Chapter One: San Martin High School Of Arts
“Ma, kinakabahan po ako,” sabi ni Julia sa mommy niya habang nasa loob sila ng sasakyan at papalapit na sa bagong school na papasukan niya. Kailangan niyang lumipat kasi nakatanggap siya ng scholarship grant at masasayang lang yun pag binalewala lang nila.
“Normal lang yan, ‘nak. Masasanay ka din, don’t worry,” nakangingiting sabi ng mommy ni Julia. Magkamukhang magkamukha sila ng anak niya, mahaba ang buhok, maputi, matangkad, ang kaibahan lang nila eh may mga kulubot na sa gilid ng mata ang mommy ni Julia.
“Ah, nandito na tayo,” sabi ng mommy ni Julia habang nakangiti pang pinasok ang sasakyan sa loob ng school gate. Napasimangot si Julia at lalo siyang kinabahan. Napakadaming tao, at halata sa mga kilos at mukha nila na super talented sila kaya sila nakapasok sa school na ‘to. Si Julia, scholarship grant lang yata ang rason bakit siya nakapasok.
“Bye, ma,” pagpapaalam ni Julia pagkababa niya ng kotse. Hawak niya ang isang brown envelope na naglalaman ng schedule niya at ng iba pang papers na kakailanganin niya. “Good luck anak,” sabi ng mommy ni Julia bago siya umalis na para sa trabaho.
Naiwan si Julia sa gitna ng field. Tinitingnan siya ng mga tao, at sinubukan niyang ngumiti sa kanila para medyo mawala kaba niya pero wala parn epekto. Dumiretso na lang siya sa classroom niya, Room 204. Manghang mangha si Julia sa ganda ng classroom pagpasok niya. Mga artists nga talaga siguro yung mga tao dun.
Paatras ang lakad ni Julia nang naramdaman niyang may bumangga sa kanya. “Miss, sorry!” Sabi naman nung lalakeng nabangga niya. Mabilis na tumayo ang dalawa at medyo nahiya naman si Julia. “Sorry, sorry talaga,” paumanhin naman ni Julia habang nakayuko sa sobrang hiya.
“Ayos lang yun. Ikaw ba yung bagong student dito sa school?” Tanong ng nakabangga sa kanya. Napatingin si Julia sa kanya sa sobrang gulat. “Ah, eh, oo, ako nga,” sabi ni Julia na nahihiya parin. Ngumiti ang lalake sa kanya. “Ako nga pala si Daniel. Pero DJ nalang itawag mo sa’kin,” sabi ni DJ habang nakipaghskae hands siya kay Julia. “Ako naman si Julia,” medyo nawala na ang hiya ni Julia ngayon. “Welcome to the campus, Julia.”
Maya-maya pa ay dumating na si Ms. Ortega, adviser nila. Magkatabing umupo sina DJ at Julia. Napansin ni Julia na may tatlong babaeng nakaupo sa pinakaharapan na ang bongga ng ma suot. ‘Sila yata ang mga reyna ng school na ‘toh,’ naisip ni Julia na meedyo natatawa pa. Nakita niya pa yung nasa gitna nila na tumitingin-tingin at ngingiti-ngiti kay Daniel.
“Kung mapapansin niyo, mero tayong bagong estudyante,” nakangiting sabi ni Miss Ortega, at nahiya na naman si Julia. “She received a scholarship grant kaya siya nakapasok dito sa school. Narinig kasi siya ni mayor kumanta nung isang party last month. Julia?” Tawag ni Miss Ortega.
Dali dali namang tumayo si Julia at lumakad papunta sa harap. “Good morning, ako nga po pala si Julia Montes. Sana po maging magkakasundo tayo,” sabi ni Julia bago ngumiti nang napakatamis. Nakita pa niyang ngumiti si Daniel sa kanya, na medyo nakawala na ng kaba niya.
“Scholarship grant? Ew! Baka ang poor nila kaya di nila makayanang pumasok dito na sila mismo magbabayad! Baka naawa lang si mayor!” Narinig ni Julia na binulong ng isa dun sa tatlong babae sa mga kasama niya, at napatawa lang yung dalawa.
Dahil medyo nainis si Julia, naging seryoso ang tono niya at muling nagsalita. “Hindi dahil scholarship grant lang ang rason kung bakit ako nandito ngayon eh mahirap kami. Di ko naman sinasabi na mayaman ako, pero I promise to strive hard para makamtan ang mga pangarap ko,” sabi ni Julia habang nakatingin sa mga babae. Inirapan lang siya nung nasa gitna.
Pumalakpak naman ang buong klase. “Very well said, Julia. You can now go back to your seat,” bumalik naman si Julia sa upuan niya confidently. After ilan pang subjects, nagring ang bell. Lunch time na nila. Pumunta ng canteen mag-isa si Julia at nalungkot siya kasi wala siyang kasamang kakain, saka wala na ding table na bakante.
