Chapter I

35 6 0
                                    

  "It's like I'm thirteen again and he's my crush. All I'm aware of in this entire roomful of people is him. Where he is, what he's doing, who he's talking to."
― Sophie Kinsela, Remember Me?

***

Stalker

2012

Isabela

"Girl! Bilisan mo na! Kelangan natin siyang maabutan!" Pilit kong hinahatak si Marlon. Ang bakla kong kaibigan. Ang bagal niya kasing maglakad. Samantalang hindi na ako magka ugaga aa kakamadali.

Papunta kami sa Main Building. Doon kasi nagka-klase yung crush ko. Si Luis Miguel Villareal. Oh diba! Pangalan pa lang pamatay na. Parang bida sa isan pelikula.

Matagal ko na siyang crush. Freshman pa lang ako. I'm on my third year of college so tatlong taon ko na din siyang pinag nanasaan. Haha! Fourth year na siya. Nakaka lungkot nga kasi next year hindi ko na masisilayan ang mala artista niyang mukha.

My name is Isabela Mendez. Nothing fancy. Normal lang na pangalan. Pero maganda ako. Magandang maganda. Sabi ng Nanay ko. Haha!


Alam ko ang kaniyang schedule. Ka-batch ko kasi nung high school yung student assistant sa registrar. Kaya nakuha ko sched niya.

So alam niyo na stalker ang peg ng lola niyo, but not in a creepy way. Hindi ko naman siya sinusundan hanggang bahay nila noh. Dito lang naman sa school. Meron din ako mga pictures niya. Kinuha ko sa facebook niya. Haha!

"Bakla ka pag di natin siya naabutan isusumbong kita kay Dexter! Napakahinhin mo maglakad! Bilisan mo na." Sigaw ko kay Marlon. Si Dexter naman ang pinag nanasaan niya, este crush niya. Classmate namin.

"Gaga ka talaga! Sinasabi ko sayo isang araw ingu-ngud ngud ko pagmumukha mo sa Miguel na yan!" Naiirita niyang sambit.

Kahit kontra siya sa pag iistalk sa crush ko, palagi niya naman akong sinasamahan, kaya sobrang lab ko talaga ang kaibigan kong to.

Bigla kong tinakpan ang bibig niya. Tumingin ako sa mga estudyanteng mga nakatambay. Baka kasi may nakarinig. Whew! Mukha wala naman. Thank God. Ang ingay kasi ni Marlon.

Hindi ko din siya masisisi kasi palagi ko siyang kinukulit na samahan ako na puntahan si Luis Miguel.

"Wag ka namang maingay. Baka may makarinig sayo. Lika na, dalian mo na please. Lilibre kita mamaya." I said while giving him a puppy dog eyes.

"Ewan ko sayo. Ikaw lang nahihirapan sa ginagawa mo. Lika na nga, baka wala na yun doon." Aya niya sa akin. At naglakad na kami, sinabayan niya na ako sa paglakad takbo.

"Yey! You're the best talaga. Mamaya lilibre kita pero worth 50 lang ah. Wala kong pera eh."

"Sus! Kelan ka ba nagkaroon ng pera?" Pang aasar niyang sabi.

Inirapan ko siya at nagpatuloy na lang sa paglalakad. Wala naman kasi talaga akong palaging pera. Kulang na kulang ang aking allowance.

Natatanaw ko na si Luis Miguel. Nakaupo sa labas ng room, 8:30 am ang klase nila. At sa tinagal tagal ko na siya ini stalk alam kong hanggat wala pa ang Prof nila hindi siya pumapasok sa room.

Buti na lang naabutan ko siya. Masaya na akong pagmasdan siya. Inaya ko si Marlon na maupo sa bench, medyo malayo sa kinaroroonan niya. Baka kasi mahuli kami.

I'm Sorry But I Love HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon