It must be Dove

144 7 10
                                    

SAY's P.O.V

"Ahihihi" napahagikgik ako sa kilig habang pinagmamasdan si mylabs sa malayo. Bakit ba ng gwapo gwapo at ang hot hot ng nilalang na to kahit pawis na kaka basketball? 

"Hay nako. Eto nanaman siya. Ang babaeng baliw na baliw kay Dove boy." Bulong ng bestfriend kong si Matunding habang umiiling. "Alam mo Say kung ako sayo um-aura ka na dyan sa dove boy mo at baka maunahan ka pa ng mga babaeng mahaharots!" hirit pa ni Matunding the Butanding. 

Habang ako naman ay busy na busy kakapanuod kay dove boy itakbo ung bola papuntang ring. 

"Shet na malagket naman best! Parang ganun lang kadali um-aura dyan! Baka naman nakalimutan mo na ung embarrassing moment ko kasama siya!" sagot ko kay best pero ang mga mata ko ay nakatingin parin sa napaka gwapong nilalang.  

Kitang kita ko nung hinarangan siya ng 3 kalaban pero dahil nga magaling ang aking dove boy, ayun nakalusot ang papa niyo at nakashoot. SHET! 3 POINTS SHOT! 

"WOOH GO PAPA TROY!!!" - Normal fans 

"I LOVE YOU TROY FOREVER AND EVER!!!" - Die hard fans 

"PAPA TROY PAKAGAT NG PANDESAL!!! Uvhfbvjrbfijrsjkdj HUEHUE!" - Abnormal fans 

At ayan mga kababayan ang sigaw ng single, married, its complicated, in a relationship at kung ano ano pang status sa facebook. Umasa ka na na pag siya ang nasa spotlight, kahit sino o anong nilalang mamangha at mapapatili. Baka nga pati ikaw mangisay sa kilig pag nakita siya.  

At ako? Syempre papahuli ba ko? No wayyy high way! Kahit mahiyain ako kakapalan ko na ang fes ko! Tumayo ako sa upuan ko, itinaas ang dalawang kamay at sumigaw ng,  

"GOOOOOOOOOO DOVE BOYYYYYYYY!!!" \(^____^)/  

Oh diba? Unique! May endearment! Haha! Ang lakas ng loob kong mag tititili eh, pero oks lang yan di naman niya maririnig. Dami kayang sumisigaw. Ang goal ko lang naman ay magpalabas ng kilig! Hihihihi <": 

Pero muntik na kong mahulog sa kinakatayuan ko nung bigla siyang lumingon sa way ko at tumingin sakin. . . . . .  

Teka sinabi ko bang SA AKIN?! *......Dug... Dug.... Dug...... Dug........ Dug...... Dug........ *  

Nag ihip siya ng hangin papunta sa itaas ng buhok niya at pinasadahan ng palad niya. Kitang kita kung pano nag flex ung muscle niya at ung buhok niya... ung buhok niya!!! Yung buhok niyang ang sarap hawakan at lamasin!!! tsanggala! Yan ung infamous *make all the girls swoon move* niya! Nag smirk siya kaya namula ako bigla at naalala ko tuloy ung embarrassing moment ko kasama siya na nag bunga ng pagtawag ko sa kanya ng dove boy!

*flashback* 

" Lalalala~ Do you wanna build a snowman? Si Maan mukang Batman" pangaasar ko kay Maan.  

"Letche ka Say makinig ka sa kwento ko!" Sigaw ni Maan. Kasalukuyan kaming nasa locker area at hinahanap ko ung libro ko sa Physics. Ba't ba kasi ang kalat ng locker ko kaya tuloy hinde ko mahanap. Halos ipasok ko na ung ulo ko sa loob ng locker. Nagkukwento pa si Maan ng kung ano-ano. Ng biglang mapasok sa usapan si Troy. Ang campus heartthrob. 

" Bakit kaya wala pang girlfriend si Troy?" tanong ni Maan. 

" Baka naman inaantay ako. HAHAHA" pa joke kong sabi.  

" HEHE. JOKE BA YUN? SIge pagbigyan. Libre naman mangarap." 

" Sama mo! F.O na ituuuh!" Nag tawanan kami habang hinahalungkat ko pa din ung locker ko.  

"Ang gwapo talaga ni Troy no? Napaka perfect niya. Matalino, gentleman, matangkad, maputi, matangos ang ilong, ang ganda ng katawan, chinito at ang pamatay sa lahat ung buhok niya. Nakaka attract talaga. Ung tipong ang sarap hawakan ng buhok niya sa sobrang lambot. AT ang malupet sa lahat... ano kayang gamit nyang shampoo?" curious kong tanong. Ano kayang shampoo gamit ng gwapong nilalang na yun? Magamit nga! Mwhahaha >:D Ayun! Nahanap ko na ung libro ko sa Physics! Kinuha ko yun, sinara ang locker at hinarap ang bestfriend ko sa kanan na nakatulala. 

It must be DoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon