Chapter 7(part 2)- First Kiss

1.3K 21 0
                                    

Andito na kami ngayon sa condo, ginagawa ang dapat gawin, kakatapos ko lang magluto ng dinner, at ngayon ay ready na ang pagkain.

"Sir Renz, kain na. kung ayaw mo pwede rin naman. " tawag ko rito. agad naman siyang pumunta sa dining at sinimulang kumain.

"Umiinom ka?" seryosong tanong nito habang kumakain.

"Ha? ng alin?" tanong ko rin, malay nyo softdrinks diba, napapansin ko lang ang pagiging seryoso niya ngayon. Siguro pagod sa trabaho, o baka naman, busted. BUWAHAHA!

"Ng suka, subukan natin lumaklak ng suka, paramihan tayo, tignan natin kung sinong tatagal." seryoso nitong sagot.

"kahit anong klaseng inumin na alcoholic, hindi ba? after this iinom ako, gusto mo akong sabayan?" tuloy nito. Mula ng tumira ako dito hindi ko pa siya nakikitang uminom ng alak. At ngayon ay nag aaya siya, siguro may problema to.

"Broken?" tanong ko rito. malay niyo tama , sino naman kayang babae yun? napaka swerte naman niya. Tsk, kung ako nalang sana diba? hindi siya masasaktan.

"yeah." bulong nito, sapat para marinig ko. tsk, kako na nga ba. Sa gwapo niyang yan, tsk.

"sino?" malungkot kong tanong.

"Cheska, my girlfriend, huh, no I mean my X. Tsk, kain nalang muna tayo, then samahan mo akong magluksa, ok ba ?"

nakakalungkot isipin na masasaktan siya ng ganito. Anong kayang nangyari sakanila nung Cheska na yon? sobrang ganda siguro nun, haay Renzo kung ako nalang sana ang iyong minahal di kana aaay teka kanta yun eh.. tsk.

Habang naghuhugas ako ng pinagkainan ay nasa sala siya, sinimulan niya ng magluksa, hihintayin nalang daw niya ako. Napakalungkot niya ngayon, parang nadadala ako. Nalulungkot ako kasi nasasaktan siya, kahit naman lagi akong inaaway niyan eh mahal ko yan(Mahal mo ??!!!). No I mean, gusto ko siya yun lang.  

Nang matapos akong maghugas ay sumunod ako agad sakanya, pagkarating ko sa sala ay mukhang wala pa naman siyang tama. Pilit siyang ngumiti saakin, naiintindihan ko siya, mukhang kailangan talaga niya ng karamay sa ngayon, kaya sasamahan ko siya.

"upo kana, eto sayo oh." at iniabot niya saakin ang basong may laman ng alak. agad ko itong inabot at sinimulang inumin.

katahimikan, yun lang ang maririnig mo saaming dalawa. walang nagsasalita, maybe nahihiya siya, or hindi niya lang alam ang sasabihin niya. at dahil ang awkward na hindi ko na napigilang magtanong.

"anong nangyari?" tanging tanong ko, napatingin siya saakin, napakaseryoso ng mukha niya, halatang may problema siyang pinagdadaanan.

"Si Cheska, girlfriend ko for almost 4 years, tagal na diba, next month balak ko ng mag propose. Nasa right time naman na kami para magpakasal eh, nasa London siya ng halos 5 months dahil nandun ang family niya at nagtatrabaho siya dun as Doctor, long distance kami pero nakakaya naman namin eh, nakakaya ko naman." habang nagkwekwento siya ay halos maluha na siya, konting konti nalang papatak na mga luha niya, sobrang mahal talaga niya ang babaeng yun. 

"then kanina, hindi ko alam na umuwi pala siya, na surprise ako dun, at sobrang saya ko dahil nakita ko ulit siya, hindi ko alam, naguluhan nalang ako, kasi hahalikan ko na siya eh, pero bigla siyang umiwas." nang banggitin niya ang umiwas ay tuluyan na siyang umiyak, grabe may lalake rin pala talagang umiiyak noh.

"Then I asked her kung may problema ba. And dun na niya sinabi saakin na, ikakasal na siya." pinahid niya ang luha niya, lumapit ako para tapikin ang balikat niya, nilagyan ko ng alak ang baso niya at nilagyan ko rin ang akin.

"Tara ilaklak nalang natin to, maybe sa ngayon nasasaktan ka nga, pero konting panahon lang, mawawala din yang sakit na yan jan sa pusong bulag na yan" sabay duro ko sa dibdib niya.

"Cheers" masayang sabi ko at ngumiti naman siya, tumagal ang inuman namin, may mga tama narin ako, ewan ko lang sakanya, bumibigat na mata ko, pero parang gusto ko pang uminom.

"Bakit ba kase di nalang ako mainlove sayo noh Allen? hindi mo naman ako sasaktan diba?" tanong nito, naiintindihan ko pa naman ang sinasabi niya, bat parang hindi pa siya nahihilo, iba talaga ang lalake noh. 

"Oo nga eh, ako nalang kashe" lahad ko. Oo nga, bat di nalang kasi ako. Maganda rin naman ako eh, diba author?( oo nalang ako, magkatol ka nalang Alleni) thanks Author.

katahimikan nanaman, pero ramdam kong lumapit siya saakin, kaya tumingin ako sakanya, pagkalingon ko ay----

nagkalapat ang mga labi namin. Para bang nahimasmasan ako, Its my First kiss, siya ang First kiss ko? wow! how lucky I am!! 

nanatali lang na magkadikit ang mga lips namin, hanggang sa ginalaw niya ang mga labi nito, hindi ko alam ang gagawin ko, hindi ko alam kung pano ako sasabay sakanya.

"First Kiss?" bulong nito habang magkadikit parin kami, nag nod ako, then he cares my face to deepen the kiss. He start to kiss me passionately, its like were a couple with a real love. hanggang sa di ko namamalayang sumasabay na pala ako sakanya, his lips are really soft, nakakaakit. Hindi ko akalaing sa isang napakagwapong nilalang mapupunta ang first kiss ko. Pero---- his not my boyfriend, so why did I let him do this?!

Itinulak ko siya ng matauhan na ako. Mali nga talaga to, at isa pa ay boss ko siya. Halata sa mukha niya ang pagkagulat.

" Anong problema?" tanong nito.

"Mali to SIR RENZO, masiyado mong sinamantala ha, oo first kiss yun, pero it doesn't mean na hahayaan nalang kita. Your not even my boyfriend. Alam mo sir, humihit ka nalang ng katol, punta na ko sa room ko. jan ka na nga." padabog kong sabi. at inirapan ko siya bago tuluyang umalis, "woooh gusto mo naman eh! Infairness Allen, sarap mo palang halikan, so addictive huh. haha!" pahabol pa nito, ng makarating ako sa pintuan ng room ko ay sinigawan ko pa siya, " WOOOH KATOL PA SIR!!!"

at tuluyan ko na siyang sinaraduan, nanatili akong nakatayo sa pintuan ko, hindi ko maiwasang hawakan ang lips ko. nakakaamaze, ganun pala ang feeling ng first kiss. "haaay Heaven" bulong ko sa sarili ko. pumunta na ako ng banyo to clean myself. then after that ay humiga na ako, bumabalik ang mga nangyari, napapatulala ako, hindi narin ako makatulog. Sigurado sasakit ang ulo ko nito. Haaay please tulog na.

sarap mo palang halikan

sarap mo palang halikan

sarap mo palang halikan

"waaah! tama na please! magpatulog ka!" tinakpan ko nalang ang ulo ko ng unan. Naalala ko naman ang turo saakin ni mama, pag hindi daw ako makatulog magbilang daw ako. Yeah tama, at sinimulan ko ng magbilang.

"1,2,3,4,5,6,7,8,9,10....... 189,190,191,192,193,194,195,196.... ZZZZzzzzzz"

Effective! Hello po. Thank you po ulit sa mga nagbabasa. More Reads. Vote Vote din po tayo pag may time. Hehe, salamat po talaga.

Salamat po sa nag vovote at sa nagfollow saakin. Thanks po. God Bless po.

Please vote and comment po :>

Dy Ann:>

Change my Last NameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon