Chapter 7(part 1)

1.2K 14 1
                                    

Ilang linggo narin ang nakalipas, ganung routine parin, susunduin nya ko sa trabaho ko at ihahatid at aawayin ako pag nakikita nyang magkasama kami ni Harry, at lagi lang din namn akong nagpapaliwanag. Mula ng una nyang makita si Harry, lagi na siyang nagtatanong sakin kung bakit ganun daw kami ni Harry, gano na daw ba kalalim pinagsamahan namin. Siyempre kwento lang ako ng kwento about sa pagkakaibigan namin ni Harry.

Nandito ako ngayon sa trabaho ko, sobrang damin ginagawa, natural naman yun diba.

May biglang kumatok sa office ko then i let him in, yes expected ko ng si Harry yun. Madalas din siyang pumunta rito pag wala siyang ginagawa.

"oh anong bago?" i asked him ng hindi siya tinitignan dahil nakatuon parin ang mata ko sa trabaho ko.

"wala naman, may dala akong siopao oh" sabay ngiti ng napakalapad, hindi ko rin maiwasang mapangiti dahil napaka sweet talga ng lalakeng to.

"thank you" at dahil sa gutom narin ako, itinigil ko muna ang trabaho at kumain. 

"nga pala hintayin mo ko ha, may kukunin lang ako sa labas" paalam nito, ano naman kaya yun, bat di a niya ipinasok kanina ? baliw talaga yun minsan may katopakan din to eh. then nakita ko siyang may dalang bulaklak, 

"oh para kanino yan " tanong ko sakanya. Aanhin ka niya yan ? ipapatago ba niya sakin para ibigay niya mamaa sa isang girl? sinong girl? girlfriend nya? nililigawan niya? bat di nya sinabi saakin.

"ahh para saakin, isusurprise ko sa sarili ko, sana nga kiligin ako eh eeeeh" pamimilosopo niya, ayos talaga to, tatanungin mo ngbmaayos eh ahy.

"seryoso, may nililigawan ka na ba ? bat hindi mo sinasabi saakin ? anong klaseng------!!!" naputol ang sinasabi ko dahil bigla niyang itinapat saakin ang mga bulaklak na yun, which is kinagulo na utak kong buhol buhol. 

"For you." seryoso nitong sambit, saakin? hhmm siguro bilang kaibigan, siguro pinapasaya niya lang ako dahil stress na ako masiyado sa trabaho, at alam din kasi niyang wala pang nag bibigay saakin ng bulaklak, yes swear, wala pa talaga, ewan ko ba, kahit nung high school and college wala talaga. Pero dami namang pumupuri saaking maganda daw ako. 

"wow! thank you, ikaw talaga, insulto ba to? porke ba wala pang nagbibigay saakin ng buklaklak ganyan kana." alam ko nman kasing walang meaning to eh, kasi nga magkaibigan kami diba, sobrang gwapo naman niya para bigyan ako ng ganito . hehe. pero wala parin namang tatalo kai Renzo, hehe bat ba nasali nanaman siya dito? kabanas lang ha.

"haha, patawa kang nilalang, you deserve to recieve a lot of flowers, kulang pa nga yan eh." teka teka, pakicheck nga ako guys kung ano ng kulay ng mukha ko. bat parang kinikilig ako. NAKU!!! teka calm down Len, masanay ka na , ganyan naman talaga siya diba kahit kanino. haaaay.

"kahit kelan talaga, hhmm thank you" yan nalamang ang nasabi ko. baka kasi mautal utal ako kung aawayin ko pa siya.

"hahaha!!! aguy! kinikilig!" ha??! trip niya lang ba to? kainis to! binatukan ko tuloy siya ng di oras.

"lumayas ka na nga dito! kainis ka!" pouty lip kung sabi.

"ang cute mo talag. haha" badtrip! kainis .

" cute is for dog! layas!"

"haha! ok fine, sabay tayo lunch ha. bye" then lumapit siya sakin tooooooo

KISS me on my cheek. OMG! ano ba to! haaaay, inirapan ko lamang siya at tumalikod na. 

ng maramdaman kong nakalabas na siya ay dun na ako nag wala, nagwala sa kilig.

"OMG! anoi bang nangyari? panaginip ba to ?! sana nman hindi"

natapos ang buong araw ng trabaho ko ng may bakas parin ng ngiti sa mukha ko. andito ako ngayon sa labas to wait for Renzo, hawak ko parin ang flowers na bigay saakin ni Harry, ayaw ko namang itapon to, first flower ko to no.hehe

Natatanaw ko na si Sir Renzo, hanggang sa tumapat na siya saakin. pumasok ako sa kotse ng may malapad na ngiti. Nakita ko naman siyang nakakunot nuo kaya hindi ko naiawasang magtanong.

"may problema ba?" nakakapagtaka naman kasi eh. habang ako masaya tapos siya hindi, eh pag sinusundo niya ko, lagi namang nakangiti yan pero ngayon iba eh. napansin ko ring masama ang tingin niya sa hawak kong bulaklak. "ahh bigay ni Harry, ganda noh." pagmamayabang ko sakanya.

"Tsk. ang pangit! bakit ka niya binigyan ng ganyan ?" ayan nanaman siya umiral nanaman kasungitan niya.

"ewan ko, hindi naman na mahalaga yun eh, ang mahalaga eh sa wakas nakatanggap na ako ng flowers mula sa gwapong nilalang" hindi ko mapigilang kiligin kaya nag giggle pa ako.

"tsk, hindi nakakakilig, nakakabuisit lang, ang corny niya, ang o.a! walang originality. and what? ngayon ka palkang nakatanggap niyan? well, hindi naman nakakapagtaka eh." ha? aba ang yabang , anong ibig niyang sabihin dun ? 

"anong ibig mong sabihing di nakakapagtaka ha? are you saying na im ugly?!"

"ikaw nagsabi niyan hahaha!!" nang asar lang siya ng nangasar. walang katapusang pangaasar hanggang sa makarating na kami sa condo.

Change my Last NameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon