01.
Rain meets Korea
Shane's Point of View
Napa-iling na lang ako habang nakikita kita na parang tangang kinakausap ang sarili mo habang nakangisi. Pasalamat ka beshy kita kung hindi kanina pa kita inwanan dito sa Incheon International Airport. Paano ba naman kasi bes, kung makatawa ka para kang tanga at handang handang pumatay. Pinagtitingan na tayo ng mga tao at kada may mga Koraenong nadaan at tinatanong ako..
"Miss, do you know that girl?" Tanong ng isang ahjumma na English speaking.
Agad akong ngumingiti at umiiling, "This is the first time I've seen that girl." Nakangiti kong sambit sa mga mag-tatanong kung kilala ba kita.
Pero, oo, kilala kita. Lintek kang bruha ka gusto ko lang ng isang mapayapang bakasyon sa South Korea pero ikaw, ito ngayon, talagang pinaplano mo kung paano mo pag-hihiwalayin ang hate na hate mong otp.. Ang Yoonmin. Hindi ko ba alam sa 'yo kung bakit ayaw na ayaw mo sa otp na 'yan eh ang cute cute kaya ni Yoongi at ni Jimin!
Ako nga pala si Shane Perez, ako ang beshy mo na sinamahan ka sa kahibangan mo papuntang Korea. Beshy na tayo simula pa lang tayo ay mga Grade 1. Sabay tayong niregla, sabay tayong nag-fangirl pero lintek kung papatay ka ng tao wag mo na akong isabay.
"Shane~" Nakangiting sambit mo at bigla kang kumapit sa aking braso na tila ba excited na excited ka sa plano mo kung paano mo kakatayin ng buhay si Yoongi dahil sa pang-aagaw niya kay Jimin sayo. "Ayon sa aking source ngayon daw ang balik ng BTS mula sa Japan galing sa kanilang concert!" Tuwang tuwa sabi mo habang nag-tatalon talon pa.
At totoo nga, kitang kita natin mula sa kinakatayuan natin ang mga fansite noonas na handa nang kuhanan ng litrato ang mga iniidolo mo. Oo, fan din ako ng BTS pero beshy hindi kasing lala mo!
At yun nga, nag-simula na ang mga matitinding sigawan ng mga tao. Andyan na ang BTS. Nag-sitayuan na ang lahat para maki-gulo, para masilayan at para makuhanan ng picture ang BTS. Sunod sunod sila at sobrang tindi ng security kasi walang sino man ang maka-daan. Unang naglakad si RapMon, sumonod naman si Seokjin na mukha talagang pak na pak kay Kuya mo Namjoon! Sunod si Jhope na mukhang hindi nagustuhan ang nangyaring pagkakagulo. Siguro stress to.
Napa-hiyawa ako ng very light, kasi naman beshy ko. Alam mo naman kung gaano ko ka-crush si Jhope!! Sumunod na lumabas ang taekook.
Hinihintay ko ang matinis mong pag-tili kasi beshy, ship mo ang taekook. Ewan ko ba sayo nakaya mo namang maging ship ang taekook bakit hindi mo kayang i-ship na din ang yoonmin! Ay oo nga pala feelinera ka kasi na sayo si Jimin! Tse!
Lumingon ako kasi nag-tataka ako kung bakit hindi ka tumili kasi duh, otp mo dumaan sa harapan natin na magkayakap tapos hindi ka man lang tumili. Lumingon ako para tanungin ka kung hindi na ba taekook ang otp mo pero putangina ako ang napatili kasi wala ka na sa tabi ko. Nag-taka ako lalo nang ang buong Incheon Airport ay nabalot ng katahimikan. Tangina kinutuban na ako ng masama.
"Who the fuck is she?"
"Why is she hugging him?!"
"How dare she?!"
Putangina buti nakaka-intindi ako ng mababaw na Korean kaya alam kong may minumura na 'tong mga fansite noonas na 'to. Dahan dahan akong lumingon at napa-nganga ako sa nakita ko.