"Arrgh...ang sakit parin ng ulo ko dahil sa nangyari kahapon." Banas na banas kong kusot sa nuo ko habang bumabangon.
Kahit pag balikbaliktarin ko kasi ang mundo. Hindi ko lubos malaman kung pano ko biglang napunta sa harap nung lalaki na yon. Ang layo layo ng pwesto ko sakanya tapos biglang isang pikit ko lang 'Boom!' nasa tabi niya nako. Parang magic.
Napatingin naman ako sa oras at—"8:00 Am Na?!" Bigla tuloy nabuhayan ang dugo ko sa nakita ko.
Patay nanaman ako sa prof namin nito. Agad akong nag bihis. Ok lang naman siguro ang amoy ko kahit di maligo diba? Haha. ~\(≧▽≦)/~
"Kumain ka muna!" Hiyaw sakin ni Mama kaya naman napa tingin ako sandali sakanya habang nag sasapatos. "Hindi na Ma. Late napo ako eh."
"Need a ride?" Gulat na napatigil ako ng makita ko siya sa harap ng bahay namin.
"Ba-Bakit ka nandito?" "Sino ba yan nak?" Gulat din na tanong sakin ni Mama. Pag nakita siya ni Mama patay ako. Ayaw niya pa naman ng may manliligaw sakin.
"Hello po. Good Morning." Ngiti niya habang magalang na bumati. Aba lumapit pa siya kay Mama at nag mano.
"Aba. Katrina di mo naman ako nainform na may boyfriend kana?" Kunyaring ngisi sakin ni Mama habang pinipigilan ang galit. I'm dead.
"At gwapo pa." Biglang ngisi ni Mama. Na ikinabalik ko ng tingin sa kanilang dalawa.
Di ako makapaniwala. Naka ngiti si Mama habang nakatitig kay Psyche. Halos bumagsak ang panga ko sa pinapanuod ko.
"Diba late kana? Sige na." Biglang tulak sakin ni Mama.
"Ingatan mo yung anak ko ah." Malambing niya pang sabi kay Psyche. Agad ko namang binaling ang tingin ko sakanya at ngumiti lang siya at nag paalam.
Ang gwapo.
T—eka? Totoo ba'to?
Pinagbuksan niya ko ng pinto at nadala naman ako ng sitwasyon at sumakay sa magara niyang kotse.
Pag kasakay niya di ko napigilang tumingin ulit sakanya. "Nananaginip bako?" mahina kong bulong habang di makapaniwala.
Ang gwapo niya. Haha! Feel na feel ko naman masyado itong malaromance kong panaginip.
Ok Katrina. Wake up. May pasok kapa.
Natatawa kong concentrate habang pumipikit. Pero pag mulat ko ng mata. Andito parin ako sa loob ng sasakyan niya. Habang napakacool niyang mag maneho.
What's happening? Di ko na kinaya ang intense nung nararamdaman ko.
"Hmm?" Gulat na tingin ko sakanya ng itigil niya ang sinasakyan namin.
"Bakit ka tumigil?" Nag tataka kong tanong sakanya. Pero naka pokerface lang siya habang nakatingin sakin.
"Syempre nasa school na tayo eh." Biglang niyang sabi sabay smirk.
Ang gwapo talaga. Yung mga mata niyang kakaiba na parang may kumikinang sa loob pati na yung mga labi niya habang nakangiti. Para kong may kasamang anghel.
"Paki kurot nga ako—or! Suntukin mo ko yung pinakamalakas mo." Ok tama na ang fantasy girl. Kailangan ko ng gumising bago pa ko mag kagusto sakanya. Like shit—para kong nasa isang love story na book kung san ang bida diba? Yung hinahabol habol ng mga babae. Yung mga ganung eksena tapos ako yung bubulihin dahil ako ang magugustuhan niya. Huh... Nakakatuwa.
"Bumaba ka na nga lang." Natatawa niyang sabi habang bumababa din ng sasakyan.
CANDICE POV
"Sino ba siya sa akala niya? At talagang sinabay niya pa yung babae nayon." Nakakagigil.
KATRINA POV
"Aray!"
"Aray!!!"
"Wait tama na!"
"Oh ano gising kana ba?" Nag eenjoy na tanong sakin ni Janella habang papalakas ang sampal niya sakin.
"I—big sabihin hindi yon panaginip??????????!!!" Nahihiyang hiyaw ko.
"Ang alin?" Sabay na tanong sakin ni Janella at Mikee.
Agad naman akong napatingin sa kinauupuan ni Psyche. Myghad feeling ko nanlalambot ako.
"Teka lang san ka pupunta uy!" Pag pigil sakin ni Mikee pero sa sobrang kahihiyan ko. Parang gusto kong umabsent muna ngayong araw.
Shemay. Pano naman kasi nangyari yung mga yon?
Nakakainis naman...di ko lubos isipin na mangyayari yon sa totoong buhay...
"AAAAHHHHH!!" Napasigaw kong sabi ng di ko mapansin ang hagdan at teka? Parang di naman masakit ang pag kakalaglag ko?
Napadilat ako ng may mga nag bubulungan sa paligid at nag tatawanan.
"Anong nangyayari dito?!" Gigil namang sigaw ni Ressel.
Nun ko lang narealized na nakapatong pala ako kay Patrick. Bigla tuloy akong nailang.
"Ok kalang ba?" Pag alalay niya sakin habang tumatayo.
"Bitiwan mo nga siya!" Asar na hatak naman ni Ressel kay Pat kaya naman naout balance ako at—
BINABASA MO ANG
Ang Vampire Kong Boyfriend
VampireThis story is dedicated to my Wattpad friends and Fan :') Suggested Title by @Achielle14 Suggested name by; @Katrina9416 @Unknown_Virus_27 Thank you po sa inyo :)