Prolouge

0 0 0
                                    





Ilang oras ba sila mag g-getting to know each other, jusko!

Slum book lang ang peg ng getting to know each other nila maygaddd!

Naiinip na ako sa sobrang tagal nilang mag usap, at ubos na ang pangalawang ice cream ko

Kaya Kinalabit ko si kaye

"Uyy hindi ka pa ba tapos jan? Ubos na kinakain ko"

Bumulong naman siya sa akin

"Naka dalawang cup ka na ng ice cream a"

Eh sa naiinip na ako e

"Oo pero naiinip ako kaya gusto ko pa ng isa"

Tumawa naman yung ka date ni kaye, okay wala namang funny sa sinabi ko a

"Ganon ba? Sige wait order lang ako ng ice cream ulit, ikaw kaye may gusto ka pa?"

Agad namang umiling si kaye sa kanya

"Ahh wala na"

"Okay sige"

Aalis na sana siya ng may maisip ako

"Wait! Pwede bang dalawang cup na bilhin mo since ayaw naman ni kaye eh"

Siniko naman ako ni kaye, pero yung ka date niya tumawa ulit

"Oo naman sige same flavor din ba?"

Tumango na lang ako bilang sagot, ng makaalis na siya, bigla naman akong pinalo ni kaye sa braso

"Gaga ka!! Nakakahiya jennie"

"Anong nakakahiya sabi mo sumama ako dahil sagot naman ng ka date mo lahat"

Napa face palm na lang siya sa sinabi ko

"Oo nga pero abusado ka naman ata friend"

"Hindi ako abusado, tandaan mo kaye may Advantage at disadvantage ang pagiging third wheel ko okay"


Sabay kindat sa kanya



Hi I'm Jennie Vasquez at ako ang Third wheel ng date mo! 😉

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 20, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Third wheelerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon