"Omo? Totoo ba yan?" Gulat na sigaw ni Janella habang napatakip pa ng bibig sa nalaman.
"Pano na kayo?" Biglang singit naman ni Mikee.
"Di ko manlang napag tapat sakanya." Pag mumuryot na sabi ko habang nakapalumbaba.
"Bwisit talaga yang Ressel na yan. Akala mo naman kagandahan." Asar na sabi ni Mikee.
"Baka nakakalimutan mo. Siya ang nanalo last year bilang Ms. Campus." Sabat ni Janella. Na ikinatingin ng masama ni Mikee.
"Ano kaba? Ako na nga itong pinapagaan ang pakiramdam ni Katrina tapos babarahin mo pa ko."
"Wag na kayong mag away. Ayos lang yon. Isa pa. Past is past." Pilit na ngiti ko nalang sakanila habang tumatayo.
"Oh? San ka pupunta?" Gulat na tanong ni Mikee.
"Mag lalakad lakad lang habang di pa nag sisimula ang next class." Ngiti ko sakanilang dalawa.
Ayos na din siguro na hindi ko naamin kay Patrick ang lahat. Isa pa, wala namang kasiguraduhan na gusto niya din ako. Baka sila nga ang nakatadhana hindi kami.
"Pero kahit na dapat ako nalang." Asar na sigaw ko habang nag lalakad sa garden ng school.
"Nakakainis talaga!" Asar na asar kong sigaw sabay sipa sa batong nasa harapan ko.
"Oh?" Napatigil ako ng makita ko nanaman siya. Sinalo niya yung batong sinipa ko kani-kanina lang.
Agad akong napaatras ng dahan dahan ng makita siyang papalapit sakin.
"Masama kang tao." Bigla niyang sabi sa harapan ko.
"Ha? Ano?!" Sigaw ko sakanya.
Yumuko naman siya at tinitigan ako sa mata.
"Bakit ba? Ano problema mo?" Sigaw ko sakanya habang umaatras ng umaatras.
"Nakakatakot kana ah! AH!" Natatakot na sigaw ko at bigla nalang akong nadapa dahil sa bato sa likuran pero-sinalo niya ko...
Yung mga mata niya. Parang may kung ano talaga sa mga mata niya.
"Hindi ko naman sinasadya kung muntik na kitang tamaan." Naiilang na bulong ko habang nakahawak siya sa likuran ko at nakatitig sakin.
"Ayos lang naman kung tamaan mo ko. Pero ang sipain itong pagong--" Bigla niyang alis sa pag kakahawak sakin sabay pakita ng pagong na hawak niya.
"Oww my? Di ko alam na pagong yan. Saka teka! San naman mang gagaling yan?" Gulat na gulat kong sigaw habang tumitingin kung san san.
"Tsk.tsk. Kunyari kapang di mo alam. Mamamatay pagong." Pilantik niya habang tumatalikod sakin.
"Teka. Hindi ko naman talaga alam." Pag pigil ko sakanya. Tumigil naman siya sa pag lakad at tumingin sakin.
"Ibalik na natin siya?" Mahina niyang sabi. Sabay mostrang sundan ko siya.
Bigla naman akong nakunsensiya at sinundan siya.
"Aray." Nabigla kong sabi.
"Ang hirap ng maliit diba?" Pang aasar niya sakin sabay smirk.
"Pwede ba? Ibaba mo nalang jan yung pagong ng makaalis nako." Asar na sabi ko sakanya. "Yabang..." pahabol na bulong ko.
BINABASA MO ANG
Ang Vampire Kong Boyfriend
VampireThis story is dedicated to my Wattpad friends and Fan :') Suggested Title by @Achielle14 Suggested name by; @Katrina9416 @Unknown_Virus_27 Thank you po sa inyo :)