong mainitin yung ulo ko you always try to understand me. You always listen to what I want to say and you gave your opinion on the most  calmest way you can. Mas minahal kita dahil dun. Kasi sobrang haba ng pasensya mo sakin, sobrang maintindihin mo, alam mo kung papaano ako ihahandle, napakalmado mong tao at ako? Ako yung total opposite mo.

Pero kahit ganun minahal mo ako at dahil dun sobrang nagpapasalamat ako sayo.

At dahil din dun sobrang minahal kita at mahal na mahal  pa din kita ngayon.

Salamat sayo mahal. Sobrang salamat.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 27, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Love isWhere stories live. Discover now