Chapter Two: The Big Showdown
“Good morning Julia!” Bati ni Kath pagpasok na pagpasok pa lang ni Julia ng gate ng school nila. Sumunod naman kay Kath ang mga kabarkada nilang sila Neil, Diego, Kiray, at EJ. Pinakahuli namang dumating si DJ. “Good morning guys,” bati naman ni Julia.
“Sabay na tayong pumunta ng classroom?” Yaya ni DJ. Napangiti naman lahat at nagsimula na silang lumakad papuntang room 204. Nagtatawanan pa sila pagpasok nila nang biglang harangin ng ‘The Divas’ ang barkada.
“DJ! Good morning,” sabi ni Vangie na panay ang ngiti habang kumakaway-kaway pa na parang kasali sa Miss Universe sina Aria at Coleen. Kumaway lang si DJ at umiba ang ekspresyon ng mukha nilang tatlo pagharap nila sa ibang tao sa barkada.
“Julia,” sabi ni Vangie. “Hindi dahil inulan ka ng palakpak kahapon eh mas magaling ka na sa’kin,” madiin niyang sabi na parang nananakot. “Tama! Alalahanin mo, wala pang nakakatalo kay Vangie!” Bwelta naman ni Coleen.
“Okay?” Sabi ni Julia na parang patanong kasi di niya magets kung anong pinapahiwatig ni Vangie. Natawa si Vangie sa reaksyon niya at biglang naging seryoso ulit ang mukha after a matter of seconds. “Para matunayan ko yun sa’yo, hinahamon kita na mikpag-showdown sa’kin.”
“HA?!!” Gulat na gulat si Julia sa sinabi ni Vangie. Natawa sina Aria at Coleen, parang alam nila na yun ang magiging reaksyon niya. “Ang—” di natapos ni Julia ang sasabihin niya nang nagsalita bigla si Kiray.
“Ang ganda ng idea mo! Game na game si Julia diyan! Diba, Julia?” Tanong ni Kiray kay Julia na parang nanginginig pa ang boses. Kinabahan si Julia, dahil sa sabi ni Kiray mukkha di na siya makakapag-back out. “Ah, sige! Game ako diyan!” Sabi ni Julia na nag-aastang siga pa.
“Pwes maghanda ka nang matalo, loser. Ngayong Friday natin gagawin yan. Sige, bye,” sabi ni Vangie at tuluyan nang bumalik ang tatlo sa mga upuan nila.
Halos di makapagsalita si Julia dahil sa kabang nararamdaman niya. Hanggang recess nila, di niya parin matanggal sa isip niya ang showdown na pinagsasasabi nina Vangie, Aria, at Coleen.
“Julia, okay ka lang ba? Di ka yata nagsasalita. Nilalagnat ka ba?” Tanong ni Diego sabay hipo sa noo ni Julia nang naupo ang barkada sa usual table nila sa cafeteria. Napatingin si Julia sa mga tao sa cafeteria pati na din sa stage. “Hindi, wala, ayos lang ako,” pagsisinungaling ni Julia.
“Di mo parin ba maalis sa isip mo yung showdown na sabi ni Vangie?” Tanong ni DJ habang pasulyapsulyap sa katabi niyang si Julia. Tumango lang si Julia at halatang kinakabahan parin.
“Ikaw naman kasi, Kiray, um-oo ka kaagad di pa nga natin alam kung gusto nga ba talaga ni Julia,” sabi ni Neil habang nakatingin kay Julia na nakayuko parin.
“Okay lang yun,” sabi ni Julia bago sumubo ng pagkain. “So anong kakantahin mo, Julia?” Tanong ni EJ habang kumakain. “Di ko alam eh, wala akong maisip,” sabi ni Julia.
“Gumawa ka kaya ng original composition?” Suggestion ni Kath na panay ang ngiti. “Di ko yata makakaya yun, three days na lang Friday na!” Sabi ni Julia.
“Tutulungan ka naman namin eh,” sabi ni DJ habang inilalapit ang mukha niya kay Julia. Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Julia… Kinikilig ba siya? Hindi, hindi pwede yun!
Umiwas na lang ng tingin si Julia at tumingin kina Kiray. “Talaga?” Hopeful na tanong nito sa barkada.
“Of course, mga kaibigan mo kami eh,” sabi naman ni EJ at napangiti lang si Julia.
~
Friday na… at lunchtime na.
