ARA P.O.V
"TINATAMAD na ako!" sabay tayo ni Karen mula sa desk niya. Nag-e-edit kasi kami ng video na ipre-present namin na thesis sa panel next week. Napabuga ako ng hangin at napa-unat na din. Magka-team pa din kaming apat sa thesis, kahit sina Danna ay binitawan na din ang hawak na mouse at mga lectures.
"Mamaya naman guys, pagod na ang utak ko eh. Feeling ko isang libo ng neurons ang namatay sa akiN," nguso din ni Danna.
"Gusto mo tirikan natin ng kandila?" pang-aasar ni Karen.
"Tigilan mo ako Karen kung ayaw mong ikaw ang pagtimplahan ko ng kape!" irap din ni Danna. Wala na silang lakas na gumawa ng thesis pero may lakas sila na magtalo. "I have a suggestion guys, relax nalang muna kaya tayo? Mag-mall tayo!"
Nagkatinginan kami, not a bad idea. "Tara! Gutom na din ako eh!" sabi ko. Saglit lang ay sakay na kami ng kotse ni Karen at papunta na ng mall. Dumaan muna kami sa ice cream parlor at kumain ng paborito ko.
"Billiards tayo!" yaya ni Danna. Sumunod naman kami sa kanya. Pasakay na sana kami ng elevator papunta sa fifth floor ng mall nang mapahinto ako.
"Oh! Si Kuya Jeff 'yun di ba?" anas ni Karen habang sinusundan namin ng tingin sina Kuya at Ate Mia na palabas ng grocery. Sumikdo ang dibdib ko, feeling ko, di ako makagalaw habang nakikita ko silang masayang nag-uusap.
"Teka, di ba last month lang umalis ang Kuya mo? Himala naman yata, nakabalik na agad siya," tugon din ni Loriele.
"Baka namiss ang nobya, tingnan mo nga oh! Perfect match!" sabi ni Karen.
Lihim kong nakuyom ang kamao ko, tumalikod na ako. So he's here? Or baka hindi naman talaga siya umalis? What the hell! Parang pinupunit ang puso ko! Why did he lied?
"Oy! Di mo manlang ba lalapitan ang Kuya mo?" habol nila sa akin. Di ako nakapagsalita. Tuloy-tuloy lang ang paglalakad ko.
"Sandali lang naman Ara! Hintayin mo naman kami!"
Hanggang sa marating ko na ang CR ng mall. Agad akong pumasok, tumulo na yung luha ko, ang sakit-sakit. Parang sasabog na din ang utak ko, I gasped on my chest kasi di ako makahinga. Bakit parang ang sakit? Bakit ganito?! Ilang minuto akong tahimik na umiyak sa loob, prang pinipiga ang puso ko.
Pinilit kong kinalma ang sarili ko bago lumabas, my knees shaking pa din. My hands are cold—I keep on reminding myself that I don't have any freaking right to feel this way. Wala ako sa lugar, walang karapatang magdamdam.
Napanganga sila sa akin nang makalabas na, bakas ang pag-aalala sa mga mukha nila at masusi akog tiningnan. "Ano bang nangyayari sayo? Bigla-bigla ka nalang nagpapahabol!" sikmat sa akin ni Danna.
"Ihing-ihi na kasi ako eh," sabi ko nalang.
"Ang weird mo! Tara na nga! Laro na tayo!" sabay hila sa akin ni Karen. Pero wala na ako sa mood, gusto ko na ngang umuwi eh. Di kasi mawala sa isip ko yung ideyang andito na pala si Kuya pero di manlang siya nagpasabi. Sana naman kung hindi siya talaga umalis, hindi nalang siya nag-sinungaling sa akin. Hindi ko naman siya pinipigilang mag-stay dun kay Ate Mia.
"Guys, I think I need to go home," pahayag ko. "Medyo sumama yung pakiramdam ko eh."
"Halata nga, ang tahimik mo eh. Oh tara na."
"Mauuna nalang ako, dito nalang kayo. I can manage."
"Are you sure?" Loriele asked.
I nodded at umalis na. Para akong lutang habang pa-uwi. I hate this feeling, ano naman kasi ngayon kung mag-kasama silang dalawa? Natural lang naman 'yun kasi girlfriend niya si Ate Mia. Wala akong karapatan na masaktan o magtampo—pinsan lang niya ako...

BINABASA MO ANG
Forbidden Love
RomantikMagpinsan silang dalawa pero lasing yata si Kupido nung mga panahong yun at napag-tripan niyang magpakawala ng pana sa kung saan lang at aksidenteng natamaan silang dalawang magpinsan. Sinubukan ni Ara na pigilan ang sariling nararamdaman sa half...