Lango na si Sheena ng alak. May ilang stick ng sigarilyo na siang naubos, pero nagsindi na naman ito ng panibago. Ayaw paawat sa pagtungga ng beer mula sa bote habang umiindayog sa saliw ng maingay na musika.
Ito ang routine ng buhay ni Sheena Oreto pag tumatakas sia sa Oreto Palace. Suot ang itim na wig na lampas tenga lang ang haba. Makapal ang shades ng pulang pulang lipstick sa labi at suot ang malaswang damit na kahit sinong madaanan nito ay mapapatingin ka.
Suki na sia ng bagong bukas na Rendezvous bar na ito na pagmamay-ari ng kanyang pinsan na si Alton. Humanap ito ng pwestong hindi sia makikita ng pinsan.
Madalas sia sa bar na ito para maglasing. Pinipili nia ang sulok na parte ng bar para malayo sa maiingay na umiindayog sa dancefloor. But now, gusto niang sumayaw.
Nakakailang bote na sia ng beer. Dala nia ang credit card sa pangalang Shin Amlis para pambayad na ewan ba sa kapatid niang si Julius kung paano ito nakuha. Na siang ginagamit nia sa pagliliwaliw tuwing tinatamaan sia ng tuksong magwalanghiya.
Sabagay, ano pa bang hindi kayang gawin ng mga Oreto? And as his Ate, walang kakayanan si Julius na suwayin ang mga utos nito o kahit ano pang gustuhin nia. Lalo na pag sinumumpong sia ng toyo. Kundi sarili nia ay baka makapanakit pa sia ng iba. Maging ang kanyang Mummu Odeza ay hindi narin sia kinaya. Kaya tuwing masasangkot ito sa gulo, kaagapay nia ang abuela at kapatid para linisin ang kanyang nagawang kalat. Dahil kung hindi, aasngaw ang baho ng kanilang angkan. Sia bilang Oreto ay hindi dapat mapag-alamang, pariwarang babae.
"Hi miss." Isang lalaki ang lakas loob na lumapit sa kanya.
"Hello jerk." Sa Rendezvous Bar, hindi basta bastang costumer ang mga nagpupunta. Rich kids ang mga suki ng bar na ito. Kundi man anak ng mga mayayamang negosyante, anak ng politiko.
At ang lumapit kay Sheena ngaun ay anak ng Governor ng Cebu.
Si Andrew Ledesma.
Kundi sia nagkakamali, Drug Lord ang ama nitong Governor. Gumagamit din ito ng ilegal na droga at dahil sa impluwensya ng pamilya ay madali itong nakakalusot sa batas.
Ngaun ay naririto sia sa kanyang harapan. Malaswang pinakakatitigan ang kanyang kabuuan. Nakakaramdam sia ng pagkadigusto sa kaharap na lalaki habang mahalay siang sinisimpat nito.
"May I join you?" Aya ng lalaki sa kanya upang saluhan sia sa pag-inom.
"I'm Andrew. You are?" Inilahad nito ang palad sa kanyang harapan.
"Shin." Pakilala nito matapos patayin ang upos ng sigarilyo at abutin ang palad nito.
Sa mga gantong tagpo alam na alam nia kung anong pakay sa kanya ng lalaki. Ngaun palang ay nanginginig na ang kanyang laman upang puntiryahin ito.
At hindi nga ito nagkamali. Pwersahan siang inilabas nito sa bar at ipinasok sa isang motel na malapit dito.
.
.
.
.
.
.
.___
"Hello, Julius. In Hayte Inn. Room 583."
3 am
Naabala si Julius mula sa kanyang mahimbing na pagkakatulog dahil sa isang tawag mula sa kanyang ate na si Sheena. Dalwang taon lang ang pagitan ng magkapatid. Sheena's 24, he was 22. Sa tawag na iyon ni Sheena, mukang may nagawa na naman ito.
YOU ARE READING
Beautiful Revenge (Oreto Clan)
Misterio / SuspensoPano mo ipagtatanggol ang iyong sarili kung mismong sarili mo na ang iyong kalaban? (Sheena Oreto's story) _eiliehan