“Argh, di ko naman alam na ito susuotin ko!” Reklamo ni Julia paglabas ng girls’ CR.
“Ano ka ba, girl, bagay na bagay kaya sa’yo!” Compliment ni Kiray na hangang hanga parin sa ganda ni Julia.
Naka-sleeveless si Julia at naka-skirt na super iksi. Naka-flat naman siya na sandals. “Kasi naman, di ako sanay sa mga ganito eh!” Reklamo ulit niya habang hinihila pababa ang palda niya.
“Schoolmates!” Nakita nina Kath, Julia, at Kiray na nasa stage na sina Vangie, ina-announce ang showdown nila. Napakaganda ng mga damit nila, nakakasilaw, at halatang mahal ang pagkakabili. “Today, may surpresa kami sa inyo,” sabi ni Coleen na mukhang excited na excited pa.
“Oh, ready na kayo?” Tanong ni DJ na biglang sumulpot sa likod ng tatlo. Nakaayos din si DJ, tutugtog kasi siya ng piano para sa performance ni Julia. Bigla siyang natulala nang nakita niya si Julia… di niya akalaing ganun pala siya kaganda. Mas maganda pala siya pag nakaayos.
“Ah, kinakabahan pa rin,” sabi ni Julia na naiilang sa kinikilos ni DJ. Bigla naman natauhan si DJ nang nagsimula na sina Vangie. No denial, maganda ang performance nila.
“Matatalo yata ako nito,” sabi ni Julia na halos maiiyak na. Ang ganda kasi ng kanila Vangie, pangsayaw yung theme. Sa kanila naman, mellow. “Sus, wag kang ganyan, alam namin ni Kiray na mananalo ka!” Pang-e-encourage naman ni Kath.
Nakita nila na nag-bow na ang tatlo. “Tayo na,” sabi ni DJ kay Julia. Sabay silang pumunta sa harap. Si DJ, pumwesto sa may piano, at si Julia, sa center stage. Napasigaw ang ma students pagdating nila, di alam ni Julia kung pagcheer ba yun o kantyaw.
Nagsimula nang tugtugin ni DJ ang piano katulad ng napraktisan nila. Dahan-dahan, mahina lang, mellow…
“Here I am, once again.
Feeling lost, but now and then.
I breathe it in, to let it go.”
Biglang may naisip si Julia. Humarap siya kay Daniel, at sinenyasan niyang medyo bilisan ang tempo ng kanta. Sinunod naman ni DJ ang sabi ni Julia, at habang bumibilis ang tempo eh dahan dahan namang nagkakaroon ng confidence si Julia. Sinimulan niyang sayawin ang tinuro na sayaw nina Kath at Kiray sa kanya.
Tumingin si Julia kanila Kath at Kiray, na halos namamaos na kakacheer. Pati ang audience, napapasayaw na rin. Nakita naman ni Julia sina Vangie, na mukhang naiinis na. Basta si Julia, sumayaw lang siya na parang nasa sarili niya siyang concert.
Pagkatapos niyang kumanta, pinuntahan siya ni Daniel at nagyakapan silang dalawa. Di alam ni Julia pero ginusto niya ang yakap ni DJ… at ganun din ang naramdaman ni DJ kahit alam nilang medyo awkward at mali.
“Sorry,” sabay nilang sabi. Naunang naglakad paalis si Julia, nang natisod siya at natumba.
“Nakooooo!” sigaw ng mga students. Ang iba, natatawa pa.
“Julia!” Sigaw ni DJ sabay takbo kay Julia kasama sina Kiray, Kath, Diego, EJ, at Neil.
Nakarinig si Julia ng tawa. “Oops, sorry. Di ko sinasadya,” pagkatingin ni Julia sa taas, nakita niya sina Vangie.
Di na naiwasan ni Julia ang umiyak. Tumayo siya at tiningnan nang galit si Vangie, at tuluyan nang umalis.
Tumingin si Dj kay Vangie at iiling iling pa. “Julia!” Tawag naman ni DJ bago pa sinundan si Julia kung san man siya nagpunta.
-
Naks! DJ to the rescue! >:D<
Abangan ang susunod na update...
- Karen :)
BINABASA MO ANG
Mr. Right? (JulNiel)
FanfictionBagong student si Julia sa San Martin High School of arts. Wala siyang kakilala dito, and like many prestigious high schools eh may mga tinatawag ngang “queen bees” at “heartthrobs”. Can Julia deal with it all?