“Julia,” narinig niyang may tumawag sa kanya sa likuran niya kaya napalingon siya. Si DJ pala. “Mukhang wala ka yatang kasamang kakain. Dun ka sa table namin, very welcome ka dun,” sabi ni DJ sabay turo sa isang table ng mga taong nagkakatuwaan. “Mga kabarkada ko yun. Ipapakilala kita sa kanila, dali. Mga kaklase din natin sila.”
Ngumiti lang si Julia at sumunod kay DJ. Napansin siya ng mga kabarkada ni DJ at panay naman ang mga ngiti nila pagkakita nilang sasabayan sila ni Julia sa pagkain. “Ikaw si Julia, diba?” Tanong ng isa na may malaking reading glasses na nakatakip sa maliit niyang mata. Tumango lang si Julia. “Ako nga pala si Kiray, welcome sa campus! Nice to meet you Julia,” sabi ni Kiray kay Julia sabay handshake.
“Ako si Kathryn, pero Kath na lang itawag mo sa’kin,” sabi ng katabi ni Kiray na may mahaba at straight na buhok.
“Sila naman sina EJ, Diego, at Neil,” sabi ni DJ sabay turo sa mga kasama. Kumaway naman ang tatlo as response.
“Julia, wag kang matatakot dun sa ‘The Divas’ ha,” sabi ni EJ nang naupo na sina DJ at Julia. Di alam ni Julia pero pagkaupo niya feel niya magkakabarkada na din sila nang matagal nang panahon.
“Ha? ‘The Divas’? Sino yun?” Tanong ni Julia sa barkada nang nagsimula siyang kumain.
“Yung tatlong babae na muntik ka nang awayin kanina sa classroom. Sina Coleen, Aria, at ang leader nilang si Vangie. Ang baduy ng pangalan noh, ‘The Divas’. Wala na sigurong naisip,” pabirong sabi ni Diego at natawa naman ang barkada.
Susubo na sana ng pagkain si Julia nang may biglang pumigil ng kamay niya. “Ooooh, speaking of the devil,” sabi ni Kiray. Lumingon si Julia sa gilid niya at nakita niya sina Aria, Vangie, at Coleen. Inirapan lang ng tatlo si Kiray.
“Julia, right?” tanong ni Vangie. Natakot bigla si Julia kaya tumango na lang siya.
Humarap si Vangie sa mga students sa cafeteria. “Guys, ano nga ba ang tradition natin dito sa school?” Tanong nito sa mga schoolmates niya. Tumaas naman ng kamay ang isa at nagsabing, “Dapat bago makakain ng first meal dito sa school, may ipapakita munang talent.”
Kinabahan lalo si Julia nang tumingin ulit si Vangie sa kanya. “Oh, narinig mo naman siya diba? Anong talent mo? Siguro wala noh?” Sabi ni Vangie na nag-aasar pa at natawa lang sina Aria at Coleen.
“Syempre wala yang talent! Scholarship grant lang rason bakit nandito yan eh!” Pang-aasar ni Aria.
Nagulat na lang ang lahat nang biglang tumayo si Julia. Pumunta si Julia sa may piano ng cafeteria nila. (oo, merong piano, arts school eh. May stage pa nga hahaha ^^) Umupo siya at nagsimulang tumugtog.
(Pakiplay na lang po nung video sa gilid, kunwari si Julia po kumakanta. Hehe)
“I’ve always been the kind of girl that hid my face.
So fraid to tell the world what I’ve got to say.
But I have this dream, right inside of me.
I’m gonna let it show, it’s time.
To let you know, to let you know.”
Nagulat ang lahat sa galing ni Julia. Di nila akalaing ganun pala siya kagaling. Kitang kita sa mukha ng ‘The Divas’ na napapahiya sila at inis na inis kasi hangang hanga ang lahat kay Julia, ang mga dancers ng school, mga singers, mga pianist, drummers, guitarists, pati ang barkada ni DJ. Higit sa lahat, naiinis ang tatlo kasi kitang kita sa mukha ni DJ na pati siya namamangha rin.
“No more hiding who I wanna be,
This is me.”
Inulan ng palakpak si Julia at di na niya napigilan ang sarili niyang ngumuti pagbalik niya ng table nila. “Oh ano ngayon, Vangie, Coleen, at Aria? Ang galing ni Julia noh? Di katulad niyo na puro arte lang ang nalalaman!” Sabi ni Kiray pagdating ni Julia. Natawa lang ibang kabarkada niya habang inis na inis na umalis ang tatlo. Tumawa na lang din si Julia bago siya pinraise ng mga bago niyang kaibigan at pinagpatuloy ang pagkain.
-
Later po sa story mapapansin niyo po na puro Camp Rosk songs gagamitin ko. :D
Fan na fan po kasi ako ng Camp Rock, hehehe. Thank you for reading!
- Karen :)
BINABASA MO ANG
Mr. Right? (JulNiel)
FanfictionBagong student si Julia sa San Martin High School of arts. Wala siyang kakilala dito, and like many prestigious high schools eh may mga tinatawag ngang “queen bees” at “heartthrobs”. Can Julia deal with it all?