Chapter 10

51 7 3
                                    

Chapter 10 : Regrets

Dwayn's POV

"Your thinking about her...again"sabi sa akin ni Joshua. Im missing that girl.

"Gusto kong makipagbati sa kanya"sagot ko habang nakatingin sa ibaba ng bintana kung saan tanaw ko si Adrienne. May hamog pa ang bintana kaya pinunasan ko ito.

Ilang araw na kaming di pumapasok sa bawat subject,why? Dahil un ang patakaran sa school,lalo na sa mga freshmen ng mga bampira.

2 weeks ang itinatagal nito dahil sa dalawang linggong iyon,makakaipon kami ng lakas at pagsasanay.

Nandito kami sa isang napakalaking espesyal na kuwarto sa itaas ng university kung saan nakikita ang buong kapaligiran. Kapag lumabas kami dito nang hindi natatapos ang dalwang linggo,ay maaring masunog ang mga balat namin at maging abo.Kung lalabas man kami ay limitado, isang beses lamang sa isang linggo at may oras.

Gusto kong magpaliwanag sa kanya.Namimiss ko ang bawat ngiti.

Pero itinakwil nya ako sa tuwing kakausapin ko sya. Alam kong hindi madali sa kanya lalo nat alam kong nahuhulog na kami sa isat' isa.

"Di lang sya...pati si Rex. Ang walang hiyang Rex na yon!"sabi ko kay Joshua. Inigaw naman nang pananalita ko sila Rede,Andrew at Celine.

Nabalot ng katahimikan ang kuwarto.

2 araw nalang ang natitura at pwede na kaming makalabas sa kuwarto na ito.Hindi kasi kami pwedeng mainvolve sa labas hanggat di pa natatapos ang 2 linggo.

"Pssh. Di pa ba pwedeng lumabas sa kiwarto na to? Nakakbagot!"nagsalita si Cristine at naagaw nya ang atensyon namin.

"Di pa nga eh! Magtiis ka nalang o kung ayaw mo,sige lumabas ka nang masunog yang katawan mo!"sigaw sa kanya ni Rede.Lumabas na kasi kahapon kaya hindi na maari ngayon.

"Tss...were starving for two weeks,di naliligo,di--"pinutol ito ni Rede na syang ikinatahimik ng lahat.

"Oo na,wala tayong ginawa dito sa kuwartobg to kundi magkulong ng dalawang linggo! Dalawang araw na lang oh!"sabi ni Rede. Kahit anong gawin mong pagrarason sa kanya,magtatapos ito dahil palagi syang sumasagot ng patapos.

"Kung di lang kasi ako bampitlra eh sana magkasama kami ngayon ni Abigale. Gago,bwisit!!"sinipa ni Joshua ang lamesa sa tabi nya at nagsimulang uminit ang ulo.Nakasabi pa ito ng ilang mura.

Tama sya,kung hindi lang sana kami bampira sana kasama na namin ngayon ang mga mahal namin.

Ikinuyom ko ang kamay ko at pinagsususuntok ang pader ng ilang beses para lang mailabas ang sama ng loob ko.

"Joshua,Dwayn! Tama na,walang natutuwa sa ginagawa ninyo!"awat sa amin ni Andrew. Purket wala ka lang mahal,parang ang dali-dali na sayo?

"Bakit? Di ka pa ba nasaktan ng ganito? Gusto mo ba tikman?"pagbabanta ko kay Andrew.

Hindi ko na yata mapigilan ang aking emosyon nang nasuntok ko ito at pumutok ang mga labi nito at napaupo. Nakangisi pa ito nang tumayo.

"What the....want a reply?"tanong nya sa akin.

Mabilis itong nawala sa aking paningin at bigla na lang may sumuntok sa likod ko. Napahandusay ako sa sahig at unti-unting nandilim ang mga paningin.

Tunay na nagpapalakas nga sya dahil mas lalo itong lumakas.

"Anong lasa,Dwayn? Sweet? Bitter?or Hell?"rinig kong boses ni Andrew at naaaninag kong nakatingin sa akin. Nakarinig naman ako ng mga boses na umaawat sa amin.

"Andrew? Was he testing me? Hell? Did you literally change or somewhat by the energy? Well ipapatikim ko sayo nang malaman mo ang lasa!" sabi ko sa isip ko bago tuluyang nawalan ng malay.

Adrienne's POV
Nandito ako ngayon sa garden sa likod ng academy. Maaga at mahamog pa. Gusto ko ring makalanghap ng simoy na hangin.

Binalot ang aking katawan ng napakalamig na hangin,napahawak ako sa aking mga braso,"Ang lamig!... Dwayn...babalik ka pa ba? Pinapatawad na kita...bakit kasi ha?"sigaw ko sa ere.

Napagtanto ko na ilang araw nang hindi pumpasok si Dwayn pati ung grupo nila.

Gusto ko syang mayakap sa ganitong kalamig na panahon,pero anong magagawa ko? Wala sya rito at higit sa lahat wala naman na syang pakialam.

Parang laro lang lahat sa kanya.

Umupo ako sa may damuhan sa ilalim ng puno.Kasabay ng hangin,ay bumabadya ang aking mga luha.

Napatigil ako ng may huminto sa aking harapan at inalay ang kanyang panyo.

"Rex? Tama?"ang lalakeng Monteheil na mukhang kilala si Dwayn pero sinungaling din ata.

Tumango ito at umupo sa tabi ko.
"Bat ka umiiyak? Panyo?"abot ng kanyang panyo sa akin. Tinanggap ko naman ito.

Bakit parang nag-iba ang paguugali nya?

"Hauh?wala"pagtatanggi ko.Ngumisi ito at tumingin sa itaas ng building.

"Kita mo yung bintana duon? May mga bampira duon na nakakulong ng 2 linggo.Mga bagong bampira,naruon sila para magpalakas. Lumalabas lamang sila ng isang beses sa isang linggo. Alam kong may kilala ka duon"mahaba nitong sabi at ngumisi.

Ano raw? Bagong bampira nanduon? Pano naman nya nalaman? Ahhh,kasi naman bampira sya eh. Pero pano nya nasabi na may kilala ako duon? Hayyyst!

"Oo nga pala,may gagawin pa ako.Sige mauna na ako!"binalewala ko nalang ang lahat ng naalala ko na may gagwin pa akong project.

Panay kasi ang emote ko sa kanya,kahit alam kong di na sya babalik at wala na pang pakialam.

Tatakbo na sana ako ng tawagin nya muli ako."Sandali,Suzie!"lumingon naman ako sa kanya at naglakad pabalik.

"Bakit?"sabi ko. Nilapit nya ang mukha nya sa akin na animoy may ibubulong. Napaatras naman ako ng kaunti.

Nanlaki na lamang ang aking mga mata nang...hinalikan nya ako sa labi. Nagiinit ang ulo ko dahil sa ginawa nya.Aaktong sisigawan ko sya nang umalis ito.

"Your happiness!"sabi nito at tumakbo papalayo.

"My happiness? Oh.My.Ghad. your not my happines...iisa lang ang nagpapasaya sa akin. And how dare he kiss me? Wala syang karapatan!! Arrghhhh!" Sigaw ko sa ere habang nakayukom ang aking mga kamay.

Pinunasan ko ang aking labi,nainis nanaman ako nang ang naipunas ko ay ang panyo nya!

"What the? Arggghhh! Humanda ka sa akin bukas...Rex Reinder!!!!" pabagsak kong binitawan aklng kanyang panyo at padabog na naglakad.

Diretso na akong pumunta sa dorm ko at binagsak ang pinto.
Hinanda ko na rin ang mga gamit ko ng PADABOG!

Tumingin ako sa orasan at isang oras na lang ay dapat pumasok na ako.

Dahil duon,pinakalma ko ang sarili ko.Huminga ako ng malalim ng tatlong beses,kinuha ko ang phone ko at nagpatugtog.

"Sa wakas,no stress,no pain,no sufferings....lets do this Adrienne Suzie Reyal!"sabi ko at nagsimulang gumawa ng project.

ELieve Vermont AